Written By: redbutterfly202
Prompt: unexpressed feelings
Prompt By: ficklemindx
---
Nagising ako ng maramdaman na bumangon ang katabi ko sa kama.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang nagkukunwaring natutulog pa din. Nakita ko ang pag ngiti niya at pagbati sa pamamagitan ng isang flying kiss bago pumasok ng banyo.
Matangkad, medyo curvy ang pangangatawan , maamo ang mukha at nangungusap ang mga mata nitong buong magdamag kong katabi. Pareho kaming napuyat ng nagdaang mga gabi at halos di nakakatulog ng maayos pero baliwala lang naman yon dahil pareho naming gusto ang pagpupuyat na yon.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Biglang nakadama ako ng galak sa mga sandaling yon. Tumayo ako at nagsuot ng roba.
" Mahal, nag uumpisa ng mag snow. " ang natutuwa kong tawag sa babaeng pumasok sa banyo.
" I'll be there in a minute." Ang nag eecho pa na sagot nito na rinig ko na lumalagaslas ang tubig sa shower .
Parang gusto kong pasukin siya sa banyo subalit nawiwili ako sa pagtingin sa pagbagsak ng snowflakes sa mga puno na nasa labas
It's been years since the last time na naexperience ko ang pagbagsak ng snow flakes na yon.
Napangiti ako ng makita na kumakapal na ang snow sa labas ng bintana. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko na hindi ko mawari kung bakit . I really don't know what to call sa feelings na parang masaya na malungkot na ewan.
" it's snowing."
Napatingin pa ako sa sumigaw na babae.
" Ed, its snowing." Ang may tuwang makikita sa mga mata ng babaeng kasama ko dito sa loob ng Snow mountain booth sa grand fair ng university na pinapasukan ko.
" Bat ang lalaki naman ng pag scrape nil ng ice." Ang natatawa kong nasabi sa babae
" Balang araw titira ako sa lugar na may snow.. " ang nasabi pa ng babae.
" Baka mag mukha kang ice drop Dale " ang pagbibiro ko
" Masyado mong minamaliit ang muscles ko."
Gusto kong matawa sa sinabi ng kaibigan at kasama ko sa university choir na si Dale.
Matangkad siya na papasang pang model pati ang katawan niya na maliit ang frame.
Maganda ang kanyang mga labi na parang gustong mag imbita ng hahalik at nangungusap ang kanyang mga mata.
Ang problema lang naman na di naman talaga problema ay di nagseseryoso si Dale
Lagi siyang may hirit at hugot sa bawat sinasabi kaya minsan ay napakahirap malaman kung seryoso siya o nagbibiro lang.
" If you'll marry me , my dreams will come true." Ang bigla niya pang nasabi na ikinagulat ko.
Nang mapatingin ako sa kanya ay mukha naman itong seryoso. Dream come true din sa akin kung siya ang makakatuluyan ko. Kung alam lang talaga ni Dale na I'm into her since the first day na nagkatagpo kami sa audition sa choir. Hindi ko lang alam kung for real ba to.
" Buang, wag kang parang nandidiri sa sinabi ko.." ang nasabi niya na ginulo ang buhok ko.. " Of course, i know naman na mestiza ang tipo mong babae. I'm just kidding oi. " ang nakangiti pang nasabi ni Dale.
Paano ko ba sasabihin kay Dale na ang tipo kong babae ay morena. I despise nga men na darker ang color kasi they look posh and parang real na real. I'm just being satcasric minsan pag may tinutulso sa akin si Dale na mestiza. Minsan kasi napaka over na sa kaputian ng ilang babae at nagmumukha ng may sakit at mukhang multong naglalakad sa pasilyo sa campus.
YOU ARE READING
MES: Hearts and Hues
Roman d'amour'For LOVE has different shades and colors.' Happy Valentines Day Flyers! ❤️ Please accept and enjoy our small gifts from our big hearts and wide imagination. Happy reading!