Chapter 8

18 0 0
                                    

Chapter 8: Paris

[ Gab's POV ]

Maaga akong nagising. 8:00am. Maaga pa yun para sa flight namin na 2:00pm. Pupunta na kami ng Paris. 1 week lang naman. Pangarap ko kasi makapagpa-picture sa Eiffel Tower.

Nag-ayos na ako ng gamit ko. Inimpake ko na lahat ng dapat kong dalhin. Mahirap na kasi may maiwan. Di naman jine-jeep lang ang Paris.

Habang nag-aayos ako, may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Bukas. Pasok!" Yan lang sinagot ko kasi kumukuha pa ako ng damit sa cabinet eh.

"Nak, ito na si Aling Tarsing. Siya mag-aayos ng gamit mo. Alam ko namang wala kang maayos eh." Sabi ni mama. Tamad kasi talaga ako magligpit ng gamit eh.

Pinaayos ko kay Aling Tarsing yung mga nilalapag ko sa kama. Ayoko na kasi itupi eh. Kung ako lang nag-ayos ng maleta ko, malamang parang busabos ang nagma-maleta.

Natapos namin ni Aling Tarsing ang pag-aayos ng gamit ko. Naligo naman na ako at inutusan ko si Aling Tarsing na sabihin kay Mommy na bababa na ako in few minutes lang.

Natapos akong maligo at nakita kong may text sa cellphone ko.

Hannah Mendez: Hoy ugok. Mag-ingat ka sa flight mo ha. See you!!! ;)

Yan exactly text niya sakin. Di ko nagets yung "See you" niya. MagPa-Paris din siya? Eh nagpa-Party na siya ha. Sabagay, wala naman sa papa niya yun eh.

Di ko na siya nireplyan. Bahala siya dyan. Kesa ako ang ma-seenzoned, unahan ko na siya.

Nakaalis kami ni Mommy ng 12:00pm. Sakto naman para sa 2:00pm namin na flight.

[ Alex's POV ]

Nagtext sakin si Hannah, ang aga aga naman nito nagtetext. Ano nanaman kaya ang problema nitong babaita na to?

Pagbukas ko ng message niya, nagulat ako. Shocking kasi eh. Langyang Hannah to.

Hannah Mendez: "Bessssss, sama ka samin sa Paris. Libre ko na lahat. Paalam kita mamaya kila Tita. Pack your things now! ;) See yah."

Oh dba? Parang nilalakad lang yung Paris at para makauwi ako kaagad. Pero nag-impake pa din ako in case of pumayag si Mama.

Pagbaba ko, nakita ko na dun si Hannah. Nag-aantay. Ngumiti siya nung nakita niya ako.

"Ano pang hinahantay mo? Maligo ka na. Pumayag na si Tita." Sabi ni Hannah.

Weh? Totoo? Pumayag mama ko? Heaveeeen. Mararating ko na ang pangarap kong Eiffel Tower. Thank you Lord. Malaking blessing talaga to si Hannah sakin eh.

Naligo na ako at nag-ayos. 2pm pala ang flight namin. 1:00pm na ata kami nakaalis ng bahay tas nagmamadali na yung driver nila kasi nga baka ma-late kami. Ako may kasalanan eh.

Pagdating namin sa Airport, hinanapan ako ng Passport. Pataaay, wala ako nun. ID lang ang na-present ko pero nagulat ako nung binigay ni Hannah yung passport niya. Dalawa. Kanino yung isa?

Tinignan ko si Hannah na para akong nagtatanong kung bakit dalawa? Pero kinindatan niya lang ako.

Nagulat ako nung biglang nanlaki yung mata nung guard nung passport ko na yung tinitignan niya. Nakita ko kasi name ko eh. Grabe. May passport na pala ako.

Kinabahan ako kasi titig pa din yung guard sa passport ko. Nagulat ako nung lapitan ako nung Guard. Ready na ako lumabas. Hinawakan ko na yung maleta ko.

Bumulong sakin si Manong Guard at sinabi niya sa tenga ko, "Aquino ka pala Miss. Pakisabi sa Lolo mo, salamat!" Ha? Nagulat ako sa sinabi ng guard. Ang sarcastic kasi nung mukha niya at pagkakasabi niya. Parang ang lalim ng pinanggalingan.

Nagulat din ako kasi buhay pa pala ang Lolo ko. May pag-asa pa akong malaman ang tunay kong pagkatao at may pag-asa pa na makalaya sa malamig na rehas ang tatay ko.

Nag-antay pa kami. Siguro 2:30pm na kami nakasakay ng airplane. Nasa isip ko pa din yung itsura at pananalita nung guard. Masungit o matapang kaya ang lolo ko kaya sarcastic ang sagot niya? Baka nga matapang ang lolo ko.

Ay nako. Bahala na. Pero pag dating ko galing Paris, hahanapin ko agad ang lolo ko. Kailangan ko siya at kailangan siya ngayon ng pamilya ko. Kahit na mag-please pa at lumuhod pa sa harap niya para lang mapalaya niya ang papa ko.

Nakarating kami sa Paris at shemaaay, ang gandaaaa dito. Nag-check in muna kami sa hotel dun. Grabe. Ang ganda dito. Dalawa pala kaming bumyahe papunta dito.

Nag-ayos na din muna kami ng gamit. Sa sobrang pagod namin nakatulog kami pagtapos namin mag-ayos ng gamit.

Ano kaya mangyayari mamaya paggising ko? Saan kaya kami pupunta? Kailangan ko ng picture sa Eiffel Tower. Excited na ako.

[ Gab's POV ]

Napagod ako sa byahe. Kahit nakaupo lang napagod ako. Nag-ayos muna kami ng gamit ni Mama. Yung gamit ko lang inayos niya kasi siya tutuloy siya kay Papa. Kaya ako lang mag-isa dito.

Nakatulog ako pagtapos kong asikasuhin ang gamit ko. Napagod kasi talaga ako.

Bigla akong napabalikwas nung bigla kong naalalang nag-See you nga pala si Hannah. Nagchat ako sa kanya bago ako nakatulog.

To Hannah Mendez: "Nasa Paris ka ba? Nandito ako. Kita tayo." Yan lang ang chat ko. Namiss ko na kasi talaga ang babae na yun eh. Babae ba yun? Tibom yun eh.

After ko i-send yung chat ko sa kanya, humiga na ako sa kama kahit meron pang mga gamit na iba na nasa maleta pa. Sobrang antok na kasi talaga ako.

Bukas ako iikot sa buong Paris. Paris, humanda ka na. *Evil Grin*.

👉✌👈

My Pushy KisserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon