Her ending, His ending, Their ending (1)

10.3K 210 144
                                    

Her ending...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Lumipad ang utak ko sa mga imahe na tatandang dalaga ko, tatandang mag-isa, tatandang malungkot samantalang si Tim ay tatandang kasama ang asawa at anak niya na masaya siya at ako ay miserable.

Nahilo ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Nahilo ako at umiikot ang paningin ko.  Tumingin ako sa kabuan ng kwarto, sa pintuan, sa mga upuan at sa mesa pero parang hindi sila pumipirmi sa isang lugar at buhay silang gumagalaw. Napasulyap ako sa lalakeng kasama ko at siya lamang ang hindi gumagalaw. Itinuon ko ang mga mata ko sa kanya pero sa pagtuon kong iyon ibang mukha ang nakita ko. Si Tim ang nakita ko. Si Tim! Nasaan na ang lalake kanina? Anong ginagawa ni Tim dito? Sinubukan kong lumapit sa kanya ngunit unti unting lumalabo ang paningin ko. Nagsasalita si Tim pero hindi ko siya marinig. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero hindi ako makaalis sa kinalalagyan ko. Gusto kong isigaw ang pangalan niya pero wala akong boses. Gusto ko siyang pigilan, gusto ko siyang mahawakan pero sa bawat subok ko nawawala siya at unti-unting naglaho ng imahe ni Tim kasabay ng pagtahimik ng paligid ko. Dumilim ang paligid ko kahit na gusto ko pang imulat ang mata ko at hanapin siya. Hindi ko na kaya.

“Tim…Tim…Tim!!!”

Napamulat ulit ako. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Tim pero nanlaki ang mga mata ko at nakita ko na lamang ang sarili kong nakahiga sa kama na hindi pamilyar sa akin. Dahan dahan kong binangon ang ulo ko at sa tamang segundo sumakit ang ulo ko. Hangover.

Anong nangyari? Pamilyar ito, pamilyar. Ganito rin ang nangyari kanina. Teka, ano bang nangyari kanina? Panaginip ba lahat ng iyon? Panaginip lang? Kung panaginip iyon ibig sabihin hindi totoo lahat ng nalaman ko kay Tim? Hindi totoong ikinasal na siya? Hindi totoong may kasama akong lalake ngayon at may nangyari sa amin?

Napatingin nalang ako sa bewang ko kung may kamay na nakayakap sa akin.

“Oh God!” gaya ng panaginip ko kanina lang may nakayakap nga sa may bewang ko na kamay.

“Oh God…” napatakip nalang ako ng mukha ko sa kung maaring sinong katabi ko ngayon.

Naramdaman ko ang pag-galaw ng katawan sa may likuran ko at lalo niyang pang idinantay ang kamay niya sa akin.

Napakalakas ng pagtibok ng puso ko sa pag-iisip kung sino ba ang katabi ko. Unti-unti akong lumingon para tignan ang kamay na nakahawak sa akin sabay lunok ng lunok ng laway ko. Oh no, please, please…tumingin ako paitaas sa braso ng nakayakap sa akin na tila payat, paakyat pa akong tumingin hanggang balikat at…

“N-nelly?!” gulat kong sabi ng makita ko ang kabuan ng may-ari ng kamay na nakadantay sa akin. Si Nelly!

Mabilis akong humarap kay Nelly na di alintana ang sakit ng ulo ko at niyakap ko ang kaibigan ko. Thank God si Nelly ang katabi ko. Napakasaya ko at si Nelly ang katabi ko.

“Ares…Ares…ano ba tumigil ka na nga diyan. Tama na…” napangiti naman ako at mukhang nanaginip ang kaibigan ko tungkol kay Kuya.

Niyakap ko pa siya ng mahigpit. Salamat! Hindi ko mapaliwanag ang galak sa dibdib ko dahil si Nelly ang katabi ko at hindi si Archie. Si Archie! Teka, sa pagkakatanda ko may nakausap talaga akong Archie. Pero wala na akong maalalang matino tungkol sa pag-uusap namin.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon