A Dragon Fruit Kind of Love

930 54 37
                                    

Prompt: Dragon Fruit

Prompt by: alphz_kap

Written by: Missblackskull 

---


My Parents dislike the fact that I will be attending to a music school, they wanted me to be in a more prestige school that they can be proud of. Pero, sila lang naman kasi iyan eh, gusto nila, paano naman ako? Paano naman ang gusto ko? Ako ang mag-aaral kaya ako ang masusunod. Bratty as I may seemed pero I don't want to compromise my dreams.

I want to follow my dream, and that dream I am referring to is not just a dream, it's a matter of life and death for me.

Si Edward, He is someone so cool and really famous. Isa siyang sikat na pianist, bata palang ako ay sobrang taga hanga niya na ako. Sobrang galing niya at his young age kaya nainspire talaga ako sa kanya na tumugtog ng piano. I started to be a fan of him noong minsan'g sinama ako ng mommy ko sa isang bonggang party, at ayon nga special guest si Edward sa party na 'yon, and there una ko siyang narinig na tumugtog ng piano! Sobrang galing niya!

The way he plays and smash the keys are so precious at napapa-nganga ako sa galing niya! The rhythms keeps on taking my heart away.

I know napaka-bata ko pa sa ganito, pero kasi eh, noong nakita ko siya, ninakaw niya na ang puso ko.

Seryoso ako.

-

Pero iyon nga, because of being so famous, napaka aloof niya sa mga tao. he rarely speaks, and mingle with other people. Minsan ko lang siya makita sa school kasi may mga shows siyang tinatanghalan, abroad pa nga eh iyong iba eh. Akala ko noon madalas ko siyang makikita sa school lalo na't iisa nalang kami ng pinapasukan pero hindi, once in a bluemoon parin pala.

Kung nasa school siya, madalas mag-isa lang siya. Hindi siya basta-basta nagpapalapit sa kung sino at sa tingin ko rin naman kakaunti nalang kaming hindi sanay sa presensya niya dito sa school. Kung hindi ko naman siya nakikita sa piano room ay nakikita ko siyang tumatambay sa ilalim ng puno at nagbabasa siya ng libro habang nakasalampak ang earphones niya sa kanyang magkabilang tainga.

I don't know pero napaka misteryoso niya kaya mas lalong nahihirapan akong lapitan siya. Nakakailang siya. Feeling ko kung lalapit ako sa kanya ay magagalit lang siya at bubugahan niya ako ng apoy eh kaya most of the time nakukuntento ako na nakatingin na lang sa malayo sa kanya.

One day, the table turned upside down sa hindi ko inaasahang pagkakataon.

I was at the back of the school music building at tsempong nasa likod ito ng mismong piano room ni Edward. Gawain ko kasi 'to lagi lalo na pag nababalitaan kong nasa school siya. Tumatambay ako dito, isang pader lang kasi ang pagitan namin ni Edward. Pakiramdam ko ang lapit lapit namin sa isa't at talagang kontento na rin ako sa ganoong bagay.

Minsan, tumutogtog siya ng mga never been heard new songs niya na parang nagcocompose siya ng mga kanta na sobrang ganda! Minsan nga nakakatulog ako eh. Natawa ako, kinikilig na'rin. yay!

As I was about to lean on the wall at hinahanda na ang sarili kong marinig siyang tumugtog ulit ay sobrang naeexcite na 'ko. It's been almost a month din noong huli siyang magawi rito at miss na miss ko siya! Mga ilang minuto na nga ang nakalipas ay narinig ko na muli siyang tumugtog ng piano.

Panibagong kanta na naman dahil hindi ito pamilyar sa'kin! Malamang dahil fangirl niya ako ay natural lang na kabisado ko lahat ng tinutogtog niya! Kaya masasabi ko talaga na bago ang kanta dahil ngayon ko lang ito narinig, hindi ito pamilyar sa'kin.

MES: Hearts and HuesWhere stories live. Discover now