Chapter 6

90 6 0
                                    

David’s POV

“Hey David! Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Hershey, ang ka-partner ko sa project.

Naramdaman ko na nakakuyom na pala ang mga kamay ko, dahan-dahan kong binuklat ang dalawa kong kamay, napatingin ako sa palad ko na may pulang marka na nagpapakita lang na napakahigpit ng pagkakakuyom ng kamay ko.

“’Uy!” sabi nanaman nito, “Uh.. w-wala” sagot ko na lamang.

“Hm.. okay, tayo na daw next sa kanila” sabi nito, isang tango na lamang ang iginanti ko rito at nanahimik na ito.

Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay dahil hinalikan ni TAB si Serena sa pisngi. =___=

Hindi ko akalaing seloso pala ako, kung sabagay, ‘yung mga dati kong nagustuhan na mga babae ay pawang mga crush lang.. ewan ko ba! Hindi ko ma-explain pero simula ‘nung una kong makita si Serena.. parang.. aysh! Ang bakla pakinggan pero parang.. love at first sight?

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko, SHET! I’m hopeless. =__=

Mamaya nga kakausapin ko si Kervin.. =___= Siya na lang ang kilala ko sa circle of friends ko na makakapag-bigay sa’kin ng advice. Alangang humingi ako ng payo ‘dun sa Bryan na ‘yon? Tsk.

Bigla kong naalala ang naganap na bakbakan scene namin nila Bryan at TAB. Sa totoo lang, ako ‘yung nagsimula ng away, at ang dahilan ko ay ang ginawa ni TAB kay Serena, pero ‘yung kay Bryan, nagalit lang ito dahil sa pagkasuntok ni TAB sa’kin.

Hindi ko naman kasi sinuntok si TAB.

Kaya ‘ayun, nagkaron na ng away, pero ang bagay na hindi ako sigurado ay kung totoo ba ang sinabi ni Bryan na nagjo-joke lang ito ‘nung sabihing may gusto ito kay Serena.

Pero malay ko ba, ang sabi niya sa’kin, meron daw, tapos syempre, babawiin niya ‘yung sinabi niya kay Serena, baka magka-ilangan eh.

Maya-maya ay tinawag na kami ni Miss Pristine para pumunta sa harapan at mag-perform na, at ‘yun na nga ang ginawa namin, mukhang kami ang last.

Nang matapos na kami at makabalik sa pwesto ay sinabi na ni Miss ang mga naging score namin, 98 sina TAB at Serena, 96 sina Karra at Bryan at kami naman ay 93.

Siguro medyo off ako? Wala eh, medyo distracted.

“Haayy! Sa wakass! Tapos na rin ang pagpunta ko sa bahay nila M&N!” sabi ni Serena habang naglalakad kami pabalik sa classroom, kasama namin sina Karra at Bryan.

Out of nowhere, lumapit sa’min si TAB at umakbay kay Serena. Tsk. =___=

Feeling close naman ‘tong lecheng ‘to! =___=

OO NA AKO NA NAGSESELOS! Pssh. Naakbayan ko na siya pero syempre, kapag nakita mong may ibang nakaakbay sa kanya, gusto mong sumapak. At ang pinakagusto mong sapakin ay ‘yung taong nakaakbay sa taong gusto mo. :)

Yes! napasigaw ko sa utak ko nang pilit na ikinalas ni Serena ang pagkakaakbay ni TAB. YAYYY!! :DD

“FC ka talaga ‘no?! ILANG BESES KO BANG UULIT-ULITIN SA’YO NA HINDI. TAYO. FRIENDS. AT KAHIT KAILANMAN, HINDING-HINDI TAYO MAGIGING FRIENDS!” sigaw ni Serena kay TAB habang nakaturo rito.

Tumawa naman nang mahina si TAB at kumuha ng ilang hibla ng buhok niya at hinalikan ‘yon.

“Paano tayong magiging friends eh mag-syota tayo?” pilyong tanong nito, inirapan siya ni Serena at sinabunutan.

“Anong ilusyon naman ‘yang nabuo mo sa utak mo, ha? Epic ka rin eh no?” sabi nito at nagpatiuna na sa lakad.

Hinabol ito ni Karra at yumakap sa braso nito, “Pare, ano ba kasing balak mo?” walang-pakundangang tanong ko.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon