HINDI kaya may kinalaman sa sumpa ang pagkamatay ni Floro? Ang laman ng text message ni Lemuella kay Diosa na nasa tabi lang niya. Nasa kuwarto sila ni Macaria sa farmhouse ni Rohn, ang kuwartong ginagamit daw ni Floro kapag naroon. Sinamahan nila ang biyudang pinsan hanggang sa nakatulog. Nakaupo lang sila sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama. Parehong naka-silent ang mga cell phones para makapag-usap sila sa text nang walang ingay.
Kanina pa gustong magsalita ni Lemuella. Hindi siya matahimik sa rebelasyon ni Macaria. Kung totoo at hindi tsismis lang ang sumpa, lagot na ang biyudang virgin!
Tumingin agad sa kanya si Diosa pagkabasa ng text message. Itinuro niya ang cell phone nito at sumenyas siyang mag-reply sa text din. Saka lang nag-type sa gadget si Diosa.
Ang virgin na Mahinhinon ang sinasabing namamatay, hindi ang lalaking failed mang-devirginize!!!!
Gustong tumawa ni Lemuella sa reply ni Diosa pero hindi niya magawa. Paano siya makakatawa sa sitwasyong iyon? Paano niya tatawanan ang posibilad na mapahamak si Macaria? At ang ibang version ng sumpa na kumalat noon, paano kung totoo pala?
May taning na nga daw ang buhay ni Floro, 'di ba? Totoo o hindi ang sumpa, may 'sundo' na talaga 'yon! Text pa ni Diosa. Tumingin muna siya rito bago nag-reply.
Ano'ng gagawin natin diyan kay Ariah? Paanong na-in love 'yan sa maikling panahon?
Malay ko. Share mo sa akin 'pag in love ka na kay Debil bago pa matapos ang sixty days na usapan n'yo.
Ang sama ng tingin niya kay Diosa pagkabanggit nito kay Marrio. Gumanti siya sa text message.
Ma-in love ka sana sa taong bato!
Baka mauna kang ma in love kay Debil, hehe.
Hinila niya ang buhok ni Diosa. Pigil na pigil naman nito ang malakas na pagtawa, hinahampas ang braso niya para bitiwan niya ang buhok.
Umungol ang nasa kama na si Macaria. Tumigil sila nang sabay, napatuwid ng upo at tumingin sa tulog na pinsan. Hindi na naulit ang pag-ungol ni Macaria. Naawa si Lumuella sa pinsan. Dinibdib talaga nito ang pagkamatay ni Floro. Posible pala talaga ang ganoong pag-ibig?
Pati sa panaginip, dala pa rin ang masamang pakiramdam? Text niya kay Diosa.
Ganoon talaga, 'teh. Asawa niya 'yong nawala. Tingin ko, nahulog na talaga ang loob niyan kay Floro, reply ni Diosa.
Hindi lang dahil sa mana?
'Lakas mong maka-judge ng kapwa, uy!
Nagsasabi lang ako ng posibilidad, Yosh. Bakit, kung ikaw ba, mamahalin mo si Floro?
Napipili ba ang taong mamahalin?
'Pag alam ko na, sasagutin ko 'yan.
Si Debil ba, hinding hindi mo mamahalin?
Hinding-hindi talaga, ungas na 'yon!
Hahaha! Lalim ng galit mo, ah?
Nakakainis kasi. Nagde-demand ba naman ng oras ang baliw! 'Kita na nga na kailangan tayo ni Ariah, gusto pa akong pauwiin kasi may sakit daw siya!
Baka nga may sakit talaga?
Ano'ng ginagawa ng mga babae niya? Ang dami no'n, kahit isa wala siyang matawagan? Nananadya lang talaga ang baliw. Isip bata talaga. Gawain niya 'yan—ang makipag-compete sa atensiyon.
Hindi pa tumawag uli pagkatapos ng away?
Hindi pa.
Baka na-ospital na!
BINABASA MO ANG
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.