Chapter 4

69 6 0
                                    

Bryan’s POV

Nagulat ang lahat sa biglang isinigaw ni Benjamin.

Tinignan ko si Benjamin, seryoso nga siya!

Hm.. well, I guess it’s time para gawin ko uli ‘yung ginawa ko sa kanila ni Tiffany. Heh, it’s been a while, brother.

Katabi ko si Karra at imbes na magulat ay tumitili pa ito sa kilig.

“Ang ingay mo Karra, para kang biik na kinakatay diyan ah” pang-aasar ko sa kanya, inirapan niya ako at binatukan, “Hindi porque mahilig akong kumain eh biik na ako kaagad!” naiinis sa sabi niya.

Tinawanan ko ito, “Bakit? Sino bang nagsabi sa’yong sinasabi kong biik ka?” tanong ko, “IKAW!” sabi niya.

“Ay, oo nga pala!” tumatawang sabi ko naman.

Inirapan niya ako uli at ibinaling nang muli ang atensiyon kina Benjamin at Serena na ngayon ay nag-aaway. Or more like, inaaway ni Serena si Benjamin.

“Nakakainis ka talaga, hinayupak kang M&N ka!” nabasa ko mula sa bibig nito, “Binigyan lang kita ng pruweba” nakangising balik ni Benjamin.

Hm... parang feeling ko umaakto lang si Benjamin na seryoso.. kasi honestly? Sobrang nasaktan ang ego niya sa nakaraan niyang relasyon.

Kaya alam kong ayaw na niyang sumubok uling ipagkatiwala ang puso niya.

Heh, so it’s time for me to take action again, huh?

Well, let’s see where things go from here.

David’s POV

Wow. Si Benjamin may crush kay Serena? Si Serena, imposibleng magka-crush diyan kay Benjamin, kasi kulang pa ang salitang patayin sa gustong gawin ni Serena kay Benjamin.

Pero in the other hand, hindi mahirap magustuhan si Serena, kahit siguro hindi mo pa siya nakakasama ng matagal eh may mararamdaman ka na, honestly, it was her eyes. But later on, her personality.

Wala daw siyang friends dati, well, meron na, kami ng mga ka-tropa ko, maliban kay Kervin na for sure.. wala nanamang pakealam sa buong mundo, pero kahit wala siyang friends dati, hindi naman siya gaanong mahiyain.

She knows how to express herself, at straight-to-the-point siya, kung ayaw niya sa’yo, sasabihin niya, kung gusto ka niya, ipaparamdam niya.

She knows how to handle her problems, marami siyang problema regarding her family, kulang pa siguro ang salitang complicated para idefine ang problema niya.

At higit sa lahat, mabait siya at tapat, marunong siyang magsinungaling, pero gagawin niya ‘yun kung alam niyang makakabuti at kailangan talaga.

At sa maiksing oras na kasama ko siya, aaminin kong sa tingin ko, nagkakagusto na ako sa kanya.

‘Nung nandun kami sa rooftop ay naging masungit ako sa kanya, kasi ganun talaga ako kapag bagong-gising, ay mali, kapag nagising ng hindi oras. And normally, people would straight out just walk away or give me a piece of their mind, but not Serena.

She just didn’t mind what I said and just kept on doing what she wanted to do, she acts on herself because she knows she’s right.

And honestly, someone should tell her she’s so goddamn beautiful, well, I kind of told her that, in a song, I guess..

Ayyiiieee!! Pare si Serena lang pala ‘yung crush mo ha!!” sabi ng isang kaibigan ni Benjamin, “Surpresa lang” nakangising balik ng antipatikong babaero.

Ay. Tatawaging ko siyang TAB. Type AB, AB = Antipatikong Babaero. Wow. Naisip ko ‘yon! Ang galing ko! Palakpakan para hindi malugi! :D

“Buwiset ka talaga sa buhay kahit kailan M&N, nakakainis ka” mahinang sabi ni Serena kay Tab.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon