Chapter 3: Trip to Library

95 4 0
                                    

Hazel's POV

Hi! Ako nga pala si Hazel Anne Ramirez. Call me Hazel or Haze. Whatever. xD

Isa akong babaeng may third eye. Oo, may third eye ako. Mula pagkabata ko, nakakakita na ako ng mga creatures na hindi dapat makita ng tao. Minsan nga, nakakausap ko sila. Hindi naman daw sila manggugulo o magpaparamdam kung walang gumagambala sa kanila.

-Back to the present-

At dahil nga bago ako sa school na to, wala pa akong kaibigan. Sana kasi di nalang ako lumipat ng school para may kaibigan ako. Nandun kasi sa dati kong school ang bestfriend ko, pero napilitan akong lumipat kasi maraming gumagambala na mga kakaibang mga nilalalang sakin dun.

Nakaupo ako sa bench malapit sa canteen ng may umupo sa tabi ko.

I don't know kung sino. Pake ko ba?

" Umm, hi. Can we be friends?" babae siya.

" Hello?! Hindi kaya kita kilala, paano naman ako makikipagkaibigan sa stranger? Tss." ang suplada ko. -_- Siya naman, tumawa pa.

" Alam mo, nagiging nice na nga ako sayo eh. So, I'm Danielle. Classmate kita right?" Ah, classmate ko pala siya.

" Oh, hindi na ako stranger, you know my name na. So, can we be friends? Wala kasi akong friend dito eh." K fine.

" Ok fine, Hazel nga pala." sabi ko at nakipagshake hands sa kanya. Nagkwentuhan lang kami. Vacant kasi kami ngayon.

" You know, Hazel. Ang gaan na ng pakiramdam ko sayo. Masarap kang kausap." Oh really?

" Hindi naman." sabi ko at nagtawanan lang kami.

" Nakakatakot talaga yung library no? Pag dumadaan ako dun, tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Kanina nga eh, inutusan ako ni maam na maglinis sa part na yun. Di mo lang alam, kung gaano ko pinagtitiisan ang mga nararamdaman ko." sabi ng babae sa kausap niya na nasa katabing bench lang namin ni Danielle. At dahil nga, may connection ako sa horror, tumayo ako at lumapit sa kanila.

" Umm, excuse me. Magtatanong lang sana ako about sa library. Narinig ko kasi ang convo niyo eh." sabi ko sa kanila, si Danielle naman nasa likod ko lang.

" Ah ok." umupo naman kami ni Danielle sa tabi nila.

Kinwento nila lahat tungkol sa library. Pati yung mga haka-haka kinwento rin nila. Parang naexcite tuloy ako. Pakiramdam ko kasi, may makikita nanaman akong kakaiba. Minsan gusto ko talagang matuklasan ang mga bagay-bagay. I have to know what's the truth about that library. (Nosebleed ba? Pagbigyan xD) Pagkatapos eh, umalis na yung dalawang babae. Si Danielle naman, halatang kinakabahan.

" Danielle, anong problema mo?"

tanong ko.

" W-wala, when they told us the story of that library, it give me goosebumps. Pakiramdam ko there's something... something we need to find out."

" Ako nga rin eh, punta kaya tayo sa library?" tanong ko, nagulat naman siya.

" No, ayoko." well, matatakutin rin pala to eh.

" Danielle, akala ko ba there's something we need to find out? Tapos ayaw mo?"

" Mmm, sige na nga." sagot niya

" Hi. classmates ko kayo diba? Wala tayong klase ngayon, may meeting kasi ang mga teachers." sabi ng classmate namin. Amethyst ata.

" Ah, hanggang hapon wala?" tanong ni Danielle.

" Yup! Gotta go, may meeting pa kasi ang student council. Bye!"

" So walang pasok Dane, Library?" tanong ko.

" Teka nga, ano bang gagawin natin dun?"

" Titingnan ko lang kung may dapat akong makita."

" May third eye ka?"

" Oo, kaya halika na."

Pumunta nga kami sa harap ng library at oo nga, tumatayo mga balahibo ko.

" P-papasok ba tayo? It really give me goosebumps. Umalis na tayo dito!"

" Don't be afraid."

" Malamang, hindi ka matatakot. Sanay ka na eh."

" Kaya nga. Para malaman natin kung may tinatagong secret tong library na to." sabi ko at hinila siya papasok ng library. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob and boom!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang lamig!

" No! Ayoko na dito, Hazel. Please, umalis na tayo." parang maiiyak na siya.

" Oh sige, umalis na tayo. Wag ka ng umiyak ha?" sabi ko. Pinauna ko siya maglakad. Ako naman tumingin lang sa library. Tumalikod na ko at akmang maglalakad na pero may tumawag sakin galing sa likod ko na napakalamig ang boses.

"Hazel."

------

Ok lang ba ang Chapter 3?

The Haunted LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon