Indecisiveness and the Connection

9.9K 179 39
                                    

Tuesday afternoon. Tapos na ang lahat ng patient ni Dr. Aquino at ako na lang mag-isa ang naiwan sa clinic. Inayos ko ang lahat ng kailangan ayusin para makapunta ako ng maaga sa event ni Tita. Buti nalang wala masyadong pasyente kasi kung hindi maiiwan ko ang trabaho ko na hindi pa natatapos.

   

Nilapag ko sa may table ang tickets at tinitigan. Tatlo nga lang ‘di ko pa nabenta. Naisip ko na rin ipagbenta sa Kuya at Papa ko pero parang napaka-awkward naman kapag nagdate kami at isa pa nagagawa na rin naman namin iyon na hindi na kailangan ng malaking pera.

  

“Margaret!” Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko ng bumukas ang pinto ng clinic, unlike ng singkit na mata niya na lalong sumingkit dahil nakangiti siya.

“Dr. Lee! Kamusta na po? Ano pong ginagawa niyo dito?” nagulat nalang ako ng tuluyan siyang pumasok sa clinic ni Dr. Aquino. Buti nalang wala na si Dr. Aquino. Maaga siyang umalis dahil may procedure siya ngayon with Mrs. Campos.

“Hindi ba pwedeng pumunta sa clinic ng employer mo? Binibisita ka.” Umupo siya sa harapan ng mesa ko.

“Ah, wala po kayong clinic, ngayon?”

“Wala, may inaasikaso kasi akong bagong clinic,” sabi niya na nakafull smile. Ang ganda ng ngipin niya.

“Oh, saan pong hospital? Malapit lang dito?” Mukhang kilala si Dr. Lee na doctor dahil sa marami siyang clinic.

“Ito na ang clinic ko.”

  

“D-dito po, Doc?”

“Oo, mukhang hindi ka masaya?” sabi niya with distraught look.

“H-hindi po sa ganoon naguguluhan po ako. K-kasi sa Ob-Gyne section po ito, ‘di ba Cardiologist kayo? Tsaka po ‘yon mga apparatus po dito. Alam niyo na.”

“Bahala na kaming mag-ayos sa weekend. Nasabi na ‘to ng board sa pagkakaalam ko. You’re not informed?”

  

“Hindi po. Paano po ang oras niyo at ang araw?” Interesante ang pangyayari ngayon. Walang nabanggit sa akin si Dr. Aquino.

“Pag-uusapan pa pero madali lang ‘yon kasi ang clinic hours naman ni Dr. Aquino ay alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali lang, maraming bakanteng oras sa hapon, ‘di ba?”

Sabagay, pero kasi kalimitan maraming procedures sa hapon ginagawa at bumabalik siya sa clinic. Atsaka Mondays to Fridays ang clinic ni Dr. Aquino hindi kagaya ng sa Dad niya. Paano kaya ‘yon?

“Nagpunta ako dito kasi gusto kitang tanungin. Buti nalang naabutan kita.” He said to me with a glint of hope in his eyes. “Do you want to be my secretary? Kung hindi naman hassle sa schedule mo dito. I really need an intelligent and trustworthy secretary and I think you’re the right person for the job.”

“Seriously, Doc?”

Nangalumbaba lang siya sa tapat ko and he was eyeing me intently.

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon