Chapter 7

42 6 0
                                    

Benjamin’s POV

Sh*t much. Ang. Sexy. Ni. Hypnot-eyes. ‘Dun. Sa. Two. Piece.

Tss. Kainis, kailan kaya niya ako magugustuhan? Para mapag-trip-an ko na siya. Tagal naman eh. =___=

Kinabukasan ay dinala na namin ‘yung mga bag namin papunta ‘dun sa bundok na sinasabi nila na pupuntahan namin, medyo mahirap akyatin kasi puro putik at puno, mahirap makita kung saan dapat pumunta.

Mga 30 minutes na rin siguro kaming naglalakad, “Nakakapagod naman” nakabusangot na sabi ni David na tagatak na ang pawis.

“Tss, ‘di ka lang kasi sanay sa lakaran” sabi ni Hypnot-eyes.

Mga 5 pm ay naabot na namin ang pinaka camping site ‘dun sa burol na gubat na ewan. XD

Inayos na namin ‘yung dalawang tent, seperate ‘yung girls at boys syempre, balak kasi naming mag-overnight ‘dun, tutal naman daw, isang linggo kaming nandito sa Tagaytay.

Medyo madilim na ang kalangitan at medyo kumukulog na rin, napansin ko ang hindi maaliwalas na itsura ni Hypnot-eyes.

Takot ba siya sa kulog? Lumapit ako sa kanya, syempre, as expected, tinignan niya ako nang masama at ngumiti lang naman ako sa kanya, at walang paalam na inakbayan ko siya at mas pinalapit sa’kin.

Kinuha ko ‘yung headphone ko at isinuot ko sa kanya, tapos kinuha ko ‘yung Iphone ko na nasa bulsa ng jacket ko at pli-nay ko ‘yung isang kanta.

Naguguluhan pa rin siya sa ginawa ko at masama pa rin ang tingin sa’kin, pinindot ko ‘yung app na Notes at nag-type, Takot ka pa ba?

For the first time in fre*kin’ forever, nginitian niya ako, hindi ‘yung pilit o sarcastic, ‘yung talagang totoong ngiti niya.

Umiling naman siya, ngumiti ako at nag-type uli ‘dun sa Notes, Buti naman. :)

“Pero kung pwede, pakitanggal po ‘yung akbay, feeling close ka talaga ‘no?” pagtataray niya, I let out a soft chuckle. “Iba ka talaga” sabi ko at umusog ng konti palayo.

Tinanggal niya ‘yung headphone, “Ano daw?” tanong niya, umiling lang ako at ngumiti, “Nothing” sagot ko.

Lumapit ako kay David at tumulong sa pag-iihaw ng barbecue, ‘yun ang kakainin namin mamaya.

“’Asan sila Karra?” tanong ko kay David, he just shrugged at me, “Wala eh, M.U ‘yung dalawang ‘yun eh” sabi nito.

Mga 30 minutes ang nakalipas ay bigla na lang umulan nang malakas at kumikidlat pa nga, patakbo na ring bumabalik sina Karra at Bryan, “Pumasok ka na muna sa tent” sabi ko kay David, tumango lang ito.

Tinignan ko kung saan nakaupo kanina si Hypnot-eyes. SH*T! ‘Asan na siya?! Bakit wala siya ‘dun?!

Tumingin ako sa paligid, wala talaga siya! Ano ba ‘yung babaeng ‘yon! Saan ba siya sumusuot-suot?! Sh*t!

“DAVID! NAWAWALA SI SERENA!” sigaw ko habang tumatakbo palayo para hanapin si Hypnot-eyes.

Basang-basa na ako ng ulan, “SERENA!! SERENA!! ‘ASAN KA NA BA?!!” sigaw ko habang tumatakbo sa ilalim ng ulan..

‘Asan na ba siya?

David’s POV

Halos madapa ako nang lumabas ako kaagad ng tent ‘nung narinig ko ‘yung sinabi ni TAB. Nawawala si Serena? Eh diba kanina lang nakikinig pa siya ng music? Siomai naman o!

Tumakbo rin ako sa loob ng gubat para hanapin si Serena, ang lakas ng ulan at sobrang lamig rin ng ihip ng hangin.

“Serena!! Serena sumagot ka!!” sigaw ko habang lumilingon-lingon, pinagpatuloy ko ang lakad-takbo ko na paghahanap sa kanya.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon