• Althea •
"Nandyan nanaman si freak weird, like duh! Mukha syang halimaw sa kulay ng buhok at mata nya" Bulong ng isang estudyanteng nasa gilid ng dinadaan ko. Nandito na ako sa hallway ng school. Sanay na sanay nako sa ganyan. Halimaw, freak, weird yan ang tawag nila sakin. Hays. Bakit ba naman kasi ganito ang buhok ko? Ang kulay ng mata ko? Tao naman ako. Pero bakit pakiramdam ko parang may mali sakin. By the way, my name is Althea Skitt Flamiere Nakahara, haba ng pangalan? Ewan yan naman ang sabi ng ina inahan ko, 18 years existing in this unfair world. Hays.. So yun nga nagtuloy tuloy na lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang pintuan ng classroom namin. May naramdaman akong mali. Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng ...
"HAHAHAHAHAHAHA" Tawa ng buong kaklase ko pati narin ng teacher ko. Whatt?! Pati ba naman teacher?! Nabuhasan lang naman ako ng mixed color na pintura, na may basurang papel.
"You like a trashcan Ms. Nakahara, pffft." Pigil ng tawa nya. Nag iinit ako. Iba ang pakiramdam ko, parang may gustong lumabas na enerhiya sa katawan ko. Nakita kong nagulat sila sa nangyayari sakin. Mainit. Sobrang init. Yan ang nararamdaman ko. Nararamdaman kong nag iiba ang kulay ng mata ko. Mas lalong tumitindi ang pagkapula nito.
"She's scary like a hell" bulong ng kaklase kong nasa dulo pa ng classroom, hindi ko alam ang nangyayari sakin pero naririnig ko ultimo pagtibok ng puso nila.
"Yes, I'm scary like a hell, the one who called you freak, weird and monster are the one who kill all of you!" Malamig kong sagot sa kanila. Hindi! Hindi ako yung nagsalita, hindi ako ganito!
Tinaas ko ang kanang kamay ko at tinutok sa kanilang lahat. Umatras ako ng kaunti para magawa ang nais ng aking katawan. Biglang may lumabas na bolang apoy sa kamay ko at inihagis sa loob ng classroom.
*BLAAAAAAG*
Isang malakas na pagsabog ang nangyari sa loob ng classroom. Tumawa ako ng malademonyo. Hindi! Hindi ako ito! Hanggang sa umikot ang paningin ko. And everything went blank.
• Sky High Academy •
Malakas na enerhiya ang naramdaman ng lahat sa mundo nila. Enerhiyang nagmula sa ibaba. Ibig sabihin nito ay may gumamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao.
"Napakalakas na enerhiya iyon, sigurado akong nanggaling iyon sa mundo ng mga tao" Wala sa sariling ani ng isang estudyante.
"All students of Sky High Academy, please procede in gymnasium. I repeat all students of Sky High Academy, please procede in gymnasium immediately." Announce ng headmistress sa buong akademya.
"Guys, naramdaman nyo din ba yun? Hindi kaya .. sya ang hinahanap natin?" Tanong ng isang magandang dalagang kulay sky blue ang buhok pati ang kanyang mata. Air and thunder guardian.
"Baka nga, naramdaman ko, malakas iyon, sobrang lakas.." sagot naman ng isang binatang kulay berde ang buhok pati ang kulay ng kanyang mata. Earth and nature guardian.
"Let's go" malamig na ani ng isa pang binatang kulay asul na asul ang buhok maging ang kanyang mata. Ice and water guardian.
"Tulong!!! Tulungan nyo siya!!" Sigaw ng isang ermintanyo na buhat buhat ang isang dalagitang walang malay. Kulay maroon ang buhok, pale skin, at mapulang labi. Yan ang una nilang napansin.
Dali daling dinala ang babae sa clinic ng school habang ang iba naman ay dumiretso na sa gymnasium tulad ng announce kanina.
Ang guardian naman ay dumiretso sa clinic kung saan dinala ang babaeng buhat ng isang ermintanyo. Malakas na enerhiya ang nagmumula sa babaeng iyon. Sigurado silang sa kanya rin nagmula ang enerhiyang nanggaling sa mundo ng mga tao.
A/N: 2nd story ko na ito, hindi ko lang matapos yung isa dahil wala pa kong maisip na plot sa story. Actually 1st story ko ito sa fantasy. Hope you like it 😘😘
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblances to actual persons, living or dead, or actual is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHMENT BY LAW.
© All Right Reserved 2018
YOU ARE READING
Sky High Academy
FantastikSky High Academy, a school for everyone that have abilities, powers and magic. Si Althea Skitt Flamiere Nakahara isang dalagang namuhay sa mortal world kung saan dinanas ang matinding pang bubully sa kanya, dahil sa kakaibang kulay ng buhok at mata...