Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto. Bahala na kung paano ako makakauwi galing dito, ang gusto ko lang ay makaalis sa bahay na ito. Gustung-gusto ko ng umalis at pakiramdam ko parang bibigay na talaga ang puso ko sa sobrang sakit.
Hindi na ako lumingon sa kwarto niya. Ayoko ng makita ang mukha niya o marinig ang ano mang sabihin niya ngayon.
Nakarinig ako ng mga pagkalampag sa may loob ng pasara na ako ng pinto.
Kung ano man ang ginagawa niya ngayon wala akong pakialam. Wala na talaga akong pakialam.
*Blagg!*
Napahawak ako ng mahigpit sa knob ng pinto sa gulat dahil sa lakas ng narinig kong kalampag na galing sa may kwarto niya na kinaalarma ko.
‘You don’t care anymore. Umalis ka na!’ paulit ulit na sigaw ng utak ko sa akin. Pero meroon pa rin parte sa akin na hindi ko maalis na mag-aalala. Kahit na gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit labag sa dinidikta ng utak ko naglakad ako papunta sa kwarto niya at sumilip.
Oh God!!!
I saw him lying on the floor and he appeared to be in terrible pain. He was in fetal position and he was gripping his head.
“T-tim!”
…………….
“Margaret.”
Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at tinignan ko siyang mabuti. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya nakatingin lang ako sa kanya.
“Margaret.” Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa balikat ko.
“S-si T-ti-m.” Halos hindi ko mabigkas ang pangalan niya dahil sa nararamdaman ko ngayon.
“N-nasaan siya ngayon?”
Tinuro ko ang pintuan sa tapat ng kinauupuan ko. Wala na akong lakas para magsalita. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pero ang mas nangingibabaw sa akin ngayon ay takot. Takot kung anong nangyari sa taong pinakamamahal ko, oo mahal ko pa din siya kahit pa anong sinabi o ginawa niya. Maalis ko ba agad siya sa sistema ko? Hindi naman diba? At ngayon nga natatakot ako, natatakot ako kung anong nangyari sa kanya, natatakot ako sa nakakabaliw na ideya sa utak ko na maaring mawala siya kahit alam kong hindi naman siya talaga para sa akin.
“Margaret.” Umupo siya sa may tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya.
Sinubukan ko siyang ngitian pero hindi ko magawa. Nahihirapan na akong gawin ang simpleng gesture na iyon.
Matagal din kaming nakaupo doon. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko na alam kong pinapakalma ako. Hindi kami nag-uusap ng kung ano. Tahimik lang kami pareho at ang tanging naririnig lang namin ay ang pabalik balik na yabag ng tao dito sa hospital na ito.
BINABASA MO ANG
Old and Unwanted
General Fiction(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held and loved. I am pathetic. Do I hear the clock's ticking? Please I know that this will be the last love ride but could you please wait for m...