“Okay ka na?”
Tumango nalang ako pero bigla na naman bumagsak ang luha ko.
“Meg…” kinuha niya ang kaliwang kamay ko at nilaro-laro niya ito.
“S-sorry,” naiinis na talaga ako sa sarili ko sa pag-iyak ko ng kusa at hindi ko na mapigilan.
“What do you want me to do to him? Sabihin mo lang gagawin ko.”
Mas lalo lang akong napaiyak sa sinabi ni Kurt. Wala akong sinasabi kay Kurt kung anong nangyari pero nararamdaman kong alam na niya. Pero kahit na may ideya na siya wala man lang siyang sinabing masama sa akin bagkus ay inalo pa niya ako. Ang sama-sama ko talagang tao. Hindi lang isa ang sinaktan ko kundi dalawa na.
‘Okay…okay… wala akong gagawin masama sa kanya. Tahan na.”
Hindi ko alam kung nagbibiro siya pero nakangiti siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Hindi ko tuloy mapigilan makonsensya lalo.
“May naisip ako,” sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya at walang masabi. Halata ko sa mata niya na may ideya siya.
Pinaandar niya ang kotse at maya maya pa ay tumigil kami. Sa isang perya.
“Anong gagawin natin dito?” nag-aalinlangan tanong ko sa kanya pagkalabas na pagkalabas ko ng kotse.
“Tignan natin ang pwede nating gawin,” sabi niya sa akin sabay kindat.
Tumingin lang ako sa kanya ng matagal. Mas gugustuhin ko na lang sana umuwi kesa pumunta kung saan saan.
“Halika na,” inabot niya sa akin ang kamay niya at pinakita niya sa akin ang 1000 watts na ngiti niya.
Nag-aalinlangan pa ako ng una pero ibinigay ko na rin ang kamay ko sa kanya na sa huli at hinawakan niya ito ng mahigpit.
Tumingin-tingin siya sa paligid pagpasok na pagpasok namin sa perya na para bang litong-lito siya kung saan kami unang pupunta. Wala na ako sa mood gumawa ng ibang bagay pero nahihiya pa rin ako kay Kurt na hindi pumayag sa gusto niya. Hindi na nga kami natuloy mag-dinner sa restaurant pati ba naman dito sisirain ko pa ang hiling niya.
“Tara!” Lumingon sa akin si Kurt at ngumiti. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang inaakay niya ko. Alam kong galing pa sa ospital si Kurt at pagod siya pero hindi ko man lang siya kinakitaan ng kapaguran. Masigla pa nga siya ngayon.
“Carousel?” tanong ko sa kanya at nag-aalinlangan ako. Mukhang hindi na appropriate sa edad namin ang sumakay sa ride na yon.
“Yep, pumila ka na dyan, bibili lang akong mais.” Iniwan na ako ni Kurt na nakapila sa mahabang linya ng carousel na puro bata.
“Kurt!” protesta ko pa sa pag-iwan niya.
“Babalik ako, saglit lang,” lumingon siya sabay kindat pa sa akin. Napailing nalang ako dahil ayaw kong magpaiwan.
BINABASA MO ANG
Old and Unwanted
General Fiction(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held and loved. I am pathetic. Do I hear the clock's ticking? Please I know that this will be the last love ride but could you please wait for m...