If I Don't Have You

1K 40 73
                                    

Prompt: "Now are you here to stay, or fade away like every other day? You're the reason that I lie awake"

Prompter: maylovestrixxie

Written by: Mona Nor Kalis

---

  "Five years relationship, We are one, we promised that we spent our lives together but, One day she left me without any reason. " aniyang may bahid kalungkutan sa kaniyang mga mata.

Naging masaya ang kanilang relasyon. Walang naging problema at ni minsan hindi sila humantong sa hiwalayan hanggang sa dumating ang araw na ikinabigla ng binata.

Walang pasabing iniwan siya ng katipan. Hindi malaman ang dahilan kung bakit?

Sa kanilang muling pagtatagpo makaraan ng dalawang taon. Ang panunumbat at katanungan ba ang magiging sagot upang matahimik ang kaniyang puso.

"Edward, Is that you?" Tanong niya sa dating katipan. .

"Yes, Ako nga! Ang lalaking iniwan
mo two years ago, Basta mo lang iniwan, " Aniyang may himig panunumbat.

"Sorry kung iniwan kita, Sorry kung naging duwag ako," garalgal niyang sambit habang mumunting butil ng luha ay nagbabadya ng bumuhos.

"Sorry? Is that only you can say? How about the two years na clueless ako? Two years na sana isang araw ay bumalik ka," Pasigaw niyang turan dito.

"Hindi ko alam paano sasabihin sa'yo, natakot ako baka iwanan mo lang ako," Nangingiyak niyang paliwanag ngunit sa binata ay tila hindi ito naririnig.
.
" Iiwanan? Bakit? May nagawa ba ako? Masaya naman tayo diba?" Muli nitong tanong sa kanya

"I'm dying, " tugon nito.

"What??? " gulat nitong tanong na halata ang pagkabigla

"You heard it right, I'm sick. I have Leukemia, ". Pag-amin niya

"And do you think iiwanan kita sa ganoong sitwasyon?"

"No it's not like that, Ayokong mahihirapan ka kaya ako lumayo,"

"Sa tingin mo ba hindi ako nahirapan sa ginawa mong paglayo? I suffered Dale, People knows how I got crazy thinking of you, looking for an answer but still I couldn't find it and now you came back," aniyang pilit pinipigilan ang emosyon.

"Alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa'yo, Hindi iyon matutumbasan ng paulit-ulit kong paghingi ng kapatawaran. But deep inside I still felt guilty about what happen. I expected this kaya hinanda ko ng sarili ko," Aniyang tuluyan ng naiyak habang walang emosyon na nakatingin ang binata sa kanya. "I'd rather go than to see you in pain," paalam niya habang si Edward ay hindi na umiimik

Hindi malaman ni Edward ang gagawin, tila parang tuod na nakatayo habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga. Sa isip niya galit siya, naiinis pa rin siya ngunit sa puso niya alam niyang hindi nagbabago ang pagmamahal na kaniyang nararamdaman.

"You're so stupid!" Asik niya sa sarili. Hindi man lang niya nagawang pigilan. Paano niya mahahagilap si Marydale kung tuluyan na siyang magmamatigas. It's not yet time kahit napakatagal na ang pangyayaring iyon ay tila nanumbalik lahat ang sakit at pagdurusa.

Habang lakad takbo naman ang ginawa ni Dale. Hindi niya malaman ang gagawin kung paano siya mapapatawad ni Edward. Para sa kaniya lalong bumigat ang dibdib niya sa muli nilang pagkikita. Matagal din ang dalawang taon at napakahirap kalimutan at ipasawalang bahala iyon.
.
There are things we tend to understand why it happened. But in their case, We don't know how they will handle the situation.

Throwback time ( College days)

By the way, I'm Edward John Barber. A Junior student and a Varsity player in our University. I had a long time crush named Marydale Entrata or Dale. She's one of the most beautiful and sexy lady in our University, isa sa Modelong rumarampa sa aming Unibersidad. Katunayan matagal na akong humahanga sa kaniya na hindi ko alam Paano makalapit sa kanya dahil sa daming umaaligid sa kanya.

Sabi ng puso't isipan ko na mahal ko na siya, Siya iyong klaseng babaeng nanaisin mong makasama, naisin mong maging nobya o higit pa.

"She's damn perfect," sa isip ko habang nakatitig ako sa mukha niyang napakaganda. I used to get pictures na palihim because she's too far away from me.

I took a deep breath then here I am again, Nakamasid sa kanya sa malayuan. Iyong mga tawa niyang napakalutong, that sweet smile na lalong nagpapaganda sa kanya.

"Pare, Sino ba iyang tinitingnan mo? Baka matunaw na iyan ah," untag sa akin ng kaibigan kong si Macky.

"Huh? Wala naman ah," tangging sagot ko sa kanya.

"Naku, Lokohin mo na sarili mo huwag lang ako, Mukhang tinamaan ka talaga diyan noh?" Pang-aasar turan ni Macky sa akin. Napakamot na lamang ako ng ulo sapagkat huling huli na ako. "Lapitan mo kaya, I mean ligawan mo na bago masulot ng iba." Payo niya sa akin.

Bigla akong pinawisan at kinabahan. Hindi ko alam paano mag-react, Oo mahal ko siya pero ewan ko ba naduduwag ako este natotorpe ako pagdating sa kaniya.

"Ano ba? Huwag kang tumunganga diyan! Huwag kang pabagal-bagal, Pwede ba gamitin mo iyang charm mo nang maka-iskor ka," sabi ni Macky sa akin. Tama naman siya e, Sobrang bagal ko sapagkat pinangungunahan ng kaba at hiya.

Mabilis lumipas ang mga buwan, araw ngunit gano'n pa rin. Naduduwag pa rin ako ngunit nung isang araw ay sinusundan ko siya pero ayon nahuli ako.

"Hey, Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya sa akin. Napahinto ako habang napakalakas na ng kabog ng aking dibdib. Walang mahagilap na salita. Napakamot na lamang ako ng ulo nang muli siyang nagsalita.

"Are you Okay Mister Barber?" Muli niyang tanong. "Bakit parang namumutla at nanginginig ka yata?" Aniyang hinawakan ang kamay ko. "My God! Para akong nakuryente,"

"Kilala mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Of course, I know you. You're one of the popular varsity player here in our University. And every kick mo sa soccer field ay napapalingon ang mga girls. Isa na ako do'n," nakangiti niyang Saad sa akin.

"Nakakahiya naman,"

"Bakit ka nahihiya? I'm one of your Fan, Palagi akong nanonood ng game niyo." Nakangiti niyang turan sa akin. Lalo tuloy akong nahiya sa kanya.

"Tama bang narinig ko? You're my Fan? Hindi naman ako sikat ah," Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo, I'm your Fan. Hindi ako mahilig sa sports till I saw you. I'm with my best friend that time, Mahilig siya sa sports and isa sa crush niya ay kasamahan mo. I was amazed how you play soccer, ikaw iyong palaging nakakapag-goal" nakangiting turan niya sa akin.

Sa mga narinig ko, Nakakabigla man pero sa loob loob ko'y kinikilig ako.

"By the way, I'm Marydale and from now on friends na tayo ha," Aniya sa akin. "So dahil friends na tayo, Can you come with me? Bigla kasi akong nagutom e, Tara let's eat sa favorite fast food ko (McDo)" aya niya sa akin.

Nag-aalangan man ako ngunit sa huli ay nasamahan ko din siya. "Date ba ito?" Piping sigaw ng isip ko.

Magkasama kaming dalawa, magkasabay na naglalakad patungo sa sinasabi niyang Fast food. Sobrang daldal niya hindi nauubusan ng mapapag-usapan. Ako naman iyong tango ng tango di alam ang sasabihin hanggang sa bigla siyang napahinto sa pagsasalita.

"Mister Barber, Ang tahimik mo yata. Kanina lang ako nagsasalita dito pero di ka naman kumikibo. Takot ka ba sa akin? Or should I say awkward ba na magkasama tayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Edward, Please huwag kang mailang o mahiya sa akin. Isipin mo na lang na I'm just an ordinary girl na tulad ng iba. I don't want to be treated the way people treated me na kesyo I'm one of the most beautiful and sexy, hinahangaan ng lahat, kilala sa buong campus, Binansagan nilang the Fierce supernodel chuchu." Pakiusap niya sa akin habang hawak ang mga kamay ko. "Feeling ko na namumula na ang pisngi at tenga ko,"

Dahil sa bilis nang pangyayari ay tanging tango lang ang tugon ko sa kanya saka ningitian ko siya.

"Tara Pasok na tayo," aya niya sa'kin sabay hila ng kamay ko. "Ayon unconsciously holding hands kami."

Sabay na nga kaming pumunta sa Counter then I found out that we have the same favorite the McFreeze Coke and McFreeze Dalandan. "She's so adorable and witty, " iyon ang napansin ko sa kanya. Hinding hindi ka niya hahayaang mailang sa kanya.

I always smile and laugh when she started to make kuwento until.

"Edward, May napansin lang ako, Have you ever courted a girl? I mean do you have a girlfriend?" Biglang tanong niya sa akin.

"Nothing at all," tipid kong sagot sa kanya.

"Why? I mean sa daming pretty girls sa University wala ka man lang natipuhan?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Hindi naman sa gano'n, Katunayan may crush ako. I mean mahal ko na nga ito pero ang hirap niyang abutin," nahihiya kong tugon sa kanya.

"Oh, Ang swerte naman ni crush, Bakit hindi mo subukang ligawan?" Aniyang may himig kalungkutan na hindi ko maipaliwanag bakit gano'n na lang ang tanging tugon niya.

"Hey, cheer up! Wala pa naman akong balak manligaw e, Actually gusto ko pa siyang kilalanin," Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bahagyang napangiti siya saka kinuha ang kaniyang cellphone.

"Ahmmm.. First meeting natin ito kaya dapat lang memorable diba? So let's do selfie please," Pakiusap niya sa akin. Sino ba naman akong tatanggi sa isang katulad niya.

Marami din iyong mga litratong siya mismo kumuha hanggang sa "Akin na phone mo," sabi niya.

"Oh, Bakit naman?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ah, e may gagawin lang ako," sagot niya kaya wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanya.

"Teka, picture ko iyong wallpaper mo?" Natatawa niyang sambit. Bigla akong pinawisan at dinig ko ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Wala e huling huli niya na ako,

Napakamot na lamang ako ng ulo habang nakangiti na siyang nakatingin na animo may nais ipahiwatig.

"Okay lang, Nabigla lang kasi ako, Bakit pala ako iyong wallpaper mo sa, phone mo?" Tanong niya.

"Ah e---- Hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon at lalong hindi ko pa masagot tanong mo," sagot ko sa kanya.

"I see-- Hindi na ako mangungulit tungkol diyan basta text or tawagan mo ako sa number ko, Nakaphonebook na diyan sa phone mo,"

"Okay no problem, Teka! Come with me, Wala ka ng klase diba?" Aya ko sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Basta sumama ka na lang," sagot ko sa kanya sabay hila ko sa mga kamay niya.

Magkahawak kamay kaming lumabas without knowing na hindi namin iyon napansin. Deep inside I felt so much kilig. Mantakin mo kasama mo iyong crush mo.

"Ed, Thank you for this day. Ito na yata ang isa sa pinakamasaya kong araw." Aniya sa akin.

"Naku, Ako dapat magpasalamat e, Hindi ko inaasahan 'to," sagot ko naman sa kanya.

Makalipas nang ilang sandali nakarating na nga ang mga ito sa Soccer Field na matatagpuan sa University

"We're here," saad ko sa kanya.

"Madalas ka ba dito? Kahit mag-isa ka lang?" Tanong niya sa akin.

"Yes, Actually kapag walang klase, walang practice. I stayed here alone,"

"Ano naman ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Wala, nagmumuni-muni, minsan nagprapractice,"

"Ed, diyan ako madalas umuupo kapag nanonood ng game niyo,"

"Talaga? Ikaw pala talaga iyong madalas kong makita. Akala ko namamalikmata lang ako,"

"Oo, ako nga iyon,"

Makalipas nang ilang sandaling kuwentuhan ay nilisan na nga ng dalawa ang lugar saka inihatid na ng binata si Marydale.

"Salamat sa paghatid," nakangiti niyang turan sa akin.

"Walang anuman,"

End of Flashback

Present Time

Nang makarating si Marydale sa kaniyang sasakyan. Napahagulgol siya sapagkat ganoon na lamang siya naapektuhan sa muli nilang pagkikita Ni Edward. Wala siyang ibang minahal kundi ang binata kaya gano'n na lamang ang nararamdaman nito.

"I still love you, I hope someday you will forgive me," naiiyak niyang sambit nang biglang tununog ang kaniyang telepono.

"Hello," Saad ng nasa kabilang linya. "What happen?" Tanong nito.

"Nothing, Don't worry I'll be fine," sagot niya.

"Okay, Take care Bye." Anito sabay baba ng telepono.

Huminga ito ng malalim before pinaandar ang sasakyan. Minabuti niyang umuwi muna after what happened hindi nito alam paano muling haharapin ang dating nobyo.

Samantala napaupo si Edward sa bandang sulok ng Restaurant na pag-aari nito.

"Marydale, Why? Bakit mo iyon nagawa? Ano Ba ako sa'yo? I'm your boyfriend pero inalis mo sa akin ang pagkakataong alagaan ka," katanungan sa isip niya habang inaalala ang nangyari kanina.

Habang walang siglang dumating ang dalagang si Marydale sa Condo nito. Deretso sa loob ng kuwarto at doon binuhos ang lahat. Ang sakit at pagsisisi. Magmula nung nalaman niya ang kanyang sakit ay agad itong nagdesisyong umalis at hindi ipaalam kay Edward ang sakit nito. Ilang sandali ang nakalipas nang mahimasmasan ito at bigla niyang kinuha ang isang photo album na isa sa recall ng dating nobyo.

"Yes, masaya tayo noon alam ko iyon. I was the happiest girl na sa lahat ng mga babae sa University ako iyong pinili mong maging nobya." Napangiti niyang sambit habang ginugunita ang nakaraan.

jThrowback Time (College days)

Umagang kay ganda for Edward, nakasanayan niyang gumising ng maaga upang makapag-jogging. Samantala mahimbing na natutulog si Marydale hang biglang tumunog ang kaniyang telepono.

"Hello beautiful and sexy, Good morning." Nakangiting bath ni Edward sa dalaga nang sagutin na nito ang telepono.

"Hello, Good morning. Oh ang aga mo yata ah," sagot naman ni Marydale.

"Ahhhmmm.. Samahan mo na ako mag-jogging pwede?" Aya niya sa dalaga.

"Jogging? Now na? Ok wait for me, Teka saan ka ba ngayon?" Biglang tanong ni Marydale.

"Nandito na sa labas ng Dorm mo," sagot naman ni Edward

"Talaga? Naku, wala man lang pasabi. Sige antayin mo na lang ako diyan,"

Makalipas nga ng ilang minuto ay lumabas na nga ang dalaga. Nadatnan nito ang binatang nakatayo sa gilid ng Dorm.

"Kanina ka pa Ba?" Bungad tanong niya kay Edward.

"No, Ten minutes ago," sagot niya. "So let's go?"

"Sure,"

Magkasama na nga ang dalawang tumatakbo. Madalas na nila itong ginagawa tuwing umaga. Sabay na mag-aalmusal.

Kinabukasan nagulat ang dalaga nang mabungaran ang nakangiting si Edward.

'A-anong ginagawa mo dito? Gulat na tanong ni Marydale sa kanya.

"Sinusundo kita," sagot niya.

"Huh? Bakit? I mean nanliligaw ka Ba?" Takang tanong niya sa binata.

"Ano sa tingin mo?" Nakangiting sagot niya.

"Sabi ko na nga Ba e,"

"Tara na nga," napangiti niyang saad sabay kuha ng gamit ni Marydale.

"Thanks, Gentleman oh."

Napakamot na lamang ng ulo si Edward habang inalalayan ang dalaga.

"Ed, Alam mo naman na marami kayo diba?" Biglang tanong ni Marydale sa kanya.

"Alam ko naman iyon e, Ang sa akin lang maipadama ko lang sa'yo kung anong nararamdaman ko sa'yo,"

"Bakit mahal mo na ako?"

"Of course, Kaya nga ako nandito diba?"

"Bakit mo ako minahal?"

"Itatanong pa ba iyan? Siyempre mahal kita sapat na iyon diba?" Madamdamin niyang tugon dito.

Mabilis dumaan ang mga araw at buwan. Patuloy pa rin ang panunuyo ng binata sa dalaga. Hanggang dumating ang araw ng game nila. Naroon na din ang dalaga kasama ang kaibigan niya upang manood ng game ni Edward.

Isang kaway lang sapat na sa dalawa nang magsimula na ang game. Todo cheer naman si Marydale tuwing nakaka-goal ang binata.

It's been a great game, As usual nanalo na naman sila. But after the game biglang mayroon silang narinig na pamilyar na kanta.

Dying Inside by Darren Espanto

Selected students na sumasayaw sa soccer field hanggang sa isang magandang mukha ang makikkita sa tv screen.

"Kung sinuman ang nakakilala sa magandang babae na nakikita niyo sa TV screen ay maaari bang pakidala niyo sa gitna ng soccer field kasi siya lang naman ang pinakakamahal ko," Isang boses ang kanilang narinig saka tinugunan ang kaniyang hiling.

Samantala siniko si Marydale ng kaniyang kaibigan nang biglang may mga taong lumapit sa kanya upang dalhin siya sa gitna ng soccer field.

Makaraan ng ilang sandali ay muli nagsalita ang nagmamay-ari ng boses kanina.

"Miss Ganda, I want to tell you how much I love you, You're my everything," Saad niya habang nagpatugtog ng isang pamilyar na awitin gamit ang kanyang piano.

Kay Tagal by Mark Carpio is now playing

Until lumapit siya sa nakatayong si Marydale.

"I know that you're clueless about this, An unexpected surprise but maybe this time gusto kong malaman mo how much I love you and I'll be here forever by your side," Aniyang aktong luluhod sabay sabing "Marydale, Will you be my girlfriend." Madamdaming tanong ni Edward sa kanya habang halos hindi makapagsalita ang dalaga na naiiyak pa ito.

Dahil sa pagkabigla ni Marydale ay hindi man lang ito makapagsalita. Hindi malaman ang sasabihin hanggang sa muling nagsalita si Edward.

"Dale, Are you willing to be my girl?" Muli niyang tanong.

"Ahhh--- Yessss, I'm willing to be your girl and be mine forever," mangiyak niyang sambit saka pinatayo ang binata.

Sa sobrang saya nito ay bigla niyang binuhat ang dalaga na dahilang napasigaw ito. Hinagkan niya ito nang marahan niya itong ibinaba ar muling niyakap.

Present Time

It was memorable proposal for the one I Love and it's been seven years na nagiging masaya at maligaya kami together. But now mukhang malabo na.

Samantala nang makauwi si Edward ay napaluha siyang gunitain ang nakaraan lalo na nung wedding proposal niya sa babaeng pinakamamahal.

Throwback Time (Edward's Wedding Proposal)

Isang napakagandang umaga ang bumungad sa magnobyong sina Marydale at Edward. Balak nilang mamasyal gamit ang isang yate.

Magkasama sila buong araw hanggang makarating sila sa isang Isla.

"Wow! Ang ganda naman dito," buong paghanga sambit ni Marydale.

"Nagustuhan Mo Ba?" Nakangiting tanong ni Edward sa kanya.

"Oo naman,"

"Tara nang makapagpahinga tayo,"

Pagsapit ng Gabi ay umalis saglit ang binata na ipinagtaka ni Marydale. Isang note lamang ang iniwan sa mesa na agad binasa ng dalaga.

"See you later, Punta ka lang dito sa kubo."

Napangiti na lamang siya saka naghanda para mapuntahan ang nobyo. Makalipas nga nang ilang sandali ay pumunta na nga ito ngunit nagtaka ito na walang katao-tao ang naturang lugar maliban sa bakanteng mesang pangdalawahan at mga larawang nakapalibot sa buong lugar. Tuluyan siyang pumasok at isang pamilyar na awitin ang kaniyang narinig The Perfect by Ed Sheeran

Hanggang sa mayroon siyang nakitang maliit na kahon. Napangiti niyang binuksan ngunit ang ngiti ay napalitan ng lungkot na wala itong laman.

"Eheemmmm... Ito ba ang hinahanap mo?" Nakangiting tanong ni Edward sabay pinakita ang isang mamahaling singsing na ikinatango na lamang ni Marydale.

"Will you Marry me? Are you willing to be my wife and be mine forever and spent the rest of your life with me till the end," Aniyang sabay luhod dito.

Her tears starts to fall and she's speechless while staring at Edward's eyes.

"Yesss-- I will marry you," pasigaw niyang sagot

Napatalon sa saya ang binatang si Edward at niyakap ang dalaga.
Hanggang sa nagsilabasan ang mga fireworks.

"Can I have this dance my future wife," alok ni Edward.

"My pleasure my future husband,"

Saliw ng musika ay magkayakap silang sumasayaw at tanging puso na lamang ang nangungusap.

Present Time

Isa iyon sa pinakamasayang araw para sa akin ngunit lahat iyon nagbago magmula nung iniwan siya ng pinakamamahal niya.

Ngayon sa muli nilang pagkikita ay naroon ang pag-aalinlangan niyang hanapin at kausapin si Marydale

Makalipas nang ilang sandali at bigla na lamang siyang napatayo at kinuha ang susi ng kanyang kotse. Bigla niyang naisip ang kalagayan ng dating katipan. Nais niya na itong makita at makasama. Naisip niyang puntahan ang Condo nito.

"My God! This time please, Pakinggan mo puso mo Edward," saad niya sa sarili hanggang sa makarating ito sa Condo ng dalaga. Agad siyang kumatok sa pinto. Tinungo naman ng dalaga upang pagbuksan ang bisita

"Edward!" Gulat niyang sambit.

Walang pasabing kinabig niya ang dalaga at niyakap ng pagkahigpit. Walang salitang maririnig kundi mga puso lamang ang nangungusap. Hanggang sa kumalas ito at pinagmasdan ang ngayong naluluhang si Marydale.

"I'm so sorry," sambit ni Marydale.

"No, you don't have to. Ako dapat humingi ng sorry sa'yo dahil hindi kita pinakinggan. " Aniya rito na naiiyak na rin

"Mahal pa din kita Edward alam mo iyan,"

"Mahal na mahal pa rin kita Marydale and from now on hindi na kita iiwan. Haharapin nating magkasama ang kalagayan mo."

"Salamat, ngayon pa lang may rason na akong mabuhay para sa'yo, para sa pagmamahalan nating dalawa."

Mabilis dumaan ang mga araw at buwan ngunit hindi nagbabago ang kalagayan ng dalaga. Mas lalo itong lumala hanggang sa Ospital na natigil ang dalaga

Araw-araw namang nakabantay ang binata. Emosyonal na nakamasis sa namumutla at nakahigang si Marydale.

"Baby please, Palakas ka para sa atin, Huwag kang susuko diba magpapakasal pa tayo? Magsasama for a lifetime, Paano na lang kung mawawala ka? If I don't have you in my life wala nang rason para mabuhay pa," naluluhang saad niya habang hawak ang kamay ng katipan.

"Ed, Hindi ko alam hanggang kailan na lang ako, Just promise me na kahit anumang mangyari itutuloy mo pa rin ang buhay mo. Mahal kita, mahal na mahal kaya you deserve to be happy when I'm gone,"

"Don't say that please, Mabubuhay ka! Magiging misis pa kita, Paano na lang iyong magiging baby natin?"

"Please huwag kang malulungkot, Hindi na ako magtatagal alam mo iyan,"

Makalipas nang ilang sandali ay----- napahagulgol ang binata nang tuluyang binawian ng buhay ang dalaga.




Three months later.

"We promised together na magsasama pa tayo hanggang sa dulo ng walang hanggan but you left me again, My love Marydale, Paano na ako ngayon? How can I live without you by my side?" Kinakausap ang puntod ng katipan hanggang sa may naglagay ng bulaklak sa tabi niya.

Hindi makapaniwala sa kaniyang nakita na animo minumulto siya

"Mary---dale," sambit niya.

"Yes, ako nga," sagot ng babae.

"Wait---- How come? Diba---"

"Huwag kang matakot, ang totoo niyan I'm the Real Marydale, siya si Marielle my twin sister. She passed away with Leukemia like mine too. Katunayan pinagbigyan niya ako sa hiling ko without knowing na pareho pala kami." Pag-amin niya.

"Bakit wala ka man lang nabanggit tungkol sa kanya?" Nalilitong tanong ni Edward

"Because hindi na kailangan kasi hindi naman kami magkasamang lumaki. Nung umalis ako pumunta ng Amerika for my treatment ay nandoon siya. Nalaman kong
lumala ang sakit ko. Kinausap ko siya about you and because she wants me to make happy ay pinagbigyan niya ako."

"Since when?" Buong pagtataka pa ring tanong ni Edward.

"Actually matagal na, maingat ka niyang sinusundan para kahit malayo ako ay alam ko pa rin ang nangyayari sa'yo,"

"Pero bakit mo ako iniwan? Bakit mo hindi pinaalam sa akin?"

"When I found out na Leukemia ang sakit ko, Hindi ko alam paano haharapin, paano ko tatanggapin kaya minabuti kong hindi makipagkita sa'yo, minabuti kong umalis muna at iwan ka,"

"So all this time alam mo lahat ng nangyari sa akin?"

"Yes, Dahil iyon sa tulong ng kakambal ko,"

"Paano ako maniniwalang ikaw talaga si Marydale?" Tanong niya

"Believe me, Ako ito at wala ng iba, I'm your ultimate crush diba? I'm your avid fan na laging nanonood ng game mo, Ako iyong babaeng pinatayo mo sa gitna ng soccer field at doon ka nag-propose, "

"Ikaw ba talaga iyan?"

"Yes I am ako to your Fiance, Remember nag-propose ka doon sa kubo diba?

"So ibig mong sabihin iyong nakipagkita sa akin at nakasama ko sa Ospital is your twin sister?"

"Oo siya nga, So are you still willing to marry me?" Nakangiti niyang tanong

"Of Course," aniyang niyakap ng mahigpit ang katipan na ginantihan naman ng yakap ng dalaga. "I miss you, " bulong niya.

"I miss you more and I love you, nakangiting tugon naman ni Marydale.

"I love you, I love you, I love you," madamdaming sambit ni Edward saka hinagkan ang nobya.



Maraming hindi inaasahang pangyayari but the most important is ikinasal ang dalawa after two months. Nasa Paris sila para sa kanilang honeymoon.



"Now you are here to stay or fade away like every other?" Tanong ni Edward sa asawa habang magkayakap.

Kagigising lang ng mga ito. Balak nilang mamasyal mamaya.

"I stayed of course because you're the reason I lie awake and survived from Leukemia to be here with you forever, " nakangiting sagot ni Marydale saka hinagkan ang asawa

Makikita sa mag-asawa ang kakaibang ligaya sa mga mata at puso nila. And soon they want to have a child as soon as possible.




--The End  

MES: Hearts and HuesWhere stories live. Discover now