chapter 3~deja vu

31 2 0
                                    

Pumasok na kami ng room namin. Pag pasok namin, Wow Hotel ba talaga to? Ang laki ng kuwarto parang isang first floor ng malaking bahay ang laki.

Inayos ko na ang gamit ko para makaligo na rin ako. Nakalimutan ko na hindi pa pala ako naliligo dahil nag mamadali kami kanina.

"Haerim maliligo muna ako" sigaw ko sa loob ng c.r
"bilisan mo lang maghihilamos rin kami ni Minji"

Yes, matagal talaga ako maligo. Napagalitan na rin ako niyan ni Haerim nung college palang kami dahil matagal ako nun sa c.r.
.................
1 year ago

"YEOJOO!!!!! GISING NA!!!! MALALATE NA TAYO!!!!"
"Ugh ang aga pa!!! Bakit ginigising mo na ako???"
"Alas 6:00 na 7:30 ang pasok natin!!! Mag-aalmusal ka pa! Maliligo ka pa!"
"uuuggghhh"
"bumangon ka na!!!"
Sabi niya sa akin habang pinapalo niya pwet ko.
"ugghh aabsent nalang ako sabihan mo si prof na may sakit ako"
"di puwede finals na natin ngayon di ka puwede mag absent"
HUUUUUHHHHH FINALS PALA NAMIN NGAYON!!!!!
"oo na babangon na"
Minadali ko na ang pagbangon ko at diretso sa cabinet ko para kumuha ng damit.

Hayst di talaga ako puwede sumagot sa kanya dahil mas matanda siya ng 5 months sa akin. July siya November ako eh. Hayst talaga.

Mag thithirty minutes na ako sa loob ng c.r.
"matagal ka pa ba? Mag thithirty minutes ka na diyan ha?"
"sandali lang malapit na"
Sigaw ko sa loob

Malamig kasi ang tubig kaya hindi ako makabuhos ng tubig. Sira yung heater kaya di rin ako makainit ng tubig na pang ligo.

Binuhos ko yung tubig at napasigaw ako
"AAAHHHHH LAMIG!!!!!"
"Bilisan mo na!!!!! Wag ka nang sumigaw pa"

Buhusan ko kaya to si Haerim ng tubig paglabas ko. Ang lamig kaya parang linagay to freezer na tubig.
Di ko parin mabuhos yung pangalawang tabo ng tubig dahil malamig talaga.
"Yeojoo!!!!! Ano ba ang tagal mo!!!!"
"Teka lang palabas na!"
Sigaw ko sa kanya eh ang totoo hindi pa nga ako nakakalagay ng shampoo at hindi pa ako nakaka sabon.

Tapos na ako maligo at lumabas na ako ng c.r at nakita ko si Haerim nakaupo sa sala nanonood ng t.v . May naisip ako na kalokohan kay Haerim.
Iniwan kong nakabukas ang ilaw sa c.r at nakasara ang pinto. Buti nalang at malakas ang t.v namin at hindi ako narinig ni Haerim lumabas ng c.r

Tumakbo ako papuntang kuwarto ko at nagbihis ako ng madali at nagpatuyo na rin ng buhok. Habang sinusuot ko ang sapatos ko narinig ko si Haerim sumisigaw sa labas
"Yeojoo!!! Matagal ka pa ba? Iiwanan na kita!"
Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ako ng kuwarto.
"Sinong sinisigawan mo diyan?"
"Huh? Sinong nasa loob?"
Hinawakan niya ang door knob at inikot ito at binuksan niya ang pinto. Pagtingin niya sa loob wala na palang tao.
"Pasensya na ang lamig kaya ng tubig"
"UGH! tara na nga"
Hahahaha sa tingin ko galit na sa akin si Haerim
.............
"WOW HA! ang bilis mo na ha!" gulat na gulat sa akin si Haerim dahil first time niya ako nakita na ganito ka bilis maligo
"OF COURSE THIS IS JAPAN NOT PHILIPPINES!"
"so dapat pala dito nalang tayo tumira ha?" grabe naman to si Haerim
"di biro lang medyo mainit kasi yung tubig eh"
"ahhh kaya pala"

Like I said matagal ako maligo pag malamig ang tubig.

Tapos na kaming lahat maghilamos at maligo at dumiretso na kami sa labas ng hotel at naghanap ng taxi.
"Haerim diba may binigay sayo na card yung taxi driver ng sinakyan natin kanina na taxi kanina?" tanong ni Minji kay Haerim
"ay teka lang"

Kinuha ni Haerim yung card na bigay sa kanya ng driver kanina.
Nakalagay sa card Pangalan ng driver at no. niya

A/N hindi na po ako maglalagay ng name at number kasi wala po akong maisip at hindi ko po alam ang postcode ng Japan 😂

Dinial ito ni Haerim sa phone niya na nagamit niya na nung unang pumunta siya dito sa Japan. Ang weird nga na may load pa to.
...........
"sige po salamat kuya" sabi ni Haerim at binaba na ang phone niya
"anong sabi?" tanong ko kay Haerim
"on the way na daw" reply niya
"hay salamat"

5 minutes later dumating na yung taxi
"Kuya sa Hoshi Park po" sabi ni Haerim habang umuupo sa tabi ng driver's seat
"Sige tara na"

Habang papunta dun, ang dami naming nakita na cherry blossom sa daan. Binuksan ko ang bintana para maamoy ang amoy ng cherry blossom.
Wow ibang iba ang tunay na amoy ng cherry blossom kesa sa mga sabon na pang laba

6 minutes later at nakarating na rin kami sa amusement park.
"Salamat po ulit kuya"
"sige you're welcome"
Nag-"goodbye" ulit kami kay kuya

Nagbayad na kami ng entrance tickets. Pagkatapos ay dumiretso ng kami papasok.
"So anong gusto niyong unang sakyan?" tanong ko sa kanila
"rollercoaster?" tanong ni Haerim
"tara?"
"TARA!" Tumakbo kaming tatlo papuntang rollercoaster.

Sumakay na nga kami ng rollercoaster. Ang taas buti nalang at wala akong acrophobia.

"Piling ko masusuka na ako" sabi ni Haerim
"dapat kasi hindi ka muna kumain bago sumakay" sermon ni Minji kay Haerim
"tara c.r muna tayo"

Habang papunta dun may naka-bunggo ako na lalaki.
"Miss are you OK?"
"Uhm yes sir"
....... Wait teka lang.......
Deja vu? NAPANAGINIPAN KO NA TO!!!!! OMG TOTOO BA TO?
"Here let me help you"
Inaccept ko yung kamay niya at tiningnan ang mukha niya. OMG SIYA NGA YUNG NASA PANAGINIP KO!!!!
"Thank you sir"
"Yeojoo!" napasigaw ako ng walang dahilan piling ko kasi tatanungin niya ako ng pangalang ko tulad nung sa panaginip ko
"What?"
"Oh Uhm my name is Yeojoo"
"Yeojoo huh? Beautiful name like you"
Nagbublush na ba ako? Ugh I feel weird today.
"what's your name btw?"
Finally malalaman ko na pangalan niya
"Oh uhm My name is Hoseok"
Inabot niya ang kamay niya sa akin para mag handshake
"I'm Korean btw"
"Wow nice to meet you Hoseok"
"Hahahaha nice to meet you too Yeojoo. I gotta go now bye I'll see you soon"
"bye"

To be continued....

Amusement Park Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon