Chapter 1: Graduation Practice.
Maaga ako nagising ngayon. Di ko kasi napanaginipan si Mr. Prince Charming eh. Nasaan kaya siya kagabi? Bakit di siya pumasok sa panaginip ko?
"Good morning Ma." Niyakap ko si mama sa likod. Nagluluto kasi siya eh. Almusal at pambaon ko. "Ang bango niyan ma ha. Mukhang masarap."
"Nako naman tong anak ko na ito. Nambobola ka pa eh. Para naman sa inyo ito ng kuya mo." Ganyan kami dito sa bahay. Sweetness overload.
"Ahh. Sige po ma. Ligo na po ako." Sabi ko kay mama. Sweet talaga ng mama ko, hinanda na niya lahat ng kailangan ko.
20 minutes nung natapos ako maligo. Nagbihis na ako sa taas ng uniform. Pagbaba ko, gising na si Kuya. Kumakain na.
"Grabe. Di mo man lang ako inantay kuya." Sabi ko sa kanya. Gusto ko kasi sabay kami kumakain eh.
"Bakit pa? Ang tagal mo kasi kumilos eh. Turtleeee!" Asar niya sakin yun kasi mabagal talaga ako kumilos.
"Ano ba kuya. Tigilan mo na nga ako sa turle mo na yan. Kumain ka nalang dyan." Di kasi niya ako titigilan eh. Mang-aasar at mang-aasar talaga yan.
"Nasan si mama?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Nasa labas. May binili lang." Sabi ni Kuya sakin.
Natapos na ako kumain at mag-ayos. Sakto naman yung pagdating ni mama at paalis na ako.
"Ma, saan ka galing?" Halata kasi sa kanya na pagod na pagod siya eh.
"Wala nak. Nang hiram lang ako kila Ate Hilda ng pambaon niyo. Hinahabol nga kita kaya ako tumakbo." Hingal na hingal na sabi ni Mama.
"Nako naman to si Mama oh. Okay lang naman ako walang baon ma eh. Okay na ako." Sabi ko sa kanya. Kahit 10 piso nalang tong nasa wallet ko.
"Hindi nak. Ito oh. Ipandagdag mo sa baon mo." Inabot ni Mama yung 50 pesos.
"Ma. Ikaw naman eh. Sayo nalang yan. Ipang-luto mo mamaya para mamayang gabi may pagkain tayo." Oo, mahirap lang kami. Pero masaya naman kami sa loob bahay. Sanay na kasi kami eh.
"Hindi nak. Maglalakad ka nanaman noh. Wag kang maglakad. Kunin mo to." Inabot ulit ni Mama yung 50 pesos pero di ko talaga tinanggap.
"Sige na ma. Tago mo na yan. Alis na po ako. Bye ma." Kiniss ko siya sa pisngi. Halatang paiyak na kasi siya eh.
"Sorry nak ha. Di kasi kumikita yung patahian eh." Umiiyak na si mama.
"Okay lang yan ma. Wag ka na umiyak. Sige ma. Bye. Ingat ka dito." Sabi ko kay Mama at pinunasan yung luha niya.
"Ingat ka din nak. Salamat." Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa sakayan ng jeep.
Yung 10 pesos ko, ipapamasahe ko papuntang school tas maglalakad nalang ko pauwi. Ganun ako.
Di kasi ako pwedeng umabsent ngayon kasi graduation practice namin eh.
Nakarating na ako sa school. Bumungad agad sakin yung friend ko since 1st year. Si Hannah Mendez.
"Giiiiiirl. Dalian mo. Magstart na yung practice. Late ka na." Hinatak niya ako at nagtatakbo. Ano ba naman to. Madadapa pa ako eh.
Hingal na hingal kami nakarating sa pila. Pawis na pawis pa.
Nagstart na mag-Graduation March. Paulit ulit. Dapat kasi maganda at maayos eh. Kaya inuulit pag may nagkakamali.
5 days nalang. Gagraduate na kami. Natatakot pa ako mag-college. Hindi pa ako handaaaa.
Natapos yung graduation march namin ng around 3:00pm. Medyo malamig naman na kaya sinimulan ko nang maglakad pa-uwi.
4:30pm na ako nakauwi. Mabilis naman ako mag-lakad eh. Hinubad ko yung sapatos ko kasi gagamitin ko pa sa graduation day at sa college.
"Nandito na po ako ma!" Sigaw ko. Pagbukas ng pinto nakita ni mama na hawak ko yung sapastos ko.
"Nako anak. Bakit naman hinubad mo yang sapatos mo?" Nagulat kasi si mama eh.
"Eh kasi ma. Sa layo ng school dito sa bahay natin baka mapudpod agad to." Tas ngumuso ako. "Gagamitin ko pa to sa college at sa graduation day ko."
"Nak, sa pagtitipid mo dyan sa sarili mo mas lalo ka pang napapahamak eh. Paano kung makaapak ka ng kung ano ano dyan at ma-tetano ka? Mahal ang gamot." Sabi ni mama.
"Ma naman. Tetano? Wala na sakin yun. Di tatalab yun. Sige ma. Papalit na po ako." Umakyat na ako sa taas at nagpalit ng pambahay.
👉✌👈
BINABASA MO ANG
My Pushy Kisser
Teen FictionAko si Alex Mendoza, 16 years old. Never been touch. Never been KISS. Pero paano kung isang GWAPO at HOT ang makakaunang halik sakin? Makakaya ko kaya? Ano kayang magagawa ko? Hahayaan ko nalang ba siyang ulit ulitin niya yun? Ah. Hindi. Aksidente l...