Chapter 1

161 8 0
                                    

Serena’s POV

“Anaakkk!! Gising na ‘uy!!!” narinig ko na sigaw ni mama mula sa baba, so no choice, gising gising din pag may time. -.-

Nagunat-unat na muna ako at tumingin sa alarm clock ko na hindi mo na siguro matuturing na alarm clock kasi hindi na naga-alarm.

5:30 am, 7 pa naman ang start ng school so I’m very, very safe.

I yawned, inaantok pa ako. -.-

“Anak! Baba na at nang makakain na tayo” sigaw uli ni mama mula sa baba, nagbuntong-hininga ako, okayyy~~ I’m coming down~ To the place where I belonngg~ LOLS. Corny much. XD

Bumaba na ako at pumunta sa dining room, umupo ako sa isang silya, “Goodmorning anak” nakangiting sabi ni mama nang humarap siya sa’kin at hawak-hawak ang isang plato na may hotdog, bacon, eggs at fried rice.

Masarap magluto si mama, as in pang-5 star quality, kasi dati raw ay si Lola Bernadita ay isang tanyag na chef, siguro raw ay namana nito ang cooking skills ni lola, at nagtatrabaho si mama bilang isang pastry chef, kaya kung gusto mong mag-birthday nang masaya, punta na! Advertiser ba?

“Goodmorning ma” nakangiti ring sagot ko, pagkaupo nito sa silya na kaharap ko, kumain na kami.

Maya-maya pa ay naligo na ako at nagbihis, saktong 6:30 nang matapos ako, kinuha ko na ang bag ko, “Bye maaa~~ I love chuuu~” sabi ko, “Bye anakkk” sabi ni mama, “Magsusulat ka ha!!” sabi uli nito at tumawa, nakitawa ako, parang ewan nanay ko, diyan ako nagmana eh.

Naglalakad lang ako papuntang school kasi ayokong gumastos.

Kung kaya mo naman kasing lakarin, b’at ka pa magbabayad ng pamasahe?

Eksaktong 6:50 ay nakarating na ako ng school at dumeretso na papunta sa classroom.

3rd year na ako ngayon, ‘nung 1st year ako hanggang 2nd year, lagi akong binubully, ang kaso, ‘di ko naman sila pinapansin kaya ‘ayun, tumigil din naman, kilala ko naman kasi ang sarili ko, kaya kung hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila, wala akong pake.

Hindi ako maganda, hindi rin naman panget, normal lang, average, lagpas balikat ang buhok, at hindi naman sobrang tangos ng ilong ko.

Ang nakaka-angat lang sa’kin ay ang mata ko, mahahaba ang mga pilik-mata ko kaya marami nang nagtanong kung pina-ayos ko ba ‘yun, ang lagi kong sagot, ‘Simula bata pa ako, ganyan na ang pilik-mata ko’

Kulay brown ang mga mata ko, as in brown talaga, hindi siya nagiging parang black, I have very expressive and serene eyes.

They’re my best asset, pero, sila din ang naging dahilan kung bakit ‘nung bata ako ay 5 years akong natakot dumilat, hindi ako makakadilat kung wala akong shades, bakit? Kasi may isang bata na tumitig sa’kin, bigla siyang umiyak, sinabi niya na para daw may mahika ang mga mata ko, nakaka-hypnotize daw, kaya natakot akong ipakita ang mga mata ko noon.

Well, that’s all in the past now, pumasok na ako sa classroom at hayun nanaman ang pagtitig nila sa’kin, ay, correction pen, correction tape, sa mga mata ko pala.

‘Nung 1st year ako syempre naiilang ako sa mga tingin na ipinupukaw nila sa’kin, pero ngayon, wapakels na lang, ano bang magagawa ko eh andyan na ‘yan? Alangan tanggalin ko pa eyeballs ko edi lalo lang silang titingin sa mga mata ko. XD

Dahil marami nang tao, wala nang bakanteng upuan, wow. Ayos ah, kawawa naman ako, late-arriver ‘yan tuloy, walang pwesto.

Napatingin ako sa may sulok, sa tabi ng bintana, wala namang tao ‘don, welps, fine, ‘dun na lang ako sa dulo.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon