6 • Sana Akin Ka Na Lang

6 0 0
                                    

Sana Akin Ka Na Lang

Sa bawat gabing nagdaraan

Na hindi kita nahahagkan

Umaasang baka sa panaginip ay maging tayo

At baka sakaling tanggapin ang pagmamahal ko

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Sa pagmulat ng aking mga mata

Heto ka't kasama siya

Pinagsasaluhan n'yo bawat mga ngiti

Habang tinatago ko ang lihim na hapdi

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Nagsusumamo ma na't nagmamakaawa

Ngunit mas kailangan kong magparaya

Dahil ako'y hanggang kaibigan lamang

Walang higit, walang kulang

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Sarili ko'y ayaw ko'ng ipagpilitan

Kahit sinisigaw na ng puso't isipan na dapat kang ipaglaban

Walang sandali na hindi ako sa'yo lumuluha

Sa kagustuhang pagmamahal mo ay makuha

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Umaasang tadhana pa ay mababago

At biglang ako na ang tinitibok ng puso mo

Hindi na siya

Ang sa'yo ay mahalaga

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Sana akin na lang ang mga matatamis mo'ng ngiti

At samahan ako sa pagguhit ng masasayang sandali

Sana akin na lang ang pangako mo'ng magpakailanman

At samahan ako hanggang sa kamatayan

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Sa tuwing kayo ay magkahawak ang mga kamay

Parang unti-unti mo na akong pinapatay

Kung alam mo sana kung gaano ako sa'yo nananabik

Mahagkan ka at maibigay ang matamis kong halik

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Sobra na akong nasasaktan

Mga luha ko'y hindi na maubos-ubos dahil sa sakit ng katotohanan

Mas mahal mo s'ya, mas gusto mo s'ya at mas kailangan mo s'ya

Mas gusto mo ang pagmamahal n'ya, mga yakap at halik mula sa kanya

Kaya’t hihiling at kakausapin ang buwan

Sana akin ka na lang.

Hanggang kailan ko titiisin ang sakit

Mga hapdi at pait na aking sinasapit

Mahal na mahal naman kita

Bakit ba hindi mo maramdaman at makita

Kaya't hihiling at kakausapin ang buwan

Kung kailan ba kita makakalimutan.

ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon