Sweet Threat?

13K 233 43
                                    

Naiinis na ako. Sino ba naman kasing nagsama sakin dito sa conference na ito pero ngayon ay loner na ako dahil iniwan na niya ako.

Kanina lang nakikita ko pa siyang nakikipagflirt sa iba’t ibang babaeng ewan ko kung sino sila. Ganun na lang ba siya kapag nakalabas ng hospital? Bawat babaeng mapatingin sa kanya hindi na matanggal ang mata sa kanya at parang gusto siyang sunggaban?

Pagpasok na pagpasok namin dito sa conference hall parang mga hyena lang na nag-stalk sa prey ang mga itsura ng mga kababaihan. To think conference ‘to ng mga Doctors tapos ganun? Grabe ang magnet nitong Si Dr. Aquino.

Ako lang ata ang babaeng hindi naattract sa Doctor na to. Yes, I am so over himWala ng infatuation. Wala ng crush. Wala ng hidden desire. Nawala nalang bigla. For one week and five days ko siyang nakatrabaho tapos lage lang akong sinisigawan, niloloko at minamaliit! Grabe minamaliit niya ako sa tangkad kong to! Kahit nga siguro gaano kagwapo ang isang tao darating talaga ang time na wala na tong epekto sayo. Ekis na siya sa mga possible maging boyfriend ko. Burado na siya sa list na magiging fiancé ko. Non-existent na siya na siya sa buhay ko. Wala na. And it’s better this way. Boss and employee relationship no infatuation included.

Mauubos na tong pagkain ko dito sa mesa. Gusto ko ng umuwi. Paano ako uuwi kung wala siya? Late na para magbyahe.

“What’s with the long face? Hindi mo gusto ang pagkain?” napalingon nalang ako kung sino ang nagsalita and I was met with a pair of beautiful slanted eyes.

“Is this seat taken? Hey!" Narinig ko siyang magsalita pero hindi ako makapagsalita. Parang naadik akong tumitig kasi sa mga mata niya.

“Wa-wala pong nakaupo dyan.” sabi ko with a small smile.

“Mind if I sit here? Wala naman magagalit?” Nagulat naman ako sa kanya. Napatingin ulit ako lalo sa mata niya na lalong sumingkit dahil nakangiti.

“Sige lang po. For public use po ang upuan. Wala naman pong nagalit sakin nun umupo ako dito.”

Tumawa siya at lalo siyang nawalan ng mata. Anung problema niya? Pero nakakamesmerize panoorin ang pagtawa niya. Tapos ang nipis nipis pa at ang pula-pula ng labi niya. Napapatingin ako ng di sadya. Namumula pa ang pisngi niya. 

“You’re good! I like you.”

Anu daw? Like? Teka naman mabilis naman magkaaminan dito? Teka, pero we just met?

“S-sorry po pero… pero… masyado po kasi kayong…. hindi ko po matatanggap ang confession niyo.” Nakakahiya naman i-reject siya agad pero kase ang bilis niya eh. Hindi ako ganung tipong babae. Naman!

“You’re so funny!” tawa ng tawa ang lalakeng intsik sa tabi ko. Hawak hawak niya ang tyan niya sa kakatawa. Nababaliw na ba to?

“Hala. Hindi naman po ako clown. Niloloko naman niyo ako eh.” Grabe ang mga tao dito sa conference na to. Ang mga babae parang hyena tong lalake naman na to tawa ng tawa.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon