Chapter 3: Meet Gabrielle Aquino
[ Gab's POV ]
"Gaaaaaab! Gumising ka dyan. Papasok ka pa." Ginising ako ng sigaw ni Mama. Ano ba naman to si Mama. Manggigising nalang may sigaw pa. Magigising naman ako. Badtrip.
"Opoooo, nandyan na pooooo!" Sigaw ko pabalik kay Mama. Naligo at nag-ayos na muna ako dito sa kwarto ko para pagbaba ko, saglit nalang yung pagkain tas pwede na ako umalis.
Graduating student na ako. Ga-graduate ako with a place of 1st Honorable Mention. Kasi 3 lang kaming magkaka-batchmate. Joke lang. Matalino naman ako, at gwapo pa. Wag na umangal.
7am na ako natapos maligo at mag-ayos. Di naman ako nagmamadali sa oras kasi practice lang naman kami ngayon. Kaya wala lang sakin kung ma-late ako o hindi.
Ako nga pala si Gabrielle Aquino. 5'10". Matangkad ba? Varsity kasi ako sa school namin. Nagagamit ko naman ang pagka-matangkad ko. Lumaki ako sa isang marangyang buhay. Nabibigay ang lahat ng gusto, at nabibili ano man ang gustuhin ko. Nagmamay-ari ang pamilya namin ng isang Business Company actually, patahian yun. Kami ang nagsu-supply ng damit sa Bench, Penshoppe at kung saan saan pang clothing lines. Kaya di ako nasanay sa hirap ng buhay.
"Maaaa? Kain na ako. Aalis na din po ako saglit lang." Sabi ko pagbaba ko. Wala naman si Papa lagi eh. Dun na kasi ata yung bahay niya sa kompanya. Business Tycoon na kung ituring si Papa. Masyado kasing dedicated sa pagtatrabaho yun eh.
Di din pala ako tulad ng ibang anak ng mayayaman na nagiging matapobre ha. Mababa pa din ang tingin ko sa sarili ko. Parang ako yung isang bata na dapat pang alamin ang totoong kahulugan ng buhay.
Kumain lang ako saglit at nagpunta sa garden para magpaalam kay Mama. "Ma? Kumain na po ako. Alis na po ako. Ingat ka dito ma." Nag-hug ako kay Mama.
"Sige Unico ijo, mag-ingat ka ha." Tawag kasi sakin ni Mama, Unico Ijo kasi nga isang anak lang ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive papunta ng school. May sarili na akong kotse in the age of 15. Kailangan ko kasi to para di ako laging umaasa sa driver ko. Ang pangit naman kasi kung papasok ang sa University na may driver pa. Lakas maka-gay nun bro.
Pagbaba ko ng kotse ko, simpleng araw lang. Graduation march na paulit-ulit. Wala eh. Kailangang ma-perfect namin to. Aba, guest speaker ata namin si Kim
Chiu at Angel Locsin. Ang hot babes ng ABSCBN. Ewan ko ba bakit artista ang guest speaker ng graduation namin. Sabi daw kasi, dito daw kasi nag-aaral yung kapatid ni Kim Chiu na lalaki tas yung Dean naman nito kaibigan yung papa ni Angel. Kaya nakayag sila sa graduation namin. Aantayin ko yun. Matagal ko nang pinagnanasaan si Angel Locsin eh. Gusto ko lang naman siyang punuin ng halik.
Wala pa akong nagiging girlfriend. Ka-fling? Marami. Hanggang text lang kasi ako eh. Di ko pa kayang gawin in real. Mahal ko kasi ang parents ko at mahal ko ang reputasyon ng pamilya namin.
Pumasok na ako sa School Activity Center namin para mag-practice. Simpleng mag-aaral lang din ako na dumadaan sa lobby ng school, gumagamit ng malaki at mataas na hagdan. Lahat nagagawa ko. Sa school kasi lahat kami pantay pantay.
Saan kaya ako mag-college? Di ko naman kasi gusto maging Business Tycoon tulad ng Papa ko pero kailangan. Ang gusto ko maging DJ pero wala eh. Kailangan kong sundin yun. Depende pa din. AB Broadcast Communication kasi kinuha ko lahat ng universities na pinag-testan ko. Di yun alam ng mga magulang ko. Kaya ipu-pursue ko ang pagiging DJ.
6 days nalang at graduate na kami. Masaya naman kaming lahat pero mukhang di makakaattend si Papa. Nasa business trip kasi siya nun sa Paris, France. Sabi ni Papa pagtapos daw ng celebration namin dito sa Pinas ay lilipad na kami sa Paris para i-celebrate ang Graduation ko. Kaya di na din ako malungkot.
Nag-start nang mag-march ang mga graduates. Syempre dulo kaming mga may Honor or so called, Honor Students.
Natapos ang graduation practice ng ganun ganun nalang. Nagutom lang ako. Kumain kami ng barkada dun malapit sa school namin na karinderia. Mahilig kasi kami sa lutong ulam kahit na mayayaman kami.
Sila ang mga kaibigan ko, si Jeffrey Tan. Anak yan ni Fredo Tan na nagmamay-ari ng isang call center agency dito sa Pilipinas at US. Si Mike Chua naman eh anak ng isang Business Tycoon din tulad ng Papa ko. Pero ang hawak naman nila Mike eh yung Foot wear o yung mga sapatos. Sila ang nag-susupply nun.
Yan ang barkada ko. Napakilala ko na sila kaya tapos na ang time to shine nila.
Kumain kami dun at ang sarap talaga pag lutang bahay. Masarap din naman magluto mama ko kaso kasi minsan lang siya magluto pag gusto niya at may mahalagang pangyayari sa bahay namin.
Okay na siguro to para makilala niyo ako. Kaya ayan ang buhay ko, walang hirap, walang gulo, masaya ako kasi ito ang pamilyang napili ko. Napalaki din ako ng mga magulang ko na may takot sa kanila at takot sa Diyos. Mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para lang matupad ko ang pangarap ko.
👉✌👈
BINABASA MO ANG
My Pushy Kisser
Teen FictionAko si Alex Mendoza, 16 years old. Never been touch. Never been KISS. Pero paano kung isang GWAPO at HOT ang makakaunang halik sakin? Makakaya ko kaya? Ano kayang magagawa ko? Hahayaan ko nalang ba siyang ulit ulitin niya yun? Ah. Hindi. Aksidente l...