Chapter 2: Everything happens for a reason
[ Alex's POV ]
Maaga pa ako gumising. Naunahan ko pa yung alarm clock ko magising eh. Ang bagal kasi niya. Joke. Pero bakit nga ba ang aga ko? Dahil ba wala nanaman ang Prince Charming ko? Nasaan nanaman kaya yun? Dapat dinalaw niya ako sa panaginip ko eh. Nakakatampo na siya. Lagi siyang wala sa panaginip ko.
Nagmuni-muni muna ako sa kama ko at inisip ang bagay bagay. Ayun, napaisip ako. Mag-cocollege na pala ako. Makakaya kaya nila Mama pa na pag-aralin ako? Sana naman makaya nila. Kahit mag-working student na ako. Ang hirap kasi pag nag-stop pa ako eh. Mahihirapan lang ako.
Bago pa humaba ang oras ko sa pag-iisip, bumaba na ako.
"Hi ma!! Good morning." Sabi ko kay Mama na nakakita ko sa sala. Parang malungkot siya eh.
Nilapitan ko siya at tinanong, "Ma? Anong problema? Bakit malungkot ka?" Sabi ko kay Mama.
"Kasi nak. Wag ka magagalit sa papa mo ha. Kasi nak, ang papa mo...." Hindi pa tapos yung sinasabi ni mama, humagulgol na siya.
"Ma? Ano nangyari kay Papa?" Umiiyak na din ako. Napansin ko nalang na kusa nang tumulo ang luha ko.
"Nakulong ang papa mo. Na-raid yung pinagsusugalan nila. Nak, kailangan tayo ng papa mo. Wag na wag kang magagalit sa kanya." Nung narinig ko yun, yumakap agad sakin si mama. Umiiyak na din ako. Biglang baba naman ni Kuya. Narinig na niya ang lahat. Niyakap niya kami ni mama.
Pinikit ko ang mata ko at kinausap ko si Lord sa isip ko, "Lord, help us! Kayo nalang po ang makakatulong samin. Alagaan niyo po ang papa ko kung saan man siya nandun!"
Hindi na ako nakapasok ng araw na yun. Dinalaw namin si Papa sa kulungan at pinakain siya. Pinagtulungan namin ni Kuya ang mga ulam na hinain namin para kay Papa. Ayaw kasi namin na ipadama kay Papa na ayaw na namin siya kasi nakulong siya. Mahal ko ang papa ko maging ano pa man siya.
Mukhang di na nga ako makakapag-aral ng college. Okay lang. At least mas maaga akong makakatulong kila mama at papa. Kailangan kong mag-ipon ng perang pang-pyansa kay Papa.
Ang saya ni papa nung nakita niya kami sa Visiting Area. "Mga anak ko!" Nagmamadali pa si papa at parang excited na excited. Tumayo naman kami para makita niyang masaya kami kahit alam namin na masakit to para samin.
"Mga anak, sorry ha. Patawarin niyo si Papa. Yaan niyo, babawi ako sainyo. 5 years ang sistensya ko." Nakayakap si Papa saming dalawa ni Kuya.
Pagkabitaw namin sa matagal na magkakayakap, niyakap naman niya si Mama, "Ma, wag mong papabayaan ang mga anak natin ha. Pag-aralin mo sila. Mahalin mo sila. Gaya ng pagmamahal ko sayo. Tapat at totoo. Wagas at di mapapako." Ang ang sweet ni Papa pero umiiyak si Mama.
Habang nakayakap si Mama kay Papa habang umiiyak, "Paaaaa, lalabas kita dito. *sob* kakausapin ko si Kuya *sob* tulungan ka niya." Mayaman naman kasi talaga sila mama kaso tinakwil siya nung pinakasalan niya si Papa.
Nanggaling sa pinaka mayamang pamilya si mama. Nagmamay-ari ang kanyang pamilya ng isang Business Company. Di ko alam kung anong pangalan nung company pero ang alam ko kasama ito sa pinaka-malaking kompanya sa buong Pilipinas.
Pero proud ako sa mama ko kasi nakuha niyang ipaglaban ang pamilya namin kahit kapalit na nito yung pamumuhay niya.
Umuwi na kami sa bahay at kinausap ko si Mama. "Ma, bakit di kaya kayo humingi ng tulong kila Lolo?" Sabi ko kay Mama. Alam kong iiyak nanaman siya pero kailangan namin ngayon ang tulong ng magulang niya.
Humarap sakin si Mama at mangiyak-ngiyak, "Nak, di ko na kasi alam ang address nila at malamang sa hindi ipagtabuyan lang nila ako." Umiiyak na si Mama at halatang mabigat pa din sa kanya ang pagpapa-alis sa kanya ng pamilya niya.
Buhay pa kaya ang lolo ko? Tutulungan niya kaya kami? Paano kaya kung ako ang lumapit sa kanya? Paano kaya kung ako ang maghanap sa kanya? Susubukan ko. Para sa papa ko at para pamilya ko. Gagawin ko ang lahat para makalabas si Papa sa malamig na rehas na yun.
👉✌👈
BINABASA MO ANG
My Pushy Kisser
Teen FictionAko si Alex Mendoza, 16 years old. Never been touch. Never been KISS. Pero paano kung isang GWAPO at HOT ang makakaunang halik sakin? Makakaya ko kaya? Ano kayang magagawa ko? Hahayaan ko nalang ba siyang ulit ulitin niya yun? Ah. Hindi. Aksidente l...