Golden Butterfly

778 37 20
                                    

Prompt: Dying inside to hold you

Prompter: kyLiiemichy

Written by: redbutterfly202

---



Nakapameywang pa ang tv actress and singer na si Mia Rosa habang kaharap ang bading na manager niya.

" I'm not going to do the teleserye with that Kristal.." ang nasabi ni Mia Rosa na mapaghahalataan na may inis sa boses niya

" The management wants you to do the teleserye with her. Kinausap ako ni Ma'am Karen. Bilang anniversary offer na ng Star Global Production " ang paliwanag ng manager.

" I'm not going to work with that biatch por Deo por santo " ang may panggigigil sa sinasabi niya ang babae

" Mia, Trabaho lang kasi, wag mong personalin." Ang napapailing na nasabi ng manager ni Mia Rosa

" she's so unprofessional, she always makes other feel na pinaka importante siya. She lacks talent , pinanganak lang siyang siyang may nakapasak na golden pacifier sa bunganga at maraming koneksyon na pinapalakad." Ang naisiwalat ni Mia Rosa ang nararamdaman.


" Pag isipan mo, baka kasi pagtinanggihan mo ay sabihin ng management na masyado mong penersonal dahil minsan niyang kinalantari ang ex love team mo na si Deo Dismundo


" That's far fetch feom the truth kung bakit ayaw kong katrabaho siya. " ang nasabi ni Mia Rosa.


" Kainis."ang nasabi ni Mia na may padabog pa na lumabas ng munting opisina ng manager.

Nagkuyom pa ng mga kamay si Mia Rosa at gigil na gigil.
Naghihintay ang Personal Assistant niya na si Emil sa labas ng opisina at biglang napatayo..

" I'll gonna make her life miserable.." ang nasabi ni Mia Rosa at napa flip ng buhok..

" May problema ba?" Ang may pag aalala sa boses ng PA na hawak ang isang maleta na maliit saka inabot ang isang botelyang tubig.

" Let's go home na lang." Ang nasabi ni Mia Rosa na nagpatiuna sa paglalakad.

Nakasunod na lamang ang nerdy looking na PA na niluma ma ata ng panahon ang gamit na eye glaasses . Kung aaninagin mo talaga ay makikita ang kaguwapuhan nito, na mapaghahalataan na di purong Pinoy.
Mag aanim na buwan pa lang na PA si Mia Rosa si Emil. Nirekomenda ng kanyang stylist na si Sir Sunny. Nagpakasal at Nabuntis kasi agad ang long time PA. Nuong una ay nag hesitate pa siya sa gawang lalake nga pero ng makita niyang medyo nasa nerdy side naman ito at mukhang di gagawa ng kalokohan ay sinabi niyang bibigyan niya ito ng chance. Ayon nga, bukod sa napaka reliable at efficient na PA ni Emil ay kasundo ito ng kanyang 7 years old na daughter na si Catherine..

" Okay lang po ba kayo?" Ang tanong ng PA na napatingin sa kanya

" Wala to, nairita lang.. lilipas din to." Ang nasabi ni Mia Rosa.

May kinapa sa bulsa ng dalang slingbag si Emil Iniabot ang isang dark Godiva chocolate.

Napangiti na lamang si Mia Rosa ng ibinigay sa kanya ang chocolate. Napapikit pa ito na parang ninanamnam ang paglasa dito.
Matamang nakatingin lang si Emil sa amo niya.

" Alam mo Emil, I've got goodvibes with this Godiva chocolate during college years."

Napatingin si Emil kay Mia Rosa na may pagtatanong sa mga mata.

" My high school suitor , our quarter back laging nag iiwan nito sa locker ko. Mas madaming pa Godiva nun lalo na kung masama ang pakiramdam ko o wala ako sa mood." Ang nakangiting kuwento ni Mia Rosa. " Magkaiba kami ng class pero parang lagi ang siyang nakamasid sa akin. Masaya din na magka lovelife during college years ha"

Napangiti na lang si Emil na inayos pa ang kanyang salamin.

" Ikaw ba Emil, wala ka bang girlfriend nuong college?" Ang tanong ni Mia Rosa

Napabuntong hininga na lamang si Emil

" I was new sa college na pinasukan ko , my eyes got caught a beautiful , tall, model figure and very friendly college all girls band lead singer." Ang Apangiti si Emil sa naalala

" Wow ha.. i was in the all girls band din nuong college. Sayang nga at nagkawatak watak kami after college."ang nasabi ni Mia Rosa.


" Na sapat na sa akin na pag masdan lang siya mula sa malayo. Halos nauubos ko free time ko sa kasusunod sa kanya ."

" oi, it's s creepy ha, buti naman at di natakot yong girl.'' Ang natatawang nasabi ni Mia Rosa

" She's a brave lady. One day nga while i was passing sa harap ng gymnasium papunta sa next class ko. Some bullies just start hitting me. Then came from nowhere lang. My lady start screaming and kicking the bullies who just run for their lives." Ang proud pa na kuwento ni Emil.

" kawawa ka naman pala." Ang nasabi ni Mia Rosa na biglang dinampian ng halik sa ulo si Emil na nagulat talaga at nagblush talaga.. " if ako din nakskita na binubully ka, I'll give them black eyes and broken body parts. Black belter pa naman ako sa karate. " ang dugtong pa ni Mia Rosa.

" She even remove some blood from my lips using her scarf." Ang nakangiting nasabi ni Emil na naalalang naka frame na ngayon ang scarf na yon.

Nagkatawanan na lang sila. Nanahimik na lang si Emil ng mag ring ang phone ni Mia Rosa.

" Hi Honey, pauwi na ako e. Bukas na lang ako dadaan diyan sa resto mo, I'm just tired lang .. Pasensiya ka na kay Catherine.. okay bye." Ang nasabi ni Mia Rosa sa kausap.

Napabuntong hininga pa si Mia Rosa ng matapos ang pakikipag usap sa phone.

" Catherine is giving RJ a hard time. She despise him. Anung gagawin ko?" Ang nasabi ni Mia Rosa kay Emil..

" Just give her time na lang. Mabait naman po na bata ang anak ninyo. And shes also sweet. Naangasan lang po siguro sa boyfriend ninyo.." ang nasabi ni Emil na parang nagulat pa sa salita na ginamit. " Naku po, sorry." Ang hingi niya ng paumanhin kay Mia Rosa.

Humagalpak tuloy ng tawa si Mia Rosa. Natatawa din ang driver nila at isang bodyguard.

" Maangas din ang tingin ni Catherine sa kanya. "

" Don't get me wrong Miss Mia, pero why him?" Ang kinakabahan man baka magalit si Mia Rosa ay nagawang itanong ni Emil

Kagyat na nag isip si Mia Rosa.

" Di ko rin alam actually, siguro kahit na maangas yon ay siya na lang ang matinong lalake, i mean yong one woman Kind of man. Maangas pero di tumitingin sa iba. " ang patang may kasiguraduhan sa boses ni Mia Rosa

Lihim na lang na napailing si Emil.
Idinaan na lang nila si Emil sa tinitirhan nito .

" Miss Mia." Ang nasabi pa ni Emil bago pa nito isinara ang pinyo ng sasakyan.

" Yes Emil.?"

" You're a beautiful and great person
I'm happy that your heart is happy. And Catherine is a great kid just like you." Ang nasabi ni Emil

Nagulat si Mia sa sinabi ni Emil. Para lang siyang natulala..

Tiningnan na lang ni Mia Rosa sa side mirror ang pagpasok ni Emil sa gate. Napasapo siya ng dibdib niya kasi parang may sumuntok at nakadama siya ng di maipaliwanag na sakit.

Hanggang makarating sa bahay ay parang may kirot sa puso niya..

Hinanap ni Mia Rosa ang kanyang anak. Nasa toy room ito at gusto daw mag isa sabi ng yaya nito na nakasilip lang sa may pinto.

Nilapitan ni Mia Rosa ang kanyang anak na nagdo drawing habang nagpapahid ng luha.

" Sweetie, bakit ka umiiyak?" Ang may pag aalalang tanong ni Mia Rosa na pinaharap ang anak at pinahid ang luha nito. " Who makes you cry?" Ang muling tanong ni Mia Rosa

" Mama, i want this family.. ayaw ko ng iba." Ang gumagaralgal na nasabi ni Catherine na ipinakita amg drawing.

Natigilan si Mia Rosa ng makita ang drawing ng anak na. Ina-Anak at sa di man nakadikit na Hulmang lalaki na nakapaikot ang kamay sa drawing na mag ina.

" Ayaw ko kay Mr. RJ , his mean to his driver; i heard him cursing and he doesn't really like me.. he only likes you." Ang lumuluha na nasabi ni Catherine..

Napailing si Mia Rosa at niyakap ang anak at hinalikan.

" I want Tito Emil to be my Papa." Ang nasambit ni Catherine..

Ikinulong ni Mia Rosa sa mga palad niya ang mukha ni Catherine.

" But his not even my boyfriend. His my assistant. " ang nasabi ni Mia Rosa.

" Because you are blind.. " ang nasabi ni Catherine na pumakawala sa pagkakayakap ni Mia Rosa at nagtatakbo palabas ng toy room.

Sinundan ng yaya nito si Catherine. Mas lalong nanakit ang dibdib ni Mia Rosa.
Di niya alam ang mararamdaman.

Nasa ganung pagkalito pa siya ng makarecieve ng message galing kay Emil.

- I have great time serving you Mia Rosa, the golden butterfly. It's not easy but i don't think i can still work as your PA. I will send my resignation letter early tomorrow.-

Napailing si Mia Rosa ng maalala ang tungkol sa the golden butterfly.
Nagmamadali siyang kinuha ang susi ng kotse niya at hinanap ang isang box ng sapatos na naitabi niya sa pinakamataas na shelf sa kuwarto niya.

Gusto niyang matawa na naguguluhan..

" You are kidding me.. "ang nasabi ni Mia Rosa sa sarili niya.. " God.."

Naalala na naman ni Mia Rosa ang sinabi ng anak na " you are blind. "

Ilang minuto lang ay narating na niya ang bahay ni Emil. Hawak Ang isang shoe box ay paulit ulit siyang nag doorbell na di naiisip kung may ibang naroroon.

Nakaboxer at sando lang si Emil na nagbukas ng pinto. Di ito nakasuot ng salamin at makikita ang nangungusap nitong mga mata.

Sinugod ni Mia Rosa si Emil at marahang itinulak..

" Sino ka Emil? Bakit alam mo ang tungkol sa golden butterfly." Ang tanong ni Mia Rosa na binuksan ang shoe box at bumulaga ang ibat ibang itemd na may golden butterfly na hulma at print..

Napabuntong hininga si Emil.. Napatalikod at humatap sa may bintana.


" I'm the one who is dying inside to hold you but you don't even know i exist. " ang paunang nasabi ni Emil.

Humarap si Emil kay Mia Rosa .

" It was you na nagtanggol sa akin sa mga bullies na yon.. it was me na nag iiwan ng mga godiva sa locker mo tuwing down kasi alam ko kasi magkaklase tayo , you're sitted with the famous, i was sitted with the invisibles. Lahat ng gigs mo nanonood ako. Lahat ng heartache mo, alam ko. I made the golden butterfly kasi alam ko na magiging happy ka kasi yon ang paborito mo. Pero you thought it was from Tanner.
I was the one who dive and got you out from the water when your kayak capsize. Si Tanner lang ang nakita mo na nasa tabi mo ng nagising ka.
When nag break kayo ni Tanner, i was happy. Nagdala ako ng red roses nuon pero narinig ko na sinisigawan ka ng mama mo dahil nalamang buntis ka, i left the roses outside your apartment. Thats the roses you saw ng lumabas ka. I saw you ng magbuntis.. every morning i left fresh milk sa doorstep niyo. I was inlove with you.. " ang pag amin ni Emil.

Natulala na lang si Mia Rosa.

" Bakit di ka nagpakilala.?" Ang tanong na lang ni Mia Rosa.

" Kasi kaya naman kitang mahalin mula sa malayo . All i want is maging masaya ka Lang. Kayo ni Catherine."

" e bakit ngayong malapit ka na bakit ka magreresign. "

" kasi ayaw kong ilibing ang sarili ko ng buhay pag nakita kang magpapakasal sa kanya."

Napakunot ang noo ni Mia Rosa..


" I'm not marrying a man na ayaw ng anak ko."

Napatingin na lang si Emil kay Mia Rosa na may pagtatanong.

Tumayo si Mia Rosa at humakbang papunta sa pintuan
Nilingon ni Mia Rosa si Emil


" idedemanda kita pag di ka pumasok sa trabaho mo bukas." Ang pagbabanta ni Mia Rosa.. " And i will hate you for the rest of my life if you leave and make my Catherine cry." Ang dugtong ni Mia Rosa.

Napatingin lang si Emil kay Mia Rosa . Lumapit si Mia Rosa at dinampian ng halik sa pisngi ang nagulat na si Emil.

" Makakapag antay ka pa naman diba. " ang masabi ni Mia Rosa saka tinalikuran si Emil at nakangiting umalis.

Nakatanaw lang si Emil na natulala pa din.

MES: Hearts and HuesWhere stories live. Discover now