"IJA, nandyaan ka na pala!" puna sa akin ni Tita Ali.
Nasa isa kaming private room kung saan maluwag at maaliwalas ang lugar. Sa harapan, kita ang kulay asul na kahon na mayroong kulay gintong hawakan. Sa tabi nito, bandang kaliwa, may tatlong bulaklak na nakapabilog.
Nang lumakad ako papalapit sa kinaroroonan ng kahon, unti-unting nangilid ang luhang isang araw ko nang nilalabas.
Namg makalapit, kaagad kong niyakap ang kahon. Kita rito ang whole body glass cover kaya kitang-kita ang itsura niya. Tuxedo. Black pants. Black shoes. Naka-gel na buhok at light make-up ang kabuuan nito.
"Bakit mo ginawa ito? Iniwan mo ako maging si Tita Ali. Hindi ka man lang nagsabi!" sabi ko rito na tila naririnig ako nito.
Naramdaman ko namang may yumakap sa akin mula sa likuran ko at napagtantong si Tita Ali ito.
"Alam mo ba na may sulat siyang iniwan para sa'yo?" sabi ni Tita Ali sa akin. Sa sobrang gulat, kaagad akong umayos at pinunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagbagsak.
"Talaga po ba Tita?" hindi makapaniwala kong tanong.
Tumango ito bilamg tugon at saka ito naglakad palabas ng kwarto. Wala pang masydong tao sa loob. Sinundan ko naman si Tita Ali ma nakasisigurado akong ddalhin ako sa kung saan nakalagay ang sulat.
Namg tumigil si Tita Ali, alam ko ng dito iyon. Dito sa loob ng kwartong ito nakalagay ang sulat niya para sa akin. Pagpasok namin ni Tita, maayos ito at walang kalat na makikita. Blue rin ang theme ng kwartong ito. Sa sobrang gusto kong malaman kung kanino ba itong kwarto na ito. Tinanong ko si Tita at hindi ako nagkamali. Kay Jeso ang nasabing kwarto.
Inilibot ko ang paningin ko at napakagaan sa loob na makita ang kwartong ganito kalinis at kagandang kulay ng kwarto. Para akong nasa langit na gabi na puno ng bituin.
Sa walang kamuaangan, iniabot ni Tita ang isang maliit na envelop kung aaan may nakalagay na 'Cheska's Note'.
Binuksan ko ito at saka nagpaalam si Tita Ali na iiwan niya muna raw ako.
Nang buksan ko ito, lking gulat ko sa haba ng sulat niya.
"Cheska's Note,
I note to myself to love you even you are not. Gusto kong angkinin ang buong mundo mo na alam kong mahirap gawin. I wrote this note to remembering all sceneries we have.
The first time we met. Naaalala ko pa ba iyong sa canteen? Ang tingin mo sa babaeng nagbabasa ng isang fiction book? Halos saksakin mo na siya pero sumingit ako. Naki-table ako at hinarangan ang paningin mo sa babaeng nagbabasa pero biglang nabalot ng takot ang buong pagkatao ko nang bumaling sa akin ang tingin mo. Kung nakamamatay lang siguro ang mga tingin mo that time, baka nakapatay ka na.
The second day we met, sa field iyon ng Kirt Erlton University. Nakakatawa nga, e. Nakatingin ka sa nagsa-soccer. Naisip ko lang na baka tomboy ka pero hindi naman halata kasi ang ayos ng suot mo. Nang tumabi naman ako sa'yo nainis ka. Sinigawan mo pa nga ako 'di ba? Sabi ko pa noon na kung kailan kita titigilan sa kakastalk pero napaisip ako noon. Inistalk ba kita? Siguro ang tadhana na rin ang nagtatagpo sa ating dalawa." Wala pa sa kalahati ng sulat ay tumulo muli ang aking mga luha.
"After a week, nagkita naman tayo sa admin office and I asked you kung anong gagawin mo sa naturang kwarto pero hindi mo ako pinansin. Hindi ako sumuko dahil may naramdaman akong hindi ko alam. Sinundan kita that time and I realized na isa ka pa lang Dean's scholar dito. Pareho naman tayong Senior High pero kung mag-isip tayong dalawa ay parang college na. Ayon kasi sa nasagap kong impormasyon, ang Arlton Group daw ay isa sa may pinakamalaking kompanya na mayroon sa Olongapo City pero nakakapagtaka na bakit scholar ka ng Dean? Maraming tanong ang pumasok sa isip ko noon at nasagot iyon noong hindi mo ako natiis.
Umuulan pa iyon noong sabi ko manliligaw ako sa'yo at basang-basa na ako noon sa labas ng gate niyo pero matigas yata ang puso mo pero laking gulat ko namg may lumabas sa pintuan ng malaking bahay niyo. Isang matanda at may dalang payong. Nakapayong ito at may dala pang isang payong. Nakasisigurado ako na ikaw ang nagpadala ng payong na iyon. Sabi pa sa akin ng nagngangalang Selia na umuwi na raw ako dahil may pasok pa at sinunod ko naman ito. Umuwi akong nasa that time, Cheska. Napagalitan pa ako ni Mommy Ali noong nakita niya akong basang-basa. Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa kwarto ko. Kung nakikita mo ngayon ang kwarto ko. Blue lahat tulad ng paborito mo. Gusto ko kasi na aa tuwing matutulog ako ay nakangiti ako kahit na papaano." And he do that for me. I lost him noon pero pinagbigyan ko ulit.
"Gusto ko pa sanang pahabain pero naisip ko na para saan pa? Para konsensyahin ka? Huwag kang mag-isip na dahil ako nagpakamatay ay dahil sa'yo. Hindi ko lang kinaya ang sitwasyong mayroon ako. Nalaman kong buntis ka dahil sa rape case mo, tila nagdilim ang makulay kong mundo. Nalungkot ako noon na bigla kang nawala sa dati ninyong mansyon kaya lahat na ng pwedeng kontakin ay kinontak ko na para makita ka ulit. Hindi naman ako nabigo kay Jane. Itinuro niya ang eksaktong lugar kung saan na kayo nakatira kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan ka. Nakagraduate na tayong pareho niyan at kukuha tayo sana ng BS Architecture dahil pangarap mo ang magsketch ng sarili mong bahay at ganoon din naman ako. Sabi ko sabay tayong makakapagtapos at ako ang tatayong magulang ng baby mo pero laking gulat ko noong magkita tayo at sabi mo gusto mong makita si Prile. Nagpantig ang pandinig ko. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako niyan o mananapak pero wala akong nagawa kun'di ang sundin ka. At doon na nag-umpisang kumirot ang puso ko. Para akong nawalan ng isang kulay na hindi na muli pang makukumpleto.
"Maliwanag ang buwan. Masarap magmahal 'pag hindi iniwan."
Isang kanta ang pumasok sa isipan ko. Masarap pero hindi pala masarap ang iwan ka ng iyong minamahal. Gusto ko na lang maglaho nang yakapin ka ni Prile at ibinalik mo ito. Ang mundo ko ay nagbago.
Huling salita na lang siguro ang masasabi ko. Mahalin mo ang mga taong nagmamahal sa'yo. Hindi sila ang aani niyan kun'di ikaw.
Huwag mong hayaang lumakad palayo ang isang mahalagang tao na pinapahalagahan ang tulad mo.
Ang papel na nilapatan ko ng tinta para sabihing mahal kita kahit nasaan man ako. Ang papel na nilamuyos at niyurakan pero nanatiling malinis. Mahal kita, Cheska at gayon din sa magiging anak niyo ni Prile.
-Jeso Manalansan."
Luha. Hindi titila ang luha simula nang mabasa ko ito. Gusto ko talagang sisihin ang sarili ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama ni Jeso at naglakad palabas sa kwartong ito.
BINABASA MO ANG
Cheska's Note [COMPLETED]
ChickLitPublished by WWG Publishing (2019) Published by TDP Publishing (2021) 02/04/2018 05/31/2018 pencoloredman©2018