Love is intricately complicated

8.7K 177 68
                                    

“Bakit siya andito?” Ngumiti nalang ako kahit nasaktan ako sa sinabi ni Tim pagkakitang-pagkakita sa akin.

“Tim, tim, tim,” sabi ni Donna na umiiling habang papalapit ito kay Tim at yumakap. Hindi gumalaw si Tim sa kinatatayuan niya sa may pinto ng bahay nila Donna at nakatingin lang siya sa akin na para bang ako ang taong pinakaayaw niyang makita sa buong mundo.

“Kuya Nat, andito na si Daddy Tim dali at baka umalis to,” sigaw ni Donna.

“Daddy!” bungad ni Nat ilang segundo lang pagtawag ni Donna.  Ngiting ngiti ito at sabay yakap sa binti Tim. Muntikan na ngang matumba si Tim dahil sa lakas ng pwersa ni Nat.

Ngumiti si Tim kay Nat at ginulo ang buhok nito. Napangiti ako. Ngayon ko na lang kasi siyang nakitang ngumiti ulit. Pero natigilan akong ngumiti ng tumingin na naman siya sa akin na para bang walang ka-emo-emosyon.

“Daddy Tim, halika na dali!” hila pa ni Nat sa kamay ni Tim. Bakas ko sa mukha ni Tim na ayaw niyang tuluyang pumasok sa loob ng bahay dahil andito ako.

“Pe-”

“Miss na kita Daddy! Di ba sabi mo sakin tuturuan mo akong buksan tummy ng frog. May frog na ako!” Nagtatalon si Nat habang hila hila ang kamay ni Tim.

“Sinabi ko ba yon?” nakangiting tanong ni Tim kay Nat.

“Opo! Dali na Daddy madami akong frogs na nahuli buksan natin silang lahat.”

Nakita kong nanlaki ang mata ni Donna sa sinabi ng anak.

“Hoy Daddy Tim! Huwag mo naman gawin mamatay palaka ang anak ko.”

“Nanay, hindi po, di ba po doctor si Daddy Tim? Kaya turuan niya akong tahiin tummy ng frogs pagkatapos ko po makita un heart niya pati bituka niya tapos gamit ni Daddy yon healing powers. Diba Daddy Tim?”

I heard him chuckle from what the intelligent boy said.

Pinandilatan ni Donna ng mata si Tim samantalang nagkibit balikat lang si Tim kay Donna. Tuluyan na ngang nahila si Tim sa napaka-eager na bata.

Tumingin lang ako sa kanila habang lumabas na sila sa likod ng bahay.

“Okay ka lang?”tanong ni Donna. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Okay lang, Donna. Masaya ako at okay siya. Masaya ako at nakita ko ulit siya.” Napatungo nalang ako dahil sa huling sinabi ko.

“Sorry, Meg. Hayaan mo pagsasabihan ko yan si Tim.”

“Huwag na, Donna. Okay lang. Alam ko naman eh. Atsaka kasalanan ko din naman kung hindi ako sana pumunta dito di sana-“

“Ay tumigil ka nga dyan, Meg. We invited you both because both of you are our friends. Kahit saglit lang tayo nagkakilala Meg, alam kong magiging close tayo. FC ako eh. Haha!”

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon