Chapter 5: Graduation Day
[ Gab's POV ]
"Gaaab. Nak. Nanjan na yung mag-aayos sayo. Kumilos ka na. Malalate tayo!" Pumunta sakin si Mama sa kwarto. Mas excited pa ata to sakin eh.
"Oo na. Sige na. Mag-aayos na muna ako. Baka naman pagligo ko pa ma, sila na din?" Sarcastic kong sinagot si Mama. Paano ba naman? 4:30am palang kaya.
5:30am na ako bumaba. 8am pa naman yung ceremony eh. Minake-upan ako. Yung talagang ang gwapo gwapo.
Napatingin ako sa salamin. Ako ba to? Hala. Ang gwapo ko. Ang gay naman pakinggan. Pero sh*t ang gwapo ko talaga. Paniguradong malalaglag ang panty ng mga girls sa school.
"Maaaa. Halika na, aalis na tayooo!" Oh dba? Siya naman matagal ngayon.
"Anak? Grabe. Ang pogi pogi mo. Big boy ka na talaga." Kiniss ako ni Mama sa pisngi atsaka sa noo. Ano ba yan? Di naman na ako bata. Nakakabadtrip talaga si Mama.
Nakarating kami sa school ng 7:45am. "Broooo." Bungad agad sakin nila Jeffrey tsaka Mike. "Gwapo mo bro. Nakakabakla ka." Sabi ni Jeff.
"Ulol." Sabi ko kay Jeff.
"Shhh. Anak, bibig mo. Tigilan mo nga yan. Ang gwapo gwapo mo tas nagmumura ka." Saway sakin ni Mama.
Pumasok na kami sa Gym para magstart. Ang ganda talaga ni Angel. Sarap ikama. Sexy pa. Perv nanaman ako. Woah. Angel.
"Sh*t pare. Tinitigasan ako kay Angel." Bulong sakin ni Mike na nasa tabi ko lang.
"Pakyu. Akin lang yan." Sabi ko kay Mike. Ang ganda kasi talaga ni Angel eh.
Tatawagin na ang pangalan ko. "Gabrielle Aquino. 1st Honorable Mention. Varsity of the Year." Boom Panes ba? Wala eh. Matalino na gwapo pa.
Umapir ako kay Mike na pababa palang ng stage. "You're the man bro." Bulong sakin ni Mike. Ngitian ko lang siya.
Natapos ang ceremony at dumerecho kami sa isang sikat na fast food dito sa mall malapit samin.
[ Alex's POV ]
Maaga palang gising na ako. Excited na kasi ako tumungtong ng stage namin at bigyan ng medalya. Masaya naman ako kahit si Mama lang ang nandito at wala ang Papa ko.
Bumaba na ako. Nakita ko si Mama na inaayos ang sarili niya. "Wow ma. Ang ganda mooo! Alam ko na kung kanino ako nagmana. Joke lang." Pero grabe talaga ang ganda talaga ng mama ko. Kakaibang ganda niya. Halatang mayaman siya dati. Nadadala pa ng pustura at kinis ng mukha.
"Uy nak. Natulala ka naman sa mama mo. Shh. Wag ka maingay. Di ako maganda. Baka dumugin tayo ng mga fans ko dito." Tas tumawa si Mama. Iba din ang trip ni Mama eh. Kahit may problema, ngini-ngiti lang eh.
Inayos ko na din ang sarili ko. Simple lang ang ginawa ko. Wala ganung make up at parang pulbo nga lang ang nilagay ko. Ayoko kasi talaga ng make up eh.
"Tara na po ma. Baka po ma-late.." Biglang may sumigaw sa labas. "Bestfrieeeeeend. Dalian mo dyan. Hahaha. Sabay na tayo!" Si Hannah. Sinundo pa talaga ako.
"Ma, tara na. Nandyan na sila Hannah." Pumunta na sa tabi ko si Mama at sabay kami sumakay sa kotse nila Hannah.
Nahihiya na talaga ako kay Hannah pero wala eh. Di ka naman makakatanggi sa babaeng ito. Grabe kasi to mamilit eh.
Dumating na kami sa school. On time naman ngayon. Nag-aayos pa lang sila ng pila. Kaya nakahabol pa kami ni Hannah.
Nag-march na ang mga students. Naiiyak ako pag naiisip kong sana nandito si Papa. Sana nakikita niya akong maglakad sa aisle na ito. Sana talaga nandito nalang ang papa ko. Miss na miss ko na ang papa ko.
"Bespren, tissue oh. Iiyak ka na eh. Wag bespren. Masisira ang make-up. Papangit tayern." Sabi sakin ng bespren ko. Ang galing niya talaga. Nahulaan niya agad na iiyak ako.
Tinawag na ang mga pangalan. Dahil section 1 kami, huli pa kaming tinawag. Nung si Hannah na, naiiyak na ako kasi sana si Papa ang magsasabit sakin ng medal. Sana nandito si Papa sa tabi ko.
Tinawag na ang pangalan ko at papaiyak na talaga ako, "Alex Mendoza. 1st Honorable Mention. Outstanding Student of the Year." Kinuha ko ang diploma ko at nag-aantay si Mama sa gitna para isabit ang mga medalya ko. Bago pa isabit ni Mama ang mga medals ko, humarap muna ako sa crowd at parang hinahanap ko si Papa dahil parang nakita ko siya sa gilid ng mata ko, tsaka ako nag-bow. "Pa, para sayo to. Ilalabas kita dyan. Pangako ko sayo." Sabi ko sa sarili ko.
Sinabit na ni Mama ang mga medals ko at niyakap ako. "I'm so proud of you anak." Nakita kong paiyak na si mama kaya kiniss ko siya sa noo niya.
Pagtanggal ko ng labi ko sa noo niya, lumabas sa bibig ko ang salitang, "I LOVE YOU MA."
👉✌👈
BINABASA MO ANG
My Pushy Kisser
Teen FictionAko si Alex Mendoza, 16 years old. Never been touch. Never been KISS. Pero paano kung isang GWAPO at HOT ang makakaunang halik sakin? Makakaya ko kaya? Ano kayang magagawa ko? Hahayaan ko nalang ba siyang ulit ulitin niya yun? Ah. Hindi. Aksidente l...