Kinabukasan, pagkagising ko ay kaagad akong dumiretso sa banyo para maghilamos. Kitang-kita ang magulo kong buhok.
"Ma'am Cheska?" tinig mula sa labas at sinisigurado kong si Manang ito. Kaagad akong lumabas sa banyo at nakita ko ang makalat kong kwarto kaya naman inayos ko saglit ang kama para mabawasan ang alalahanin ni Manang.
Pinagbuksan ko ito ng pinto kaya at bumungad ang malapad nitong ngiti. Napakunot-noo ko sa nakita.
"Bakit nakangiti ka, Manang?" nagtataka kong tanong dito. Ano na naman ang mayroon?
"May bisita ka po," sagot nito. Wala akong natatandaang pinapunta sa bahay ngayong araw. "At sino raw?" tanong kong muli. Naglakad ako papunta sa kabinet ko para kumuha ng tuwalya nang mapunasan ang basang mukha.
"Hindi niya po sinabi ang pangalan niya e, pero pinapasok ko na po. Lalaki po, Ma'am e," sabi nito. Lalaki? Don't tell me na nandito si Jeso?
"Sige susunod ako sa baba. Pakiready na rin ang breakfast namin," utos ko rito.
Kaagad na nilisan ni Manang ang kwarto ko at mabilisan kong inayos ang kwarto. Nakakahiya naman kasi na matanda na ako pero hindi ako marunong maglinis ng sarili kong kwarto. Mahihiya na lang din dahil napapagod ang mga kasambahay.
Matapos kong linisin ang kwarto ko. Napahinto ako sa nakita ko.
Nababaliw na ba siya? "Good morning!" he greeted with a sunshine smile. "What are you doing here?" mataray kong tanong dito. "Hindi pa ba halata? Sinusundo ka! Cheska, iwasan mo na ang droga. Nalululong ka na," sabi nito saka tumawa nang malakas.
Nakasuot pa ako ng kulay pink na pajama at kulay blue na pang-itaas. Hala! Naalala ko nga pala na hindi ako nakasuot ng bra.
Kaagad kong tinakpan ang aking harapan saka tumakbo paitaas papuntang kwarto. Narinig ko pa ang hagikgik nito kaya mas lalo ako nahiya.
Ano ba kasing iniisip niya? Bakit kailangan niya pang pumunta sa bahay para sunduin ako? Hindi ko naman siya boyfriend ah!
Naligo ako nang hindi man lang inisip kung mabo-bored ba siya sa sala dahil walang makakausap pero wala naman sa akin iyon. Bahala siya dyan. Ginusto niya 'yan e.
"Ang sexy ko pala. Bakit kaya ang bipolar ko? Bakit nagagalit ako sa mga nakikipag-commit tapos galit ako sa certain people sa Wattpad? Naaasar na ako sa sarili ko," sabi ko sa sarili habang pinaglalaruan ang buhok ko na bumubula
habang nakatingin sa salamin. "Balik na nga ako sa pagligo ko." Matapos ang ilang minuto, natapos din ako sa wakas sa pagligo. Dumiretso ako sa kabinet kung saan nakalagay ang mga pang-alis ko. Hindi naman maselan ang school namin dahil private kaya ayos lang kahit hindi nakasuot ng uniform.
Pinili ko ang pantalon ko na kulay navy blue saka hanging blouse na kulay peach. I loved my outfit of the day.
Matapos akong makapag-ayos ng sarili, bumaba kaagad ako and I was shocked noong nakita kong nakaupo pa rin si Prile sa sala. Nakapikit ito at nakapalumbaba. Pinagmasdan ko siya at napansin ko ang matangos nitong ilong, makinis na mukha, mukhang malambot na balat at bilugang mukha.
"Hoy! Ang tibay naman ng mukha mo para pumunta rito para lang matulog," sabi ko rito na may mataas na tono. Sa totoo lang naaawa rin naman ako kahit papaano. Bakit kaya siya nandito?
Nagising siya at ngumiti ng para bang wala man lang nangyari.
"Ang tagal mo kasi e," ani Prile. "Kasalanan ko pa talaga?" sarkastiko kong tanong dito. "No, it's not your fault. It's my fault," seryoso nitong sabi. Tinalikuran ko na siya para hindi na humaba pa ang usapan at niyaya ko na rin siyang kumain ng umagahan. Tinignan ko ang orasang nakasabit sa taas ng dingding malapit sa glass door papuntang garden namin.
"Bakit ba ganyan ang suot mo? Napakaiksi," puna ni Prile sa damit ko. Yes, it is. Anong pakialam niya?
"Anong problema mo sa suot ko? Hindi naman kita boyfriend at wala akong balak," inis na sabi ko rito.
"Habaan mo ang suot mo dahil hindi lang boyfriend ang gusto ko. Kung susuotin mo ang singsing na ito at sasama ka sa simbahan, sinisigurado kong wala nang ligaw-ligaw pa," seryoso nitong sabi.
"In your dreams, nerdy!" sabi ko rito saka inismiran. "Bawal na bang magbiro sa mundo?" tanong nito. So, nag-assume akong seryoso siya? Iniinis talaga ako ng bwisit na ito, e.
"Tapos na akong kumain. Nakakawalang-gana. Tila ang kulay ng pagkain ay nawawala nang dahil sa'yo!" sigaw ko rito. Bwisit na lalaking ito.
The usual me is to commute to different vehicles. Ayokong sumakay sa kotse ng mga magulang ko. Nang makalabas kami ng bahay, kaagad akong pumara ng taxi.
Ilang oras ang pagitan bago niya basagin ang katahimikan sa loob ng taxi.
"Pwede kong totohanin ang sinabi kong kahit peke lang para iwasan na nila ako ay gagawin ko para sa'yo, Cheska," ani Prile.
He is Prile and he knows how to joke. "Wala akong paki sa iniisip mo. Basta ako wala na akong paki kung anuman ang tumatakbo sa kulay pink mong utak." Sa ilang minuto lamang ay nakarating na rin kami sa school.
Matapos kong bayaran ang taxi driver, dire-diretso na akong naglakad sa kalsada para makapasok na at mahiwalay na sa walang hiyang lalaking ito.
Mabilis kong iniwan si Prile kaya naman wala nang umaaligid sa akin. Nasalubong ko rin si Jeso kaya naman yumuko na lang ako.
"Umiwas ka sa nerd na iyan. Akala mo matino pero may bahong itinatago," bulong nito sa akin. Kunot-noo ko siyang hinarap. Paano niya nalaman ang tungkol kay Prile? Is he stalking me?
"What do you mean?" tanong ko rito na para bang nagtataka. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sinasabi niya.
"I still love you and the only thing to show it is to be concerned and be guarded with your actions– any action that you are doing," mahina pero sapat na para maintindihan ko ito. Sa tingin ko'y sapat na rin iyon para mamula ako.
"I don't understand. Why are you acting like you don't have a girlfriend?" apila ko rito. Ayoko ng gulo kaya naman lilinawin ko na.
"Yes, I have. But you are staying in my brain at natatakot akong baka mula sa isipan ko'y mahulog ka sa akin." Indeed, my world stopped for a moment.
BINABASA MO ANG
Cheska's Note [COMPLETED]
ChickLitPublished by WWG Publishing (2019) Published by TDP Publishing (2021) 02/04/2018 05/31/2018 pencoloredman©2018