I would like to act like a normal person— as a normal Arlton daughter. But if I always encounter a person with a crazy personality, I can't help but curse the world.
After literature, I enjoyed the present subject, "Empowering Technology" as I love using Photoshop for editing. Kabisado ko na ang ibang tools nito but I always tell myself that I should be eager to learn with all my heart and mind.
"Cheska, sabi sa akin no'ng friend ko, ang ganda raw ng edits mo. I'm sure you can use your skills to become a graphic artist. I also love your works!" my classmate, Julie, said with appreciation.
Actually, I make book covers for real. Naalala ko nga noong may nagpagawa sa akin ng isang book cover para raw sa librong ipapaself-publish. So, I told him that I will make him a quite simple, but beautiful cover for free. But later on, I wanted to throw curses at him. Why? Bukod sa tapos ko na ang book cover niya, gusto niya itong papalitan dahil sa hindi malamang dahilan; not once but thrice. Yes, I love book cover editing but wow naman, as in wow.
Biglang naalala ko tuloy ang moment na nakipaghiwalay ako kay Jeso. Naging makata kaming dalawa sa puntong iyon. After all, he taught me a lot about love.
NAKIPAGKITA ako kay Jeso sa kadahilanang gusto ko lang ipaalam sa kanyang hihiwalayan ko na siya. Dumating siya sa tagpuan namin na tila masayang-masaya. Hindi lingid sa kaalaman niya na ang bawat ngiti at saya ng tao ay mayro'ng kaakibat na lungkot at pighati sa puso. Nakapustura ito na para bang makatang-makata dahil nakabarong ito at ang pagkakaalam ko'y mayroon silang kasiyahan sa kanilang eskwelahan.
"Cheska, mahal ko! Bakit gusto mo akong makita gayong bukas pa tayo dapat magkikita? Bakit paramg napaaga ang pagtatagpo natin?" nakangiti nitong turan. Masakit makita siyang masaya pero alam kong may balitang gigimbal sa matamis nitong ngiti.
Hirap akong sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin pero nilakasan ko na lamang ang loob ko.
"Hiwalay na tayo." Sa sandaling iyon tila huminto ang mundo ko. Natahimik din si Jeso at alam kong huminto na rin ang kanyang mundo.
"Mahal kong Cheska, sana'y maunawaan mo ang pagiging sutil ko minsan. Sana'y tanggapin mo ang kakulitan ko kahit na itinataboy ako ng mga magulang mo."
Mas mainam na siguro ang pakinggan ang mga mas nakatatanda sa akin.
"Ayoko na Jeso! Mas nanaisin ko pang mabuhay na hindi ka nakikita. Mas mainam na sigurong maghiwalay na lang tayo. Ayoko na ng problema kasama ka. Ayoko na!" Kasabay nito ang paglaglag ng mga butil ng aking luha sa lupa.
"Alam kong pagod ka na pero hindi sapat na rason ang sinabi mo para iwan ako kaagad. Ang paglisan ay hindi madali para sa isang tao at iyon ang mararamdaman ko kapag nawala ka sa buhay ko!" Napaluhod siya saka hinawakan ang mga mala-birhen kong kamay.
Kita sa kanyang namumugtong mata na gusto niyang bumagsak sa sakit na aking ipinadama. Gusto ko ito pero bakit nasasaktan din ako?
Nilista ko nga sya sa blacklisted ko, dahilan para hindi na siya mapasama pa sa kahit na anong graphic work ko. Napakaganda pa naman sana ng istorya niya na hango sa history ng Pilipinas pero gaya ng sabi ko, ayokong nagbabasa ng fictitious stories kaya pahapyaw lang ang binasa ko.
Bigla kong nahampas ang mesa dahilan para pagtinginan ako ng ibang estudyante. Mabuti na lamang at wala ang teacher namin.
"I really want to stop this crap!"
Hindi ko na maatim ang alaalang gusto ko nang ibaon sa limot. Bukod sa alaalang iniwan no'ng lalaking nagpagawa ng book cover, mas nasaktan ako sa alaala naming dalawa ni Jeso.
"Hoy, Cheska! Mamaya masira mo ang monitor e," sita ni Amber. Tinignan ko siya ng walang kaemo-emosyon kaya nagmukha akong maldita this time.
"I can buy a new one if I want, Amber! Huwag mo akong diktahan sa ginagawa ko dahil hindi ko diniktahan ang ginagawa mo. Matutuwa ka ba kung sinabi kong ang pangit ng gawa mo? Na may babae ang boyfriend mo? Na niloloko ka lang? Hindi! Kaya huwag mo akong sisitahin sa ginagawa ko!" inis na sigaw ko.
"Wala namang kasiguraduhan iyang sinasabi mo na may babae si Lorh e," garalgal na sabi ni Amber.
"Ang Morreale!" sigaw ni Liza.
Hindi sa kinakatakutan ang Morreale sa KEU, kundi hinahangaan ito. Walang nakaaalam sa klase na miyembro ako ng Morreale kaya ganito nila ako tratuhin.
May gustong sumali sa amin pero hindi ako pumayag. Gayunpaman, gusto pa rin daw niyang sumali. Nagtanong ang Morreale sa kanya kung ano ang purpose niya sa grupo at lumabas ang totoo. Gusto niya raw kasi ng magpoprotekta sa kanya. Gusto niya raw maramdamang mapansin ng iba. Morreale doesn't want to be connected with the word, "popular." We wasted our time entertaining such an immature one.
Let yourself be free. Huwag mong hahayaang ikulong ka ng mundo. Maliit lang ito at gagawin kang alipin sa sarili mong teritoryo. Ngayon, kung magbubulag-bulagan ka sa tunay na estado ng mundo, mananatili kang naniniwala sa nararamdaman mo tulad na lamang ng isa sa mga nakita kong komento tungkol sa isang paligsahan. Dahil bulag siya sa pagiging sikat at nais niyang kumuha ng napakaraming likes, hindi na niya ininda ang mundo. She decided for her own sake.
Bakit hindi niya hayaang ang mundo o oportunidad ang lumapit sa kanya. She wasted her own time for the sake of popularity? The second thing is, why did she even think na tatanggapin namin siya? Akala niya ba bumuo lang kami ng ganitong grupo para lang magpasikat sa eskwelahang ito?
"Where's Cheska?" rinig kong tanong ni Alhora sa kaklase ko. Itinuro ako nito ngunit ramdam kong takot na takot ang kaklase kong ito.
"Cheska, you are wasting precious time! Nasaan na ang mga papel?" Alhora shouted.
Iskandalosa. Iyan ang nababagay na description para kay Alhora.
Tumayo ako sa kinauupuan ko saka naglakad palabas ng computer laboratory dahil ayoko siya makitang magwala rito.
BINABASA MO ANG
Cheska's Note [COMPLETED]
ChickLitPublished by WWG Publishing (2019) Published by TDP Publishing (2021) 02/04/2018 05/31/2018 pencoloredman©2018