Chapter 3

63 6 0
                                    

Benjamin’s POV

Bwahahaha, nainis ko nanaman siya. Yes! :D

Buti na lang talaga nasagip ko siya kanina, hindi naman bagong kulo ‘yung tubig pero mainit pa rin kaya masakit pa rin sa balat, kasi kung talagang bagong kulo ‘yun kanina pa ako hindi nakakapagsalita at baka hindi ko rin maisip na inisin si Hypnot-eyes.

Buti na lang narinig ko na nag-uusap ‘yung mga teacher na pinaakyat daw nito si Hypnot-eyes para ilagay ang mga meter stick sa gym, ewan ko kung bakit pero nakaramdam agad ako ng kaba nang marinig ko ang sinabi ng teacher kaya tumakbo agad ako.

Nakakairita rin talaga ‘yung may fanclub ka, ‘yung inosenteng tao idadamay nila.. isipin ko lang ang mga ginawa nila kay Hypnot-eyes sobrang nagagalit na ako.. kasi kahit paano naman, siya ang source ng fun ko, kumbaga ‘pag siya ang kasama ko, there’s never a dull moment.

Teka nga, ano bang pinagsasabi ko? -.-

Nakalabas na kami ng school ni Hypnot-eyes nang biglang umulan, ANO BA ‘YAN! Kakapalit ko lang ng damit mababasa nanaman ulit?! Anong kalokohan ‘to?

At tsaka bakit ang lakas ng ulan? Eh maaraw kanina ah! Ano ‘to? Nananadya? Aba. Ang daming nangyayari ngayong araw na ‘to ha!

“Waah, ang lamiigg!” biglang sabi ni Hypnot-eyes, dahilan para tumingin ako sa kanya, o.o

Sh*t, hinubad ko ang polo ko, “H-Hoy! Anong g-ginagawa mo?!” gulat na sambit niya, ngumiti lang ako tapos inilagay ko sa balikat niya ang polo ko.

“Mabuti pa ipang-cover mo ‘yan” sabi ko, tapos tumingin siya sa hinaharap niya at agad na pinantakip ‘yung polong ibinigay ko tapos tumalikod siya sa’kin.

“J-Jerk! Bakit ‘di mo sinabi agad?!” naiinis na sabi niya habang nakatalikod, tumawa ako at pi-nat siya sa ulo, “Buti nga binigyan pa kita ng ipangtatakip eh” sabi ko naman.

Humarap siya sa’kin bigla at sinimangutan ako, “Ang yabang mo talaga kahit kailan no?” sabi niya, ngumisi ako, “Can’t help it” sabi ko naman.

Inismiran niya ako at tumalikod na uli, ‘dun ko lang napansin na bakat din pala sa likod ang strap ng kanyang bra, at mukhang may mga taong nakakapansin kaya mas lumapit ako sa kanya pero nakatalikod ako sa likod nito.

“A-Anong ginagawa mo, ha?! ‘Wag mong masubukang manghipo! Manyakis ka! Nakakainis ka rin! Waahh! Helpp! Rappee!!” sigaw nito, what the?

Humarap ako sa gawi nito at kinulong ito sa bisig ko, effective naman kasi nanahimik ito, “Shh, Hypnot-eyes, mas lumapit lang ako para takpan ‘yung strap ng bra mo na bumabakat na sa likod mo, unless gusto mong makita ng ibang lalaki diyan” bulong ko rito.

“You don’t need to do that..” sabi niya at pinilit makawala sa yakap ko, pinakawalan ko naman siya kaagad, pero sa totoo lang.. Alam mo ‘yung feeling na gusto mong magkadikit lang kayo? Ganun ‘yung naramdaman ko.. kaya parang biglang may kulang ‘nung pinakawalan ko na si Hypnot-eyes.

Paksh*t naman o, nagkaka-crush ba ako sa kanya? Seriously? ‘Wag naman sana, ayoko ng babaeng lagi kong kabangayan.

Oh really? my brain said sarcastically, napangiwi ako, problema ng utak ko? Baliw na ‘ata ako. -.-

Sa wakas naman dumating na ang driver ko, “He’s here” anunsiyo ko kay Hypnot-eyes, tumango ito at pumasok sa loob ng kotse, sumunod naman ako dito.

Nang makaupo ako, hindi ko sinasadyang mailapag ang kamay ko sa kamay nito, at parang biglang may kuryente akong naramdaman galing dito, dahilan para agad akong mapabitaw.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon