4 • Libro Ko 'To

5 0 0
                                    

Libro Ko 'To

Ito ang libro na ako mismo ang may akda. 

Libro na ako ang bida sa bawat eksena ng kabanata.

Marahil nabasa o nakita nyo ang ibang kwento sa aking pahina o mga talaan. 

Pero harap-harapan kong sasabihin na hindi nyo 'yun lubos na naiintidihan.

Binasa lang pero wala kayong sapat na kaalaman.

Ano nga ba ang alam nyo sa buong kwento ng aking libro?

Hindi ba't wala naman?

Kaya paano kayo nakakapag bigay ng opinyon kung wala kayong sapat na dunong at basehan?

Sasabihin ko sa inyo, ito ang libro ko, hindi mo maiintindihan kung hindi nyo aalamin at babasahin ang buong kwento.

Hindi kayo nakakatuwa, bagkus nakakatawa kayo.

Hinahayaang bumuka ang bibig at mag labas ng kung anu-ano habang kulang-kulang ang kaalaman nyo sa aking libro.

Pero salamat na rin sa inyo, dahil pinakita nyo lang kung gaano ako kalalim, at kung gaano kayo kababaw sa paningin ko.

Mga mapang-mata, mapanghusga, binubulag nang sariling opinyon at nakikigagaya na rin sa iba.

Hanggang sa magpasalin-salin sa ibat-ibang tenga, at maglabas nang istorya na binawasan o may dagdag na.

Uulitin ko, ito ang libro ko, habang taga-abang lang kayo sa susunod na isusulat kong kwento.

Kaya pakiusap, wag kayong makinig sa mga taong matatabil ang dila, kung ayaw 'nyong magmukhang katawatawa at kaawa-awa.

ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon