“Tita, ayaw akong papasukin ni Meg sa kwarto.”
Tumingin lang ako sa tapat ng pintuan ko. Sinabi ko na kasi sa text na ayoko ng kausap at ayoko ng pupunta siya sa bahay tapos ngayon ay manggugulo.
“Meg, buksan mo tong pintuan andito si Nelly.”
Nakakainis talaga si Nelly pati ba naman si Mama. Bahala na pero hindi ko bubuksan ang pintuan. Nagtalukbong pa ako ng kumot ko at binaon ko ang sarili sa mga unan. Ang kulit lang talaga ng mga tao kapag ayaw mong magpa-abala.
“Bunso, dali na buksan mo na to. Bumili ako ng favorite mong curry puff sa Old Changkee tsaka meroon din ako 2 liters ng coke. Dali na buksan mo na to.”
Napailing na lang ako sa sinabi ni Kuya Ares. Ano palagay niya sa akin bata para masuholan? Pero natatakam nga ako sa curry puff ng Old Changkee tapos may 2 litro pa ng coke? Pero hindi, hindi ako magpapatalo sa tyan ko.
Tumahimik na lang ako at di umimik sa kanila. Napakakukulit kasi.Pumikit nalang ako at naghintay na dalawin ulit ng antok. Ganito na rin naman ang routine ko matapos ang gabi ng magpaalam si Kurt. Hindi na niya ako tinetext o tinatawagan matapos noon. Nakakalungkot dahil pati ang pagkakaibigan namin ay nawala. Matapos rin ng huling pagkikita namin niTim na masaya na kay Eeza. Wala na akong narinig na balita sa kanya o mas tamang sabihin hindi na rin naman ako nakibalita. Masakit lang kasing isipin na ang taong mahal ko pa rin hanggang ngayon ay masaya na sa iba. Wala naman akong magawa dahil ako rin naman ang may kasalanan tapos nakasakit pa ako ng ibang tao.
Wala akong ganang lumabas kaya nagkulong nalang ako sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag nagugutom na at kahit na lumalabas ako di ako nakikipag-usap kina Mama at Papa pati na rin sa kasama namin sa bahay. Dalawang linggo ko na rin ginagawa to. Wala rin naman akong trabaho dahil tinanggihan ko ang offer ng isang school dahil for immediate employment. Ayoko muna makihalubilo sa ibang tao sa ngayon. Gusto ko lang mag-isa, hindi magsalita at manahimik.
Wala na rin akong narinig mula sa labas. Salamat naman.Pagbigyan na lang muna nila ako. Gusto ko lang mapag-isa.
“Meg!!! Ano bang balak mo sa buhay mo magkulong nalang dito habambuhay?!” nagulat nalang ako at napaupo sa kama ko.
Nakita ko sila sa loob ng kwarto. Binuksan nila ang pintuan ko. Hawak-hawak pa ni Mama ang susi. Hay!
Nagtalukbong nalang ulit ako ng kumot at hinawakan ko itong mabuti hanggang ulo ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari. At right on cue, may humila ng kumot ko at inaalis ang pagkakahawak ko. Nanlaban pa ako ng una pero wala na rin akong nagawa. Nanalo na silang lahat.
“Meg, you look horrible,” inirapan ko nalang si Nelly sa sinabi niya.
Nakatingin lang ako sa kanila ng matalim. Nakakainis. Hindi ka man lang bigyan ng pagkakataon sa sarili mo.
“Bunso ano bang nangyayari sayo?” aaktong lalapit pa sa akin si Kuya pero pinangunahan ko na siya. Binato ko siya ng unan ko.
BINABASA MO ANG
Old and Unwanted
Fiksi Umum(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held and loved. I am pathetic. Do I hear the clock's ticking? Please I know that this will be the last love ride but could you please wait for m...