Part 1: After The Pain

21.2K 382 3
                                    

"Ellah?"

Ang boses ang gumising sa kanya. Huminto rin ang paghakbang niya. Saglit na naguluhan si Lemuella kung totoo ang boses o hindi. Lumingon siya—at nakita niya si Marrio, nakasandal sa tagiliran ng kotseng naka-park pala sa tapat ng bahay nila. Sa lalim ng iniisip ay hindi na siya aware sa paligid.

Nagtama lang ang mga mata nila. Wala siyang reaksiyon kundi pag-awang ng bibig lang.

Hindi handa si Lemuella.

Lalong hindi pa pala handa ang puso niya sa pagkikitang iyon.

Hindi rin nagsalita si Marrio, tinitigan lang siya. Pero mayamaya, naging malinaw ang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano ang emosyon na iyon. Ang sigurado lang ni Lemuella, parang tumawid sa kanya ang kung anumang bigat na dala ni Marrio. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang maging misty ang mga mata nito...at paisa isang nalaglag sa pisngi nito ang luha nang sumunod na segundo.

Kung hindi handa si Lemuella na makita ang lalaki sa Pugad Agila, lalong hindi siya handang makita ito na ganoon—na parang sobrang nasasaktan.

Nakita na lang niya ang sarili na tinawid ang distansiya sa pagitan nila at niyakap si Marrio. Na-realize niya, sa kabila ng mga hindi magagandang eksena sa pagitan nila, hindi pa rin pala niya kayang tiisin ito. Hindi niya kayang tingnan lang na nasasaktan.

Mahigpit na mahigpit ang naramdaman niyang pagtugon ni Marrio ng yakap.

Wala sa kanilang dalawa ang nagsalita. Mahigpit lang nilang yakap ang isa't isa.

"May nangyari ba, Em?" tanong ni Lemuella, hinahagod na niya ang likod nito. 'Em' ang parang naging endearment niya rito. As in 'M'—na tawag rin dito ng best friend na si Jamir. "Wala na naman sa mga babae mo ang may gustong samahan ka kaya ako ang naisip mo?" Lagi namang ganoon. Siya ang naiisip ni Marrio sa mga pagkakataong walang mapuntahan. Siya ang huling option lagi. Hindi alam ni Lemuella na hanggang ngayon pala ay okay lang sa kanya ang ganoong role sa buhay nito. Kung hindi, ano ang ginagawa niyang iyon? Hindi ba at binibigyan niya ng dahilan si Marrio para paulit-ulit na bumalik? Ang dapat niyang gawin ay itaboy ito—masaklap lang na hindi niya iyon kayang gawin.

Walang sagot si Marrio. Hinagod lang buhok niya. Nanibago siya sa katahimikan ng lalaki. Ang natatandaan ni Lemuella, ganoon lang ito sa mga gabing gustong matulog nang tahimik—sa tabi niya. Sa mga ganoong moment lang hindi nakikipag-argumento si Marrio Debil a.k.a MD Greech.

Moment iyon na hindi nito gustong umalis sa tabi niya.

"Come home, El," ang narinig niyang sinabi ni Marrio. "El" naman ang tawag nito sa kanya tuwing naglalambing sa kama. Bagay nga daw silang mag-asawa, 'El at Em', pambobola pa nito madalas sa kanya pero ang gusto lang naman talaga ay sex.

Natigilan si Lemuella, nagsalubong mga kilay. Nalito bigla. Ano'ng home-home ang sinasabi nito?

"H-Home saan?" balik niya. "Sa condo? Tapos na'ng usapan natin—"

"Ang usapan natin, oo. Ang kasal, hindi," mariin na sinabi nito. Nakaawang ang labi na napatingala si Lemuella. "Asawa mo ako, El." pagdidiin pa ni Marrio. Iba ang emosyon sa mga mata nito. Unang beses niyang nakita. Wala ang dating kislap o kahit ang nang-iinis na tingin. Seryoso ang titig ng bruho. Ano na naman kaya ang naiisip nitong gawin?

"Magpa-file ako ng annulment," ang sinabi ni Lemuella. Wala nang dahilan para patulan niya ang kung anumang naiisip gawin nito para mapabalik siya. "Hinihintay ko lang ang panggastos—" pinatahimik na siya ng halik nito.

Okay.

Oo na. Ang hirap lang talagang i-resist ang halik ni Marrio.

Nalunod na naman agad siya.

"Hindi ako pipirma," ang ibinulong ni Marrio matapos iwan ang shocked niyang lips. "Kahit magsayaw ka ng hubad sa harap ko."

"Baliw—"

"Yes, I'm getting there," agaw nito. "At mas mababaliw pa ako kung hindi ka sasama sa akin. I'm losing grandma and I'm losing you..."

Mas umawang ang bibig ni Lemuella. "Ano'ng sinasabi mo? May...may nangyari kay Lola Pinang?"

Marrio (The Playful Heart) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon