"JAMIR?"
"Hi!"
Hindi mapigilan ni Lemuella ang ngiti. Sabado nang araw na iyon. Huling Sabado sa ninety days na usapan nila ni Marrio. Isang linggo na lang ang tatapusin ni Lemuella at malaya na siya.
"Si M?"
"Naliligo 'ata," sagot niya. "Pasok ka. May lakad kayo?"
"Wala. I'm here for the cooking session," ngiting-ngiti sa kanya si Jamir. Na-realize niya, katropa nga ito ni Marrio—parehong playboy. Mukhang nagpapa-cute sa kanya! O baka siya lang din ang nag-iisip nang ganoon? Bakit naman magpapa-cute sa kanya ang guwapong gaya nito? Ang haba naman masyado ng hair niya. Pero parang iba kasi ang ngiti nito ngayon kaysa dati...
"Walang masyadong available ingredients, eh. Dapat kasi, nagpasabi ka muna na pupunta ka." Sabi niya kay Jamir. Inilapat niya agad ang pinto pagkapasok nito. "'Upo ka, Jam. Ano'ng gusto mong snacks? May nilagang saging saba kami diyan."
"Sige. And coffee."
Tumango si Lemuella. Tumuloy sa kusina at inihanda ang kape nito. "Ano na lang ang iluluto natin?"
"Ano'ng meron ka?"
"Gulay lang, eh. 'Di ko naman ma-take na ang steamed diet ni Marrio. Ang tatag din ng kaibigan mong 'yan. Sarap na sarap sa lahat ng steamed food."
"Hindi lang marunong magluto kaya ii-steamed na lang," tawa ni Jamir. "Nagkukunwari pang nag-iingat sa oily foods!"
"Oo nga naman," sang-ayon ni Lemuella. "Kunwari lang na gustong steamed lahat para—"
"Diyan kayo magaling," boses ni Marrio. "Pag-usapan ang mga taong wala."
"Steamed foods ang topic namin," balik naman agad ni Lemuella. "Hindi ikaw!"
"Ang aga mo, bro," si Marrio kay Jamir. Hindi siya pinansin ng bruho. Naupo ito sa tabi ng kaibigan sa sofa.
"Maaga? Past eleven na, M! Wala pa kayong lunch?"
"Tinatamad na naman si Chubby Girl," sabi ni Marrio. "Nag-ala reporter na naman sa kabilang unit—"
"Hindi, ah!" agaw ni Lemuella. "Wagas ka talaga mang-bintang, Debil!"
"O ano pala'ng ginawa mo? Ba't wala pang lunch?"
"Busog pa naman ako, eh. Mga alas dos pa ako magugutom."
"Ikaw! O, paano naman ako?"
"Dami pang saging diyan, o. 'Yon na muna. 'Wag ka nang maarte. 'Di ba gusto mo naman ng steamed? Nilaga naman 'yong saging!"
Tumawa si Jamir. Si Marrio ay nilingon siya, masama ang tingin. Deadma naman si Lemuella. Nag-busy busy-han sa lababo.
Mayamaya ay tumayo na si Jamir. Napatingin siya sa lalaki nang parang walang anuman na naghubad ito ng long sleeves na suot. Parang nasa beach lang ang peg. Lantad kung lantad ng abs!
Dumaan sa tapat niya ang lalaki para maghanap ng apron. Madudumihan daw kasi ang long sleeves kaya topless na lang. Siya na ang kumuha ng apron nito. Natatawa na lang siya. Naaaliw sa sitwasyon. Wala namang problema sa kanya kung topless ang 'cook'. Aba, minsan minsan lang may magandang tanawin sa kusina ng condo. Baka magka-chance pa siyang tusuk-tusukin ang abs nito, para I check lang kung matigas o kulang pa ng work out.
"Gulay lang ang menu, Jam!" paalala niya. "Magsabi ka lang kung kailangan mo ng assistant. Puwede ako kahit tagapaypay mo," at nagbibirong nginisihan niya ito. Tumawa nang magaan si Jamir.
"Tagapunas ng pawis, puwede rin?" balik ni Jamir.
"Oo naman!" tawa rin niya. "Pa-picture ako mamaya, ah? 'Yong hubad ka pa at pawisan. At nang mai-post sa FB!"
BINABASA MO ANG
Marrio (The Playful Heart) PREVIEW
HumorMahinhinon Virgins book 2: Lemuella (a.k.a Ellah) Romcom. Unedited. Warning: HINDI PARA SA MGA BATA.