C H A P T E R 16

144 32 4
                                    

"CHESKA!" Rinig kong tawag sa pangalan ko.

Noong una ay hindi ako naniniwalang ako ang tinatawag kaya naman hindi ako bumangon pero bigla ko na lang naramdaman at marinig ang malakas na kabog ng pintuan sa aking kwarto.

"Sino po ba iyan?" tanong ko rito.

Tinignan ko ang alarm clock ko at nanlaki ang mata ko nang makita na alas dos pa lang ng umaga.

"Bakit yata ang aga ni Manang Selia na manggising?" tanong ko sa aking sarili.

Umupo ako at binuksan ang lampshade  na nasa bandang kanan ng headboard ng aking kama saka inayos ang magulo kong buhok. Ni isang hibla nito ay hindi nakawala sa mga kamay ko.

Habang nakaupo, kaagad akong yumuko para tignan ang slipper ko sa ilalim ng kama at hindi naman ako nabigo. Hinila ko ito palabas at saka umayos ng upo. Isinuot ko ang blue slipper ko at ramdam ko ang lamig na dahil sa lamig ng aircon. Tumayo ako para pagbuksan si Manang Selia at namg pihitin at buksan ko ito iba ang mukha na sumalubong sa akin.

"Mommy?" gulat kong puna. Matingkad na kulay pulang labi, pusod na ipit ng buhok at kulay puting dress ang napuna ko rito.

"Hello. Kaya kita ginising dahil tumawag sa akin si Mareng Ali," mahinahong turan nito.

"Kailan pa kayo dumating? Bakit daw po?" Sunud-sunod kong tanong rito.

"Kanina lang ako dumating and your Tita Ali called me and himingi ng favor na pumunta ka raw sa hospital."

Tita Ali is Jeso's mother. Isa siyang professional doctor sa naturang hospital sa city namin pero ang ipinagtataka ko. Bakit kailangan kong pumunta ng hospital gayong wala namang sinabi ang isa pang doctor na pumunta ako at may check up ako?

"Bakit daw po?" I asked mom.

"Wala namang sinabi. Ang sabi lang niya papuntahin ka. Ewan ko ba. Kung pupunta ka, sasabihan ko na si Mang Ernesto para maihatid at masundo ka." My mom said.

Tumango ako bilang sagot. Napapaisip pa rin ako kung bakit ako kailangan ni Tita Ali sa hospital.

Nag-ayos na ako ng sarili. Sinuot ko ang white dress na binigay ni Mommy way back one year ago at ang black sandals na binili ko gamit ang ipon ko.

Nag-pusod ako saka naglagay ng light pink lipstick para maging buhay ang labi ko.

Nang masatisfied na ako sa itsura ko, lumabas na ako sa kwarto at maingat na bumaba ng hagdanan.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at namg mabuksan ito ay tuluyan na akong lumabas. Naghihintay si Mang Ernesto sa labas ng garahe kaya naman kinawayan ko ito.

Nang makalapit na sa kanya ay bumati pa ako sa kanya. "Good morning, Mang Ernesto!"

Ngumiti si Mang Ernesto saka niya ako pinagbuksan nang pintuan ng sasakyan.

"Saan po ba tayo Ma'am Cheska?" Tanong ni Mang Ernesto habang inaatras ang sasakyang pinagamit ni Mommy.

"Sa James Memorial Hospital po tayo," sagot ko rito.

Tumango ito at namg makalabas ng gate ay dirediretso na kaming umandar.

"Anong gagawin niyo roon Ma'am?" Takang tanong nito.

Cheska's Note  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon