13 • Nakakatawa, Nakakatanga, Nakakabaliw

6 0 0
                                    

Nakakatawa, Nakakatanga, Nakakabaliw

Noong gabing ibinahagi mo sa akin ang kwento ng isang lalaki at babae,
Alam ko na agad.

Kung paano mong inilalarawan ang sitwasyon nila,
Alam ko na agad.
Kung paano mong pilit na pinagaganda ang mga salitang hindi naman talaga,
Alam ko na agad.

Pero, hinayaan parin kitang magkwento.
Hinayaan ko, ang tenga kong makinig,
Hinayaan ko, ang isip ko na mag-lakbay,
At hinayaan ko, ang puso kong namnamin ang mga salitang binibitawan mo-
Mga salitang pilit na pinagaganda ngunit ang kahulugan ay harap harapang sinasampal ka.

Nagpatuloy ka.
At nakinig naman ako.

Sinabi mong mahal naman talaga ng lalaki si babae-
Pero palihim ko nang ipinaliliwanag sa sa sarili ko na-
Mahal mo naman talaga ako.
Ang sabi mo pa, wala siyang iba,
Pero kailangan niyang gawin to,
Kailangan niyang huminto
Dahil alam niya at sigurado sya,
Na kapag pinagpatuloy pa nila,
Hindi sila uusad.

Kailangan mong gawin 'to, dahil kapag pinapatuloy pa natin,
Hindti tayo uusad.

Hindi ako nakasagot agad.
Parang...
Bigla atang nawala yung dila ko.
Hindi ko alam.

Kaya naman, katahimikan.
Isang napaka-habang katahimikan.
Hanggang sa hindi ko na kinaya at tinanong na kita.

"Etong lalaki at babae ba, kilala ko ba to?"
Sumagot ka,
"Hindi"
Hindi.
Hindi ako kumbinsido kaya tinanong ulit kita,
Pero yung mas totoong tanong na,

"Yung lalaki at babae ba, tayo ba to?"

Hindi ka nakasagot agad na naging sanhi ng mariin kong pagpikit.
Nakakatawa.

Naalala ko tuloy yung komersyal ng chicharon ni Mang Juan,
"Obvious na nga, kailangan pang sabihin".
Sa ikatlong pagkakataon tinanong ulit kita,
At doon, sinabi mo, ang salitang nakapag pagising sakin,
Mula sa napakagandang panaginip.

Dalawang letrang mag-kaparehas.
Dalawang letrang nakapag-daloy sa mga luhang ilang minute ko nang pinipigilan.

"Oo".
Yun lang ang sinabi mo pero parang nabingi ako.
Pakiramdam ko, biglang nangalawang yung utak ko.
Buffering bes,
Ayaw ma-process.

Nakakatanga.
Bakit kaya may mga ganyang klase ng tao?
Kapag tinanong mo at hindi sumagot, magagalit ka.
Kung ano-ano ang sasabihin mo.
Kapag naman sumagot at sinabi ang totoo,
Masasaktan ka.

Totoo nga.
Talagang, napakasakit manampal ng katotohanan.

Buntong hininga, ang tanging naging tugon ko.
Mistulang naging hudyat 'yon para magpaliwanag ka,
Pero talagang hindi ko maintindihan yung sistema ko-
Na kahit anong paliwanag mo-
Hindi ko parin maintindihan-
Parang, wala na 'kong maintindihan-
O siguro,

Ayokong intindihin?
Ayokong intindihin dahil masyadong masakit-
Oo, masakit.
Tatanungin niyo 'ko kung bakit ako nasasaktan?
Eh hindi naman naging kami,
Hindi ko nga alam kung meron bang kami,
O tama pang sabihin kong kami.

Pinakiramdaman ko yung sarili ko.
At naisip ko,
Hindi naman kailangan ng 'kayo' para masaktan ka.
Bukod sa kadahilanang buhay tayo kaya tayo nakakaramdam ng sakit- eh, nagmahal ka.
Minahal mo sya, at maaaring patuloy na minamahal.

Naalala ko tuloy yung oras na tinanong mo ako,
Kung mahal kita.
Hindi kita sinagot ng oo, at hindi rin naman ng hindi.
Dahil ang totoo. Hindi ko rin alam ang sagot.
Noong mga panahong yun.

Naisip ko, kung sigurado na kaya ako sa sagot ko noon,
Ano kaya tayo ngayon?
Pero kasabay nito, ang pag-alala ko sa kuwento mo.
Na para bang siguradong sigurado na yung lalaki,
Sa mga mangyayari.
Siguradong sigurado ka na.
Gustong manlaban ng sistema ko pero naisip kong, wag na lang.
Ano pa nga ba't ipagpapatuloy natin kung sa umpisa pa lang,
May duda na.

Wala akong nagawa,
Dahil kahit gaano ko pa kagusong kumapit-
Ikaw na yung kusang bumitaw.
Masasaktan lang tayo parehas.
Mahihirapan lang ako sa pag-hawak sayo.
Bes,
Hindi ka magaan.

Naging paborito ko tuloy yung kantang,
Somewhere down the road.
Pero huwag kang mag-alala dahil totoo,
Naiintindihan ko na ngayon.

Pinanghahawakan ko na lang talaga yung mga katagang:
"Kung kayo, kayo talaga"
"Kung mahal ka, babalikan ka"
Oo.
Umaasa parin ako,
Na yung somewhere down the road,
Magiging maybe this time,
Papuntang starting over again.

Pero sa ngayon, katulad nga ng sinabi mo,
Kailangan nating tahakin ang landas natin ng mag-kahiwalay.
Pero alam ko, sa sarili ko, na maghihintay ako,
Kasabay ng paniniwala kong, babalik ka.
Kahit matagal, hihintayin kita.
Pero kung sakali mang hindi ka na makabalik,
Pwede bang mag-bigay ka ng signal?
Para naman alam ko kung dapat na 'kong bumaba,
Dito sa ereng pinag-iwanan mo.

Sa pag-baba mo ng telepono,
Aaminin kong, umiyak ako ng sobra.
Nakakabaliw.
Nakakabaliw yung sakit.
Pero, alam ko na agad.
Na simula bukas,
Sisimulan at tatapusin ko na ang mga araw ko,
Nang hindi ka na kasama.

ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon