HOPIA pa more, Ellah!
Oo na, nag-assume na!
Bawal umasa 'pag si Debil ang involve, 'teh.
Pasensiya. Tanga lang! Ako lang ba ang tanga sa mundo?
Parang may mga characters na nagsasagutan sa isip ni Lemuella habang nakahilata siya sa sofa. Oras ng siesta iyon. Tapos na siya sa lahat ng trabaho. Hindi naman niya gustong manood ng TV kaya humiga na lang siya sa sofa at tumitig sa kisame.
Hindi na bago sa kanyang sa ganoong pagkakataon ay si Marrio ang naiisip niya. Mula nang makilala ni Lemuella ang lalaki, naging regular guest na sa utak niya. Gustuhin man niyang itaboy, hindi siya successful. Babalik at babalik pa rin talaga para guluhin ang isip niya. At ang mga kilos naman ni Marrio, puso na yata niya ang ginugulo. Umaasa na siya ng happy ending—na agad din namang gumuho nang matiyak niyang walang pagbabago kay Marrio.
Date pa rin nang date. Okay. Hindi naman niya nakikita ng actual na nagde-date. Sabi lang ni Marrio mismo. Mas naging malupit pa ang bruho. Inuutusan na siyang magmasahe sa bawat pag-uwi nito na pagod, ikukuwento pa sa kanya kung saan ito galing at ang date. Pagkatapos ay magtatanong ng: Wala ka bang sasabihin?
Deadma lang siya. Tuloy lang sa pagmamasahe.
Pero kapag tapos na siyang magmasahe, naglalambing naman na yayakapin siya. Hindi na siya papayagang lumabas ng kuwarto. Makakatulog na siyang yakap nito. Sa madaling-araw, gigisingin siya ng halik ni Marrio—at mauuwi sila sa mainit na 'do' moment.
Sa ganoon lumipas ang mga sumunod na araw kay Lemuella. Araw araw siyang naaasar kay Marrio pero kapag naglambing naman ito pag-uwi, bumibigay agad siya. Na-realize niya, parang pahirap nang pahirap ang sitwasyon. May ilang linggo pang natitira sa ninety days na usapan.
Mas nagulo pa ang utak ni Lemuella nang makita niya ang kopya ng marriage certificate nila ni Marrio. Signed and sealed. Asawa na talaga niya si Marrio Debil!
Parati tuloy naiisip ni Lemuella kung anong mangyayari pagkatapos ng three months deal nila? Babalik siya sa Pugad Agila at si Marrio ay tuloy rin ang buhay. Ano lang pala ang silbi ng kasal nila kung ganoon?
Nasagot ang tanong ni Lemuella noong isang araw lang. May sexy at magandang babae na inihatid ang guard sa unit. Hinahanap si Marrio. Medyo nakainom ang babae. Napanganga na lang si Lemuella nang pagkapasok nito ay sinugod agad si Marrio. Panay ang I love you. Gagawin daw ang lahat para sa isa pang chance.
Nagulat si Lemuella sa sagot ni Marrio—imposible na daw ang gusto ng babae dahil may asawa na ito. Hinatak siya at ipinakilalang asawa ng bruho!
Ang ending, nilait lait siya ng babae. Hindi daw naisip na papatol sa isang maid si Marrio. Parang nasampal ng back to back si Lemuella. Pero ang Marrio, walang pakialam. Iniladlad pa ang patunay na kasal sila. Napasubsob na lang siya sa mga palad.
Ang mas masaklap, naulit pa ang scene na iyon—ibang babae naman. Naulit din pati ang panlalait sa kanya. Sabi pa ng babaeng mukhang African-filipina—negrang sexy at parang manika ang mukha—nagayuma lang daw si Marrio at matatauhan anytime soon.
Feeling ni Lemuella ay magkakaroon na siya ng migraine at araw araw iyon na susumpong. Ang sakit talaga ng ulo niya sa mga nangyayari.
Hindi man dapat, nahihiling na lang ni Lemuella na sana ay hindi na lang umuwi si Marrio sa mga susunod na araw. Pakiramdam niya kasi, palala nang palala ang sitwasyon at araw araw na siyang masasaktan.
Napatingin siya sa cell phone nang tumunog.
Si Diosa?
"HELLO, Ellah?" ang pamilyar na boses ng Bea Alonzo ng Mahinhinon clan—este ni Diosa. Medyo nagtaka na siya nang makita kanina sa screen ng cell phone ang pangalan nito. Hindi gawain ni Diosa ang tumawag nang wala munang naunang text message.
BINABASA MO ANG
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.