Part 14: Jamir

8.3K 227 8
                                    

"HI?" parang nagtatakang bati ng lalaki na napagbuksan ni Lemuella. Nagulat yata ito na siya ang nagbukas ng pinto. "Si M?"

"M?" ulit niya. "Marrio?"

"Yeah."

"Tulog, eh. Sino sila?"

"Friend," sabi ng lalaki. Ang friendly ng ngiti. Kahit guwapong-guwapo ito, parang ang approachable. Parang ang bait din base sa ngiti at sa mga matang nakangiti rin.

"Gigisingin ko ba? Ano'ng name nila?"

"Jamir." Ang lalaki. "No, 'wag mo nang gisingin. Hihintayin ko na lang na magising. Okay lang pumasok?"

"Proof muna na friend ka nga niya," sabi ni Lemuella.

"Proof?" ulit ng lalaki. Parang hindi makapaniwala na hihingan niya ng proof pero hindi naman nawawala ang ngiti.

"Oo. Proof."

"Pictures?" kinapa nito sa bulsa ang cell phone at inilabas. Nag-scroll at ipinakita sa kanya—maraming pictures ni Marrio na kasama ito. May grupo, may mga nagagandahang mga babaeng kasama, at may ilan pang may kasamang mga artista ang dalawa.

Naniwala na siya. Hindi naman kasi paaakyatin ng guard ang hindi kilala ng mga nakatira sa building na iyon. Naisipan na lang magbiro ni Lemuella. "Wala bang picture na kasama n'yo si Piolo?"

Magaang tumawa si Jamir. "Si Paulo lang."

"Paulo?"

"Paulo Avelino."

"Ah..." Sino iyon?

Napangiti si Lemuella nang ipakita nga nito ang picture na kasama ang binanggit na actor. Bagong henerasyon yata kaya hindi siya pamilyar sa mukha. "Okay na? Puwede na bang pumasok?"

Ngumiti na rin si Lemuella. "Sige, pasok po, Sir Pogi."

Magaang tumawa si Jamir. "Hindi nabanggit ni M na may kasama na siya sa unit." Ang lalaki na naupo na sa sofa.

"Bago lang. Bagong slave ni M."

"Slave?" parang nagulat ito.

"Bagong maid," kaswal na balik ni Lemuella. "Gusto mong kape or juice, Sir?"

"Cold water. Thanks. Ano'ng name mo?"

"Ellah."

"Jam na lang, Ellah."

Mas napangiti si Lemuella. Nagtataka na siya kung paano naging magkaibigan si Jamir at Marrio. Parang masyadong mabait ang lalaki para maging kaibigan ni Marrio Angas Debil.

Pagkadala niya ng tubig ay balik kusina si Lemuella para magluto ng hapunan. Nagsaing muna siya sa rice cooker bago hinarap ang paglilinis ng gulay na ii-steamed niya para kay Marrio Maarte. Tumingin siya ng maluluto sa ref—may karne pa. Ano kayang lulutuin niya?

"Ano'ng lulutuin mo, Ellah?" napatingin siya kay Jamir. Nakalingon ang lalaki sa kanya, nakangiti na naman.

"Iniisip ko pa nga, eh."

"Ano'ng meron diyan?"

"Karne."

"May gulay?"

"Baguio beans na lang..."

"May oyster sauce ka?"

"Meron ."

"Pork and green beans with oyster sauce. Okay na 'yan, Ellah." At nagulat si Lemuella nang tumayo ito mula sa sofa, lumapit sa kusina. "Pahiram ng apron?"

Mabilis siyang nakahanap ng malinis na apron sa cabinet.

"Tulog mantika 'yan si M. Tutulungan na muna kitang magluto," sabi ni Jamir na nagpangiti kay Lemuella. "Dito ako magdi-dinner."

Marrio (The Playful Heart) PREVIEWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon