Laro ng Pag-ibig
Mahal kita.
Mahal kita hindi lang dahil gwapo ka.
Mahal kita hindi lang dahil matalino ka.
Mahal kita dahil mahal kita.
Mahal kita.
Mahal kita hindi para saktan ka.
Mahal kita hindi dahil may pustahan kami ng aking tropa.
Mahal kita hindi dahil mahal mo ako.
Mahal kita.
Higit pa sa inaakala mo,
Ngunit alam kong ika'y nagdududa,
Sapagkat baka ika'y niloloko.
Mahal kita.
Mahal kita nang hindi ko alam ang dahilan.
Mahal kita at sana'y maniwala ka.
Mahal kita at patuloy pang mamahalin.
Mamahalin kita,
Kahit hindi mo na ko mahalin pa.
Mamahalin kita,
Kahit masakit na.
Oo, masakit na.
Masakit nang makita ka,
Makita kang may kasama nang iba.
Sobrang sakit na.
Sobrang sakit na,
Dahil mahal na mahal mo siya.
Sobrang sakit na,
Dahil mas pipiliin mo siya.
Sobrang sakit na,
Makita kang umiiyak dahil sa kanya.
Sobrang sakit na,
Makita kang paulit-ulit na nasasaktan dahil sakanya.
Kung ako na lang,
Kung ako na lang sana.
Kung ako na lang sana ang pinili,
Pinili na makapiling.
Kung ako na lang sana,
Edi sana.
Edi sana hindi ka na lumuluha pa.
Edi sana hindi ka na nasasaktan pa.
Ngunit ako'y hindi namimilit.
Sapagkat hindi ko gawain ang makipagsiksikan,
At tiisin ang sakit,
Sa matagal na panahon.
Kaya aking mahal,
Hayaan mo na ako.
Hayaan mo ako na magmahal,
Sa isang tulad mo.
Hayaan mo na ako.
At huwag nang alalahanin pa.
Dahil kaya ko,
Kayang kaya ko pa.
Kaya ko pang hintayin ka,
Kahit na matagalan pa.
Dahil darating pa rin,
Ang tamang panahon para satin.
BINABASA MO ANG
Thirteen
PoésieThis book doesn't contain any story. Ang libro po na ito ay ginawa ko para sa aking mga naisulat na mga tula at spoken word poetry. I hope you enjoooooy :*