Chapter 16

32 6 0
                                    

Benjamin’s POV

Napa-tungaga ako sa pwestong pinag-iwanan sa’kin ni baby— Serena. Fuck, pangalan pa lang niya sobrang hapdi na.. paano pa kaya ‘pag nakita ko pa siya? Pero grabe.. napaka-tanga kong tao..

Naging unfair ako sa kanya, there she was, understanding me, pero siya ba inintindi ko? There she was, waiting for me, pero ako, ang naiisip ko lang ay ang next project ko. There she was, hurting habang ako sobrang saya dahil natutupad na ang mga pangarap ko.

Ni hindi ko man lang ginawang ipaglaban siya.. tama nga naman siya.. dapat simula pa lang, ipinaglaban ko na siya, hindi ‘yung hahayaan ko na lang na husgahan siya ng mga tao.. ang sama kong boyfriend..

Umupo ako sa isang baitang ng hagdan, “Sorry Serena.. sa lahat.. sorry kung sa panahong dapat pinapaligaya kita.. ako pa ‘yung naging dahilan ng lahat ng paghihirap mo” sabi ko sa hangin..

My face still stinged, ang hapdi sobra ‘nung pagkakasampal niya, pero deserve ko ‘yun. I’m a big fucking jerk. She didn’t deserve any of this shit. She didn’t deserve someone like me.

Nasuntok ko ‘yung pader, nagkaron ng crack ‘yung pader, pero maliit lang, tinignan ko ‘yung kamao ko.. dumudugo na ‘yan sa lagay na ‘yan? Wala man lang akong maramdaman ni isang kirot.

Nagsilabasan ng room ‘yung mga kaklase ko, ‘yung pader kasi ng classroom ‘yung sinuntok ko, pero syempre, galing sa labas.

“Benjamin!” sigaw ng isang babae nang makita ang nagdudugo kong kamao, “Anong nangyari?” tanong pa niya, hindi ko masyadong maaninag ‘yung mukha niya kasi blurry na ang tingin ko nang dahil sa luha.

Pucha. First time ‘to, ‘yung umiiyak ako nang dahil sa babae, nang dahil kay Serena.. marami akong nabago sa sarili ko.

Naging gentleman ako, naniwala uli ako sa love, naging cheesy ako, nag-effort ako sa panliligaw at higit sa lahat, naging masaya ako kahit walang kahit anong related sa kama. Kasi dati, ‘nung kami pa ni Tiffany, hindi ako nakukumpleto kung walang sex.. pero nang dahil kay Serena.. kahit mawala na ‘yun ayos lang, kasi siya pa lang, kumpleto na ako..

Kaya ang sakit kasi ang laki ng parte ng pagkatao ko ang nawasak nang dahil sa pagkawala niya, pero there’s no one else to blame but me.

“It’s something” simpleng sagot ko, hindi ko pwedeng sabihing nothing kasi obviously, this is something soul-breaking.

“Benj, ‘asan ang bestfriend ko?” tanong ni Karra sa’kin, hearing her name gave another shot of pain on me.

“Hindi ko alam Karra.. break na kami..” sabi ko at lalo nang nag-racing ang mga leche kong luha.

“Naiintindihan ko siya Benjamin, kasi dapat talaga ipinaglaban mo siya.. hindi ‘yung siya kumakapit, ikaw mukhang bumibitaw na..” sabi niya tapos tinapik ako sa balikat, “Wala akong magagawa kung ‘yun ang naging desisyon niya, tanggapin na lang natin..” sabi niya tapos tumakbo na siya palayo.

“Kuya..” ‘yun lang ang nasabi ni Bryan nang makita niya ang kamao ko, nakakuyom pa rin ang mga kamay ko, “Kuya.. tama na..” sabi niya.

Tapos naramdaman kong lumapit sa’kin si David, sinuntok niya ako, pero hindi malakas, “Ang tanga mo.. pinakawalan mo ang isang tulad niya.. nagparaya na ako pero dahil sa nangyari ngayon.. sasaluhin ko na siya..” sabi niya, siguro sa ganitong pagkakataon.. dapat na akong magparaya.. kasi kahit mahal ko siya at mahal niya ako.. hindi na kami muling sasaya pa.

“Alagaan mo siya pare.. sana.. maging masaya kayong dalawa.. sana kayo ang magkatuluyan..” sabi ko, every word freaking hurt me.

“’Wag kang mag-alala pare.. gagawin ko ang mga bagay na hindi mo nagawa para sa kanya..” sabi niya.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon