Brianna Louise Salvacion's Point of View (POV)
*Kriingg Kriiingg Kriinngg*
Kinapa ko yung tumutunog na yun, which is hula ko ay yung pesteng alarm clock... natutulog yung tao eh... pero since alam kong di titigil yan eh bumangon na ko. Pag bangon ko, nakita ko na sa sofa yung susuotin ko. Naligo na ako then wear my clothes.. Next, hinarap ko yung human sized mirror then put a light make-up.. light lang! maganda parin naman ako kahit light lang..
By the way, I'm Brianna Louise Salvacion. 17 years old. Half American, Half Korean.. nagtataka kayo kung bakit ako marunong mag-tagalog? Well, tumira kasi ako dati sa pilipinas.. that was when i'm around 7 years old yata.. I lived there for 5 years.. Kung nagtatanong kayo kung nasaan ako ngayon... Well, nasa kwarto pa ko nga-aayos... chos! nasa america ako noh!.. pero dahil tapos na ako mag-prepare bumaba na ako then pumunta sa dining... nasabi ko na ba sa inyo na 3rd floor tong bahay namin? kung bakit ang parents ko ang isa sa mga pinakamayaman sa asia.. then ang daddy ko naman hmmm... mafia leader...
Yes, I'm the only daughter ng leader ng mafia na pinakamalakas sa asia... only daughter pero may 2 sons pa sila.. which is my brothers...
As I was saying, pumunta na ko sa dining kung saan nakita ko ang aking whole family na kumakain, while talking..
"Hi Mom.." sabi ko while kissing my mom's cheeks..
"Hi Dad.." sabi ko naman while kissing dad's cheeks...
"Kuya Nathan.." sabi ko at tumango naman si kuya nathan..
"Kuya Ryan..." sabi ko ulit... at tumango naman ulit si kuya ryan..
Seriously, something's weird..
"Any problem? Mind to share?" - sabi ko kasi pakiramdam ko talaga meron eh...
"Princess... We are sending you back to the Philippines.." -sabi ni dad
"Po?" sabi ko naman..
"Princess, I hope you understand.. America's not safe for you anymore.. " -sabi naman ni mom
"Why mom!?" -protesta ko.. kung bakit ayaw ko dun ay dahil binully lang naman ako dati doon for 5 freaking years! pero dahil sa nangyaring yun, tinrain ako ni dad kung pano lumaban kaya malakas na ko ngayon..
"Brianna, your dad's enemies are aiming for the people who are important to your dad.." - sabi ni mom..
Naiintindihan ko naman yung point ni mom.. ayoko lang talaga sa philippines..
"I can fight them! what's the point of teaching me self defence, right?"-protesta ko naman.. Aba! di tama yun noh!
"Brianna, you are still our only princess.. We already prepared for it but ayon sa theory namin ni dad, ikaw ang unang pupunteryahin ng mga yun!" -sabi naman ni kuya Ryan while Kuya Nathan's still eating quietly..
Wala paki-alam si Kuya Nathan sa pagiging Mafia Leader ni Dad kasi una palang tutol na sya dun..
"Dad! you are still the Mafia Leader! You are the leader of the strongest mafia group in asia! Why are you being scared?" - sabi ko..
"Brianna!! I just wanted you to be safe! Whether you like it or not, pupunta ka sa Pilipinas! dun mo na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral mo.. No more worries dahil sa school na pag-mamayari ng Kuya Nathan mo, dun ka mag-aaral"-sabi ni dad.. and believe me, he was scary...
Si Kuya Nathan kasi sa pilipinas nag-sstay at dun nagtayo ng bussiness which is yung school..Salvacion University to be exact.
Si Kuya Ryan naman sa Korea nag-sstay.. sya yung nagtayo ng Salvacion Clothing Line which is gumagawa sila ng mga damit.. and ang model? ako and kuya Nathan..