"CHESKA! Anong pangalan ni baby mo?" tanong ni Kriezl.
A week ago, when Prile raped me.
"Uy si papa Je nandyaan oh!"
Kasalukuyan kaming nasa garden sa bahay namin. Nasa swing kami ni Kriezl nang dumating si Jeso.
Nakagraduate na rin ako at hindi nawala ang pagiging Valedictorian sa Kirt Erlton University sa strand na Arts and Designs na kinuha ko. Lumipat na rin kami ng mansyon makalipas ang pagtatapos ko noong ika-8 ng Abril. Nakapagdebut na rin ako ng April 24. Walang sino man ang may alam sa bahay na nilipatan namin bukod sa kaibigan kong si Jane na naiwan sa Senior High School dahil mas piniling magpabagsak makasama lang ang boyfriend niyang walang ibang ginawa kun'di ang makipagbasag-ulo na hindi man lang inisip na may college pa siyang aasikasuhin.
Pero matapos malaman ni Jeso ang tinitirahan namin, ipinagpatuloy niya ang panliligaw sa akin. Minessage niya rin ako sa social media kaya nalaman niya ang exact location namin.
Naging writer din ako sa notebook at nilipat ito sa blog ko. Nakalahad dito ang kung paano ba mapapatawad ng isang tao ang isa pang tao.
"Cheska, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni Jeso.
Mas naging matipuno si Jeso matapos ang school year namin sa Kirt Erlton University. Naging katuwang ito nang tinayong sariling kompanya. Napapatanong ako kung ano ba ang itinayo nilang kompanya pero likas na matigas ang ulo niya kaya ganyan siya.
Naupo siya sa tabi ko sa swing at umalis naman si Kriezl.
"Anong balita sa'yo Jeso? May girlfriend ka na ba?" tanong ko na siyang bumasag sa katahimikan.
"Ayos lang. Batang tumayong CEO sa kompanya ni Daddy. Wala pa akong girlfriend dahil sa hinihintay ka na tanggapin akong muli. Ikaw ba ano nang balita sa'yo at sa ipinagbubuntis mo?"
Napaawang ang bibig ko nang marinig ang mga nasabi niya. Ako? Hinihintay na tanggapin siyang muli matapos ang nangyari sa akin ganyan niya pa rin akong tratuhin.
"Mag-iisang buwan na siya bukas. Masaya naman ako na nasa bagong mansyon. Paano mo nga pala nalaman ang mansyon na tinutuluyan ko?"
"Sinabi ni Jane," sagot nito.
"Jeso, pwede ba akong magpasama sa'yo sa Rehabilitation Center?" tanong ko rito.
"Bakit ka pupunta sa Rehabilitation center?" balik na tanong naman sa akin nito.
"Gusto kong dalawin si Prile after what happened to him. I want to tell him that I already forgive him." Turan ko rito.
Nagkatitigan kaming dalawa. Namumugto ang kanyang mga mata tulad ng dati noong kami pa. Sa t'wing magkatitigan kami ay ganyan ang mga mata niya na tila nakikiusap.
Pinuntahan namin si Prile sa Rehabilitation Center kung saan siya dinistino. Matured na ang mukha nito na parang pinabayaan niya na ang sarili sa loob ng Rehabilitation.
"Prile?" Tawag ko sa pangalan niya.
Lumingon siya at ngumiti sa akin.
"Binisita mo pa pala ako at nagsama ka pa ng isa. Anong kailangan niyo? Sasampalin mo ako Cheska?" Dirediretso nitong sabi.
"No. Gusto ko lang sabihin na namiss kita at pinatawad na kita," sabi ko rito saka siya sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. Namiss ko ang kakulitan ni Prile.
"Buntis ako at ikaw ang ama. Hindi naman natin 'to ginusto pero nandito na siya. Ang gusto ko lang ay makilala mo ang magiging anak natin Prile." Mahabang litanya ko rito. Kusang nahulog ang malinaw na tubig mula sa aking mga mata na siya namang punas ko.
Tinignan lang ako ni Prile at saka niya sinabi ang katagang nagpanganga sa akin.
"Sorry, Cheska. Ipinapangako ko na pagkalabas ko rito after 3 days, babalikan kita at papanagutan ko kayong dalawa ng magiging anak natin. Gusto kong buo tayo kahit na alam kong may kasalanan pa rin ako sa'yo. Kailangan kong pagsisihan iyon and at the same time, sa tabi mo o niyo ko gagawin ang bagay na iyon." Prile said.
Niyakap ko siya lalo nang mahigpit at saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko at hinarap ako. Harap-harapan ni Jeso, niyakap ako ni Prile na hindi naman ako umapila o tumanggi bagkus ay binalik ko rin ang yakap na binigay nito.
Makakalabas na siya after 3 days which means magkakasama na kami. Maayos na yata ang kalagayan niya kaya siya makakalabas na.
Hinawakan ko ang kamay niya at saka kami pumasok sa loob ng Rehabilitation at iniwan si Jeso sa labas.
Ang lahat ay pinagtitinginan kami. Bakit nga pala namin iniwan si Jeso sa labas?
"Prile, si Jeso naiwan sa labas," sabi ko rito.
"Hayaan mo muna siya, Cheska. Hindi naman siya mahalaga sa usapan nating dalawa 'di ba?" Nakangising turan ni Prile.
Nilakad namin ang mahabang hall hanggang sa makarating kami sa dulo nito. Nang marating ang hall na puno ng litrato ng mga hindi kilalang tao.
"Bakit yata ang aga mong makakalaya?" Baling kong tanong rito.
Lumiko kami pakaliwa at naglakad muli. Laking gulat ko nang hawakan niya ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya at wala itong emosyon. Seryoso lang siyang naglalakad.
Panandaliang tumigil ang pagtibok ng puso ko. An eighteen years old na nabuntis ng eighteen years old na dahil sa galit sa isang grupong aking kasapi. Isang pangyayari ang hindi nakasulat sa aking palad na bigla na lang lumitaw ng para bang isang mahika. Now, the man who made those scenario is the man who hold my hands and feel me like I'm safe in every step of us.
Until now, I ask myself if I'm perfectly fool to a man who made this cruel world for me. Bakit siya ba ang tinitibok ngayon ng puso ko? I broke my thoughts. Sinira ko lahat ng sinabi ko. Ang akala ko hindi ako isa sa mga kabataang magpapatalo sa bugso ng damdamin para lang sirain ang pangarap pero ito ako. I'm pregnant.
"Dahil handa akong pagbayaran sa batas ang mga kasalanan ko," maikling sagot na nagpatigil sa akin. Ilang weeks pa lang ang nakalilipas pero ganito na siya kung mag-isip.
"Nasaan nga pala ang salamin mo?" Puna ko rito. Noong magkakilala kasi kami may makapal siyang salamin kaya akala ko talaga matino siya.
Huminto siya at humarap sa isang pintuan. "Room 24?"
Pinhit niya ang door knob at unti-unting binuksan. Nagulat ako nang may makita akong isang litrato.
"Saan mo nakuha iyan?" Tanong kong muli kahit hindi niya pa nasasagot ang una kong tanong. Napansin kong tahimik siya kanina pa.
"Ito ang mga araw na masaya pa tayong dalawa. I really thought na magiging maayos ang lahat. I really thought na baka mawala ang galit ko sa'yo. I really thought you deserve to be hurt but no. All I thought is perfectly okay but no. Una pa lang kitang makita, the time suddenly stop for a mean while. Sabi ko sa sarili ko na ito ba ang babaeng sasaktan ko and the anger embrace me again. Cheska, I'm very sorry to what happened last time. I regret all of this." Mahabang litanya nito saka umupo sa kamang pinaglalagyan ng mga litrato naming dalawa noon.
BINABASA MO ANG
Cheska's Note [COMPLETED]
ChickLitPublished by WWG Publishing (2019) Published by TDP Publishing (2021) 02/04/2018 05/31/2018 pencoloredman©2018