Epilogue

77 6 0
                                    

‘Yung buhay ko.. na akala ko ay normal.. nagbago. Unti-unti siyang nagbago.. nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan, naging palaban na ako sa mga nagbu-bully sa’kin.. at higit sa lahat..

Sa wakas, naramdaman ko rin ang magmahal at ang masaktan, akala ko dati, ang da-drama ‘nung mga tao ‘pag umiiyak sila nang dahil sa love, nalaman ko na.. mas masakit pala ‘yung masaktan nang dahil sa love kesa sa kahit anong sugat na pwede mong matamo.

Benjamin Alvaro Soverano, my first love, my first boyfriend, and my first heartbreak. Siya ‘yung naging dahilan kung bakit unti-unting nagbago ang pananaw ko sa buhay, siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan.

Good things must come to an end, oo, nangyari sa’min ‘yun.. pero apparently, all good things must come to an end to give way for better things.

Hindi naman kasi lahat ng relasyon, laging steady high, laging masaya, darating at darating din ang maraming problema. Parte na ‘yan ng buhay eh, ang may dumating na pagsubok na kailangan mong malagpasan.

Sa naging relasyon namin ni Benjamin, maiksi man, naging masaya kami, pero talagang puppy love pa lang ‘yun eh. Iba pa rin talaga ang feeling kapag nahanap mo na ‘yung taong magiging kasama mo ng panghabang buhay.

At ‘yun na nga ang nangyari, nagpakasal kami ni David after 6 years, at ngayong 31 na ako, may tatlo na kaming anak. Ang kambal, sina Sky at Cloud na 4 years old na ngayon, at si Reina na 3 years old.

Tinatahak namin ngayon ang happily ever after namin, oo, nag-aaway kami, hindi madalas pero.. minsan, humahantong kami ‘dun sa matitinding away.

Pero, nalalagpasan namin ‘yun, kasi we have trust... and most importantly, we have true love.

“Mommy!!” sigaw ni Sky, “Bakit anak?” tanong ko, “Hinahanap ka na po ni daddy” sabi naman ni Cloud, “Mommy!!” sigaw naman ni Reina, “Yes anak?” natatawa na ako, haha. Nagmana sa’min ‘tong mga ‘to.

“Daddy said he loves you! ^o^” sabi niya sabay kiss sa’kin sa cheeks, tapos dumating na ang asawa ko, si David, “Nagsusulat ka nanaman sa diary mo? Wahahaha! 31 ka na diary pa rin?! Wahahahaha” sabi niya, tumayo ako at hinila ‘yung necktie niya, sabay pitik sa ilong niya ‘nung malapit na ‘yung mukha niya sa’kin, nagtawanan naman ‘yung mga bata.

“Hanggang ngayon makulit ka parin ha..” nakangising sabi ni David, “Sus. Parang hindi ka makulit ah” nakangisi ring sabi ko.

Well, Benjamin changed my life, kung hindi niya ako ininis? Baka hindi ko naging bestfriend si David..

Everything happens for a reason. Minsan, hindi natin maiintindihan, kasi nabubulag tayo, iniisip natin na may mas maganda pang dapat na nangyari, na dapat hindi naging ganito.. kaso kasi, alam Niya ang mas magandang mangyari sa buhay mo. Oo, masasaktan ka, pero that’s part of life. If you get hurt and you fall, you gotta pick yourself up, may mga times na binibigyan tayo ng choice, pero minsan, kung kailan alam na natin ang sagot, it’s too late. Because life is an endless cycle, take it or leave it, pero kung may mangyari mang ganun.. alalahanin mo lang,

Life goes on and everything happens for a reason.

-         Serena

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon