C H A P T E R 10

152 34 5
                                    

"Cheska?" rinig kong tawag sa pangalan ko mula sa labas. Wala ngayon sila Mommy at Daddy dahil may meeting pa raw. Kakagising ko lang kaya medyo masakit sa ulo.

"Pasok," utos ko.

Nakita ko ang maamong mukha ng lalaking sinaktan ko a few months ago.

"J-jeso? Anong ginagawa mo rito?" I asked.

"Nabalitaan ko ang nangyari so I decided to go here," he diligently said.

"Gabi na. Sana umuwi ka na lang," sabi ko rito ng mahinahon.

"Ayoko namang maiwang mag-isa rito ang mahal ko," sabi nito na nagpahinto ng mundo ko.

He looked at me directly into my eyes. Ang mata niya ay nagsasabing "nag-aaalala ako".

Jeso's eyes is pure brown. Ang matangos na ilong at ang manipis na labi ay siya namang bumagay sa kanyang mapangang mukha at makinis.

"Wait, Cheska," sabi nito. Bigla siyang lumabas ng kwarto na ikinakunot ng noo ko.

Anong mayroon? Iiwan niya rin pala ako. Sana hindi na lang siya pumunta rito.

Ilang minuto lamang ay pumasok ang nurse. Titignan niya lang naman ang vital status ko pero nagulat ako nang kinukuha ng nurse ang gamot ko at saka pumasok si Jeso ng may dala-dalang wheel chair. Anong nangyayari?

Nakaramdam siguro si Jeso kaya nagsalita siya.

"Dadalhin kita sa garden, sa likod ng hospital na ito," sabi nito. Ngumiti siya kaya naman ngumiti na rin ako.

Habang inaayos ng nurse ang mga apparatus na nakakabit sa akin, tinignan ko si Jeso na seryosong seryoso na tinitignan ang ginagawa ng nurse.

"Okay na po Sir," sabi ng nurse kay Jeso. Nairita naman ako dahil may malagkit na tingin ang nurse kay Jeso kaya umubo ako para maputol ang tingin ng nurse.

Habang tulak-tulak niya ako rito sa hallway papuntang garden, naisip kong kapag siguro nandito ang mga pinsan ko ay mas mapapadali itong recovery ko. Iyong tipong magsasaya kami sa garden, balcony. Dining area and also to my room kaso nasa ibang bansa kaya malungkot.

"Cheska, kung liligawan kaya kita, e may pag-asa pa?" tanong ni Jeso. Binasag niya ang katahimikan namin habang naglalakad.

May pag-asa pa ba si Jeso?
-
"Cheska, look at the moon," sabi nito. "Bilog na bilog 'di ba? Ang tawag diyaan ay full moon."

"Alam ko," mahinang sagot ko rito pero alam kong narinig niya dahil tinignan niya ako.

Kasalukuyan kaming nasa garden dito sa likod ng hospital. Malawak ang nasabing hardin. May iba't ibang klase ng bulaklak dito.

"You're like my own moon, Cheska, in my own world. This cruel world turn into better one because of you. Cheska, give me another chance and you will meet the heaven," sabi ni Jeso.

"But after what happened to you. You're like my roller coaster. You will up and at the same time you will down but there are times to be consistent."

Nanatili akong tahimik sa lagay ko.

"Cheska, kapag nalaman kung sino ang gumawa ng kagaguhang ito sinisigurado ko na hindi ako sasanto ng demonyo," seryosong sabi nito.

"Nasaan ka noong panahong kinidnap ako?" walang kaemosyon-emosyon kong tanong kay Jeso.

"Sa lugar kung saan niyo ako iniwan," sagot nito.

"Sagutin mo ang tanong ko!" Bulyaw ko rito.

Galit na galit ako. Nakikita ko ang buhok niya sa buhok ng lalaking iyon. Nakikita ko ang katawan niya sa katawan ng lalaking iyon.

"Kung saan niyo ako iniwan ni Prile noong sinabi mong kakain kayo sa labas na hindi ko alam kung bakit dahil may cafeteria at canteen naman sa atin." mahabang paliwanag ni Jeso sa akin.

Kutob ko na siya ang kumidnap sa akin at nang rape sa akin. Malakas ang kutob ko.

"Cheska, hindi ko gagawin ang bagay na alam kong ikasasama ko at mo," sabi nito sa mababang boses.

Humangin ng malakas at anoy na anou ang halimuyak ng mga bulakbulak na siya rin ang nagpapakalma sa akin pero paano ako kakalma kung nasa harapan ko mismo ang rapist?

"Hindi ako naniniwala." matigas kong sagot.

"Hmm. Excuse me?" singit naman ng baritonong boses.

"Yes, Doc?" puna naman ni Jeso mula sa likod nito.

"Nasaan ang mga magulang mo Cheska?" tanong ng doctor sa akin. Nakatingin siya sa akin mula sa mata hanggang sa aking mata.

"Wala po. Nasa business meeting sila ngayon," sagot ko rito.

"Bakit po Doc?" takang tanong ni Jeso.

"Nakitaan po kasi ng internal bleeding si Miss Cheska according to her laboratory test. Based on what I saw, dulot ito ng panggagahasa sa iyo. Now, mas makakatulong ang bagay na ito sa paghahanap ng suspect." mahabang litanya ni Doc.

"Ito. Kuhanan niyo ng sperm cells dahil siya naman talaga ang nang rape sa akin," sabi ko sa doktor na ikinalaki naman nito ng mata.

I know I'm being harsh right now pero ayun ang nakikita ko.

"Miss Cheska, are you sure? Wait for a second." Doctor Liam said based on his name plate sa bandang kaliwa nitong dibdib.

"Hello, Mrs. Arlton? Mukhang naalala na po ni Miss Cheska ang suspect sa kidnapping at rape case sa kanya," sabi ni Doc Liam mula sa telepono nito.

"Yes, Mrs. Arlton. I will call the police to investigate him."

"Bakit ako, Cheska? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Paliwanag ni Jeso sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko.

"Paano mong malalaman, e naka drugs ka! Dinamay mo pa ako sa pagkaadik mo!" galit na galit kong sigaw sa kanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Cheska. I swear." Nagmamakaawa nitong turan.

"Ibalik mo na ako sa kwarto ko," utos ko rito.

"Cheska, please." Pagmamakaawa nito.

"Kapag sinabi kong ibalik mo na ako sa kwarto ko, ibalik mo na ako dahil hindi ako natutuwa at hindi mo ako madadala sa pagmamakaawa mo!" Bulyaw ko rito.

Anong inaakala niya? Magpapadala ako sa awa niya? Gusto niyang hindi ako maniwalang siya ang gumahasa sa akin? Lumabas lang ang laboratory report na siya ang rapist, ako ang hindi sasanto ng tao.

Hindi niya ako sinunod kaya si Doc Liam na ang inutusan kong ibalik ako sa kwarto ko. Kailangan kong magpahinga dahil sinisigurado kong magpa-positive na sa kanya ang semen na nasa internal bleeding ko.

Hindi ko talaga siya mapapatawad kung nagkataon.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating kami sa tapat ng kwarto ko at nang buksan namin ito nakita ko ang mga police na kanina lang ay narito rin.

"Good evening, Miss Cheska. I hope na makakakuha na kami ng malinaw na detalye mula sa'yo," sabi ng police.

Ano ang sasabihin ko? Sasabihin kong kutob ko lang ang lahat? Na hula ko lang naman talaga iyon? Na hinala? Na sinisisi ko lang si Jeso dahil malaki ang galit ko sa kanya o ano? Hindi ko na alam!

Umayos ka Cheska! Sabihin mo ang kutob mo dahil siguradong siya iyan!

Cheska's Note  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon