Chapter 5: The Note

71 4 0
                                    

Danielle's POV

Hindi namin alam ni Amethyst kung anong gagawin namin kay Hazel. Nahimatay kasi siya with unknowned reason.

" Hazel, please gumising ka!" sigaw ni Amethyst.

" Anong gagawin natin?" tanong ko kay Amethyst.

" Buhatin natin siya."

" Seriously?! Ang bigat kaya niya." pag-iinarte ko.

" Wag ka nang maarte, Danielle. Tulungan mo nalang ako."

Binuhat nga namin siya pahiga sa table sa library.

Maya-maya nagising si Hazel.

" Anong nangyari?" si Hazel.

" Nahimatay ka Hazel." sagot ni Amethyst. Bigla namang nanlamig si Hazel.

" Nanlalamig ka Hazel." si Amethyst.

" Bakit di pa kayo lumabas dito?" tanong ni Hazel.

" Alangan namang iwan ka namin ditong nakahiga sa sahig?" ako.

" Hindi. Dapat iniwan niyo nalang ako dito"

" Eh paano ka?" tanong ni Amethyst. Magsasalita pa sana si Hazel pero may nahulog na papel galing sa bookshelf. Pinulot ni Amethyst yun at may nakasulat na

" Umalis na kayo bago pa may mangyaring masama."

Yan ang nakasulat sa papel na nahulog. Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko.

" Umalis na tayo." sabi ni Amethyst at tinulungan naman namin si Hazel na makatayo.

----

Hi readers! Short UD lang po. Tnx for reading ;-)

The Haunted LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon