Chapter 9

12 0 0
                                    

Chapter 9: Then we meet again

[ Alex's POV ]

Maaga akong nagising kaya nagluto na ako para sa almusal namin ni Hannah. Dalawa lang kasi kami dito kaya dapat we stand on our own. Mahirap na, baka nagutom kami.

Ordinary lang linuto ko, fried rice, scrambled eggs and hotdogs. Yan lang kasi alam ko eh.

Habang sinasalang ko na yung last 2 ng hotdogs bigla kong narinig ang boses ni Hannah, "Woooow. Ang bangooo. Mukhang mapapasabak ako dito bespren ha." Sabi niya.

"Hoy hindi ha. Tsamba lang yan." Sabi ko naman. Wala eh. Humble ako eh.

"Nako. Nagpa-humble ka pa. Itaas mo naman ang bangko mo te." Sabi niya sakin habang nakatingin sa salamin para magtanggal ng muta.

Lumapit si Hannah sa faucet at naghimalos. Ako naman, nilapitan ko siya at kiniliti. "Di ako ganun bes. Alam mo yan." Sabi ko sa kanya pag tapos ko siyang kilitiin.

"Ano baaaaa? Hahahahaha. Tara na. Lakas talaga ng kiliti ko. My weakness." Sabi niya habang naka-sad face. Paawa effect pa.

"Oh tara na nga. Kain na tayo para makaalis din agad tayo. Ang dami kong gustong puntahan bes." Pagmamadali ko sa kanya.

Kumain na kami tapos naligo na din agad. Ang bilis namin matapos unlike pag nasa manila. Sobrang kukupad.

Time is gold. Yan ang dapat naming tandaan dito. 1 week lang kami dito kaya dapat sulitin. Oo, 1 week talaga kami dito.

Umalis na kami ng bahay at sinimulan na ang paglilibot at pagpipicture. Bawat daanan ata namin nag-pipicture kami.

Naka-set ang pag-visit namin sa Eiffel Tower sa 3rd day kaya di pa namin siya pupuntahan ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na makapunta sa Eiffel Tower. Yeheeeey.

[ Gab's POV ]

Maaga akong nagising kasi nagtext si Panget na Hannah. Natanggap niya daw yung chat ko at oo daw nandito daw sila sa Paris.

Sila? Ah. Baka kasama sila Tito at Tita. Nagreply naman ako sa kanya na kita naman kami sa isang cafèteria malapit lang sa tinutuluyan ko.

Umu-oo naman siya. Wala eh. Bestfriends kami eh. Kahit pangit yun bestfriend ko pa din yun.

Nag-ikot ikot muna ako sa Paris kasi 5pm pa naman yung pagkikita namin ni Bestfriend eh. Ang daming magagandang tanawin dito. Grabe! Pero wala pa din dadaig sa Pilipinas.

Nagpicture ako sa mga makikita kong good and beautiful sceneries. Minsan lang to kaya magpaka-Selfie Lord na.

3pm na nung tinignan ko yung relo ko. Pupunta na ako sa Cafèteria para mauna ako sakanila. At least, ako ang unang makakakita sa kanila at di sila.

Pagpasok ko sa pintuan, umupo ako sa bandang gilid ng Cafèteria.

Maya maya nakita ko na si Panget. May kasamang alalay. Akala ko naman sila Tito ang kasama, yaya lang pala.

Ay teka, si Ms. Cinderella ba yun? Siya ba yun? Oo nga siya nga. Paano siya nakapunta dito? Siguro mayaman sila. Na-afford ang plane ticket eh.

"Hi Panget!!!" Bungad kagad sakin ni Hannah.

"Upo kayo. Woah. Ms. Cinderella, then we meet again!" I wink on her. Killing wink. Kikiligin ka din.

*Poker face* yan lang sagot ni Ms. Cinderella. Di ba niya naaappreciate ang kagwapuhan ko.

[ Alex's POV ]

Nakita ko nanaman tong epal na kababata ni Hannah na to. Baka akala niya kikiligin ako sa kanya. Todo smile pa.

"Hi Panget!!!" Binati siya ni Hannah pero ako, wala ako sa mood batiin ang antipatiko na yan.

"Upo kayo. Woah. Ms. Cinderella, then we meet again!" Sabay wink niya. Natatawa ako kasi may tawag pa siya talaga sakin pero kailangan kong mag-poker face para di siya mag-assume na kinikilig ako sa kanya. Pangit niya!!!

Nag-poker face lang ako. Umorder na kami ng makakain. Dito na din daw kami mag-hapunan ni Bespren para di na magluluto mamaya.

Kasabay pa namin sa dinner tong antipatikong to. Pangit naman niya. Feeling gwapo or should I say, GGSS. Gwapong gwapo sa sarili!!! Ughhh.

Hinatid pa niya kami sa tinutuluyan namin. Ang gentledog naman pala. Pero di pa din siya gwapo.

Napagkwentuhan namin ni Hannah yung mga napuntahan namin kanina. Grabe. Ang saya pag-ganito!!!! Sana di na kami umuwi. Pero miss ko na mama ko eh. Kamusta na kaya siya? Si Papa kaya? Kamusta na? Ugh. Miss ko na pamilya ko.

My Pushy KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon