Two Timer
Nakahiga ako sa kama sa aking silid.
Nanahimik, nagiisip at may mga luhang nangingilid.
Dinadama ang bawat hapdi at bawat sakit,
Sa aking puso habang nakapikit.
Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Ang siyang pagbaha ng mga alaala sa isip ko.
Mga alaala ng pait at ng tamis
Mga alaalang hindi ko matiis
Hindi ko matiis na hindi balikan
Yung tayong dalawa na ngayon ay nakaraan.
Nakaraan na hindi ko makalimutan
Nakaraan na gusto kong balikan
Nakaraan na gusto kong muling makamtan
Nakaraan na meron pang "walang iwanan"
Mahal.
Naaalala ko pa kung paano mo hawakan ang kamay ko.
Mahal.
Naaalala ko pa kung paano mo ako kantahan tuwing magkausap tayo.
Mahal.
Naalala ko pa yung pagpupuyat mo para makausap ako.
Mahal.
Naalala ko pa kung paano mo ako ikulong sa mga yakap mo.
Mahal.
Naalala ko pa kung paano mo ako titigan habang sumasayaw ako.
Mahal.
Naaalala ko pa kung paano mo ako pangitiin kapag tinotopak ako.
Mahal.
Naaalala ko pa kung paano buoin ang mga araw kong magulo.
Mahal.
Naalala ko pa kung paano mo halikan ang mga labi ko.
Mahal.
Naaalala ko pa kung paano mo ako ipagdamot sa iba.
Mahal.
Naaalala ko pa.
Eto pa yung mga panahong ang dami nating tawagan
Ano nga ulit yon? Mahal? Baby? Babe? Asawa ko? Love? Honey? Hubby?
Daan daang tawagan na akala mo'y wala ng hangganan
Pero nagtapos din tayo sa kawalan.
Nagtapos tayo sa mga salitang binitawan mo
"Ayoko na, pagod na ko"
Pero anong sinagot ko noon?
"Ako ang naghahabol pero ikaw ang napagod. Bakit ganon?"
Ako'y nangudngod, nadapa at napagod.
Lumingon ka pero pinili mo parin tumalikod.
Pinili mong maglakad palayo
Pinili mong tumawid sa tulay
Kung saan naghihintay
Ang taong ipinalit mo
Sa akin diyan sa puso mo.
At ako,
Naiwan akong nakaluhod
At pinapanood kang dahan dahang lumalayo
Sa akin, mahal ko.
Ang sakit, sobrang sakit
Pero tapos na lahat ng pait
Tapos na ang pagkalunod ko
Sa dagat ng sakit, lungkot at paghati.
Tapos na paghihintay ko sa lugar kung saan nagsimula ang ikaw at ako.
Tapos na akong umasa na may mabubuong tayo.
Lahat ng yan, tatapusin ko na
Dahil ngayon ako'y magsisimulang muli.
Magsisimulang muli
Ng may ngiti sa aking mga labi.
Magsisimula muli
At kakawala sa kulungan ng pighati.
Magsisimula ako, ngayong araw na ito.
Itutuloy ang storya ng buhay ko.
Na naudlot ng dahil sayo,ng dahil sa pag lisan mo.
Pero magsusulat akong muli,
Magdadagdag ng panibagong kabanata sa storya ko.
At sa huling pagkakataon gusto kong sabihin sayo ito.
"Salamat, salamat sa panloloko mo. Kung hindi dahil sayo hindi ako magiging matatag at malakas ng ganito. Maraming salamat."
BINABASA MO ANG
Thirteen
PoesíaThis book doesn't contain any story. Ang libro po na ito ay ginawa ko para sa aking mga naisulat na mga tula at spoken word poetry. I hope you enjoooooy :*