Chapter 14

38 6 0
                                    

Karra’s POV

SA WAKAS!! NAGKA-POV DIN!! WOOOHOOOO!! Dati feeling ko sideline lang ako dito eh, pero wooohooo!! May POV na ako!! Uma-asenso na ako sheet! ^o^

Oo na, alam ko, interesado kayo kay Serena, well, ako rin. Wahahaha! Siya naman talaga ik-kwento ko sa inyo eh. ^o^ Anyway, Monday na ngayon, bale nasa classroom kami.

“’Uy girrlll!! Tulaley ka nanaman diyan!” sabi ko habang tinatapik-tapik siya sa balikat, hala ka. Nabaliw na ng tuluyan ang bruha!

“Karraaaaaaaaa~ Nami-miss ko na si pangett!!!” sabi niya sabay pout, “Tss. Pero ‘pag ako ‘di mo nami-miss” kunwari’y nagtatampong sabi ko, bigla naman niya akong niyakap, “Drama mo! Hahaha! Nami-miss rin kita no! ‘Di lang halata. Wahahaha” sabi niya, kinotongan ko siya, “Cheer up girl, babalik din ‘yun” sabi ko sa kanya.

She sighed, “Hindi lang talaga ako sanay.. paano ba naman kasi.. everyday ko siyang nakikita, hanggang weekends! Tapos ngayon... haayyy! Ganto ba talaga ang love?” tanong niya sa’kin habang nakapa-ngalumbaba.

Dito ako sa upuan ni Benjamin umupo, time na rin namin ‘to para mag-bonding pa! Haha. ^o^

“Oo teh, ganyan talaga ‘yan, masanay-sanay ka na, kasi simula next week, magiging sikat na ‘yung boyfriend mo” sabi ko sa kanya, naiintindihan ko naman ‘yung naging desisyon niya na intindihin si Benjamin.. pero para sa’kin, dapat sinabi muna ni Benjamin kay Serena bago pa siya pumayag.. kasi kung tutuusin, magiging sikat siya eh, si Serena ang mahihirapan hindi naman siya. Kaya sana lang, ipaglaban siya ni Benjamin, sana maging maayos sila.. despite this. Kasi mahirap ‘yung may boyfriend na sikat.

Dumating na ‘yung teacher namin, pagkatapos ng lesson, breaktime na, syempre, bumaba na ang buong barkada sa canteen at deretso sa usual table namin, dahil wala si Benjamin, si David na muna ang katabi ni Serena.

Sa totoo lang, alam ko ‘yung nararamdaman ni David para kay Serena, naaalala niyo ‘nung tumawag si Serena kay ate LG? Malapit kasi siya ‘nun sa tent namin, at naririnig ko siya, umiiyak siya habang paminsan-minsa’y sinasabi ang pangalan ni Serena. Grabe talaga ‘tong Serebabes ko! Ang haba ng hair! Rejoice na nga, nag-Palmolive pa! Jusme!

“Babytabs, kapag ba ako naging model.. susuko ka na ba?” tanong ko sa kanya, wala lang, trip lang magtanong. Wahahaha!

“Susuko? Wahahaha. ‘Di ah, mas lalo nga akong gaganahan eh, nadagdagan nanaman ‘yung rason kung bakit kelangan kitang alagaan at protektahan, biruin mo? Sa dinami-rami ng lalaki diyan, ako napili mo? Basta ba ipaglaban mo rin ako diyan.. hirap kaya magkaron ng kasintahang sikat” sabi niya.

“Bwahahaha! Grabe babytabs, daming sinabi ha! Hahahaha. ‘Wag ka mag-alala, wala akong balak. ‘Kaw na lang, gusto mo?” nakangising tanong ko, tumawa si Bryan sabay gulo sa buhok ko, “Pwede, kung partners tayong dalawa” sabi niya sabay kindat sa’kin.

“Aayyyieee!! ANG LANDEEE!!” kantyaw ni Ren, walanghiyang buset talaga ‘to! Haha. Hanggang ngayon, iritado pa rin ako sa tatlong ‘yan, hindi ako galit, hindi ko sila hate, naiirita lang ako sa kakulitan nila.

“Shut up Ren, tss. Inggit ka lang eh!” sabi ko sabay beelllattt sa kanya, umirap lang siya, “Bwahaha! Tiklop ang bansot!” pang-aasar naman ni Rafael, natawa ang barkada sa sinabi niya, loko-lokong ‘to! Hahahaha.

Pagkatapos ng break, bumalik na kami sa classroom, by the way, kung nagtataka man kayo kung saan nagpunta sina Ate Mara ‘nung nawala sila, nag-date.. sa hotel. Oo, buset lang. Landi ‘nung dalawang ‘yun eh. May pagka-badboy naman kasi talaga ‘yung si Kervin eh, ‘di lang halata, tsaka tindi rin ‘nung mga mata niya eh.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon