Chapter 4: Bestfriends are forever
[ Alex's POV ]
Wala si Mama ng gumising ako. Ang lungkot ng bahay namin simula ng makulong ang papa ko.
Nasaan kaya si Mama? Inayos ko na sarili ko mag-isa. Kumain na din ako kasi may pagkain naman. Tatlong itlog na pula yung nasa lamesa namin. Kinuha ko lang yung isa kasi alam ko na tatlo lang yun at para samin yun. Isa isa ba.
Papaalis na ako pero wala pa din si Mama. Di ko alam kung saan siya nagpunta. Wala pa naman akong kahit piso sa bulsa ko. Paano nito? Late ako nito for sure. Nagpray nalang ako kay God na sana may pakpak nalang ako para di ako ma-late o kaya bigyan niya ako ng powers para makalipad.
"Aleeeeeex." May sumigaw sa labas ng bahay namin. Parang kilala ko na kung sino yun ha. Si Hannah. Ang bilis naman ng answer sa prayer ko. Thank you Papa God. You're the meeen.
"Hoy bakla. Ano? Titingin ka nalang dyan sa salamin niyo? Maganda ka na, gaga!" Sabi sakin ng bestfriend kong lokaret. Parang bakla talaga magsalita yang si Hannah. Ewan ko ba dyan. Baklang babae ata yan. Nagkataon lang na mayroon siyang ano. Alam niyo na yun.
Niyakap ko siya agad tas kinuha yung bag ko. Kaya ko siya niyakap kasi dumating siya as answered prayer.
Nagulat si Hannah. "Bakla ka. Sabi ko na nga ba, tibo ka eh."
Tumawa naman ako. "Gaga, ang bilis lang kasi ng sagot sa prayer ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Sige na. Sumabay ka na samin. Alam ko naman na yang prayer mo eh. Na sana may pakpak ka nalang o kaya may powers na lumipad kasi wala kang pamasahe? Halika na. Sumabay ka na samin ni Daddy. Bakla ka. Di ka naman bibigyan ni God ng pakpak. Oo maganda ka pero di ka dyosa tulad ko." Bow, ang haba ng speech ni bestfriend eh.
"Ang haba ng speech mo. Tara na! Late na tayo dahil sa speech mo!" Sabi ko sa kanya.
Mayaman talaga sila Hannah. Ewan ko ba? Bakit ako ang naging bestfriend nito. Dun ko nga napatunayan na mayroon parin namang mga rich kid na di maarte, di matapobre, at higit sa lahat, may busilak na puso.
Ang sarap pala ng sumakay sa kotse noh? First time ko kasi to. Minsan lang din kasi ihatid si Hannah ng Daddy niya. Nagmamay-ari ang pamilya nila Hannah ng isang Magazine Company. Ang Mendez Group. Lahat ng kuya niya pati ate niya nagtatrabaho na sa company nila pero siya tong ayaw na ayaw. Gusto niya din kasi maging DJ tulad ko. Wala eh. Bestfriends are forever. Pero pinipilit ko pa din naman siyang mag-work dun sa company nila kasi sayang naman ang ganda at talino nitong babaitang ito.
"Dito na tayo te. Ang lalim nanaman ng iniisip mo. Siguro yung prince charming mo nanaman yan noh?" Sabi niya sakin with matching kiliti pa.
"Ewan ko sayo. Hindi ha." Sabi ko sa kanya.
"Oy mga anak. Wag muna kayo mag-boboyfriend ha. Sa graduation na. Hahaha." Sabi ng daddy ni Hannah. Pala-biro din kasi si Tito eh.
"Sige dad. Right after ng graduation mananagot na ako sa mga manliligaw ko. Chos!" Oh dba? Parang tropa lang namin daddy niya.
Bumaba na kami ng kotse nila at pumila dun sa pila namin. Magkasunod lang naman kami ni Hannah. Lagi nga kaming seat mates dati eh. Mendez tapos Mendoza. Kaya ayan, naging mag-bestfriends kami.
Nagpa-lunch break ang mga teacher kasi daw baka di pa kami kumakain. Kaya nagpahinga muna kami. Naka-upo kami ni Hannah sa Bleachers namin dito sa Gym nang marinig ni Hannah yung pagkulo ng tyan ko.
"Hahahaha. Tiyan mo ba yun? Ano ba yan bestfriend. Di mo naman sinabi. Tara kain tayo! Tinitipid mo nanaman sarili mo noh?" Paanong magtitipid eh wala ngang titipidin. Ganyan yan si Bestfriend. Di ka na makakatanggi sa kanya.
Kumain kami sa isang fast food sa tabi nga school. Natapos naman kami agad kaya bumalik kami sa school agad. Sakto naman at pinapapila na ulit ang mga graduates.
All day lang kami palakad lakad at kanta ng kanta dito sa Gym. Nang matapos na ang practice ay nandyan na din ang sundo ni Hannah. Samantalang ako, ito, maglalakad ulit. Sanay na ata ako! Bataaaak.
"Alex. Tara! Sabay ka na samin. Wag ka na mahiya, baklang to!" Sinabay nanaman ako nila Hannah. Service ko na ata to eh.
"Bes, di ba nakakahiya na lagi nalang akong sumasabay sayo. Okay lang naman kasi sakin maglakad eh." Sabi ko kay Hannah. Nahihiya na talaga kasi ako eh.
"Okay lang yan. Bestfriends are forever!!" Sabi niya sakin with matching apir pa. Maharot talaga to si Hannah. Lokaloka kasi eh.
Binaba na nila ako dun sa mismong bahay namin. Pagpasok ko nandun na si Mama.
"Ma, dito na po ako. Saan po kayo nag-punta kanina bakit wala kayo?" Sabi ko kay Mama habang nakayakap ako sa likod niya.
"Nagpunta kasi ako sa mga kaibigan ko dati eh. Nanghihiram ako ng pera. Pero kasi gipit din sila. Kaya wala akong nahiram. Yaan mo, bukas lalapit naman ako sa mga ninang niyo." Sabi ni Mama sakin habang papaiyak nanaman.
"Yaan mo ma. After ng graduation, magtatrabaho muna ako. Para naman yung magiging sahod ko, makatulong sa pang-pyansa ni papa." Yan naman talaga ang plano ko.
Inayos ko na ang gamit ko at tinulungan ko sa paghahanda ng kakainin si Mama. Wala pa din si Kuya. Nasaan kaya si Kuya? Nag-aalala na kami ni Mama eh.
Pero may trust naman ako kay Kuya na di siya gagawa ng ikakapahamak niya at ikakapahamak namin. Kaya tiwala akong walang ginagawa si Kuyang masama. Baka naman napasarap lang ng kwentuhan sa girlfriend niya.
Umakyat na ako sa taas para matulog pero si Mama nakita ko na nasa pintuan pa siya. Inaantay niya si kuya. Ganyan talaga si Mama, di na natutulog pag wala pa kahit isa samin.
Nagpray na ako tas nagbasa muna ako ng book. Yung favorite kong book. Nakatulog na pala ako kakabasa ng book at naramdaman ko nalang na may nag-alis nito sa dibdib ko at hinalikan ako sa noo. Si Mama.
👉✌👈
BINABASA MO ANG
My Pushy Kisser
Teen FictionAko si Alex Mendoza, 16 years old. Never been touch. Never been KISS. Pero paano kung isang GWAPO at HOT ang makakaunang halik sakin? Makakaya ko kaya? Ano kayang magagawa ko? Hahayaan ko nalang ba siyang ulit ulitin niya yun? Ah. Hindi. Aksidente l...