Chapter 10

45 5 0
                                    

Serena’s POV

Haayy~ Umaga na uli! Haha. Ewan ko pero parang kinakabahan ako ngayon? Feeling ko may something na mangyayari? Haaysh. Siguro ka-OA-han ko lang ‘to. >__<

Nagising na ako automatically, haha! So yeah, mga saktong 6:30 tapos na ako, “Sige po ma! Alis na po ako” nakangiting pagpapaalam ko matapos ko siyang halikan sa pisngi.

“Bye anak, mag-iingat ka sa pagpasok ha” nakangiting sabi naman ni mama tapos lumabas na ako ng bahay.

‘Yung mukha ko from ^__^ naging :(

Ewan ko ba! >___< Na-disappoint lang ako kasi syempre, expected ko na nandito ‘yung lamborghini tsaka si Kuya PB tapos ‘yung mga rose petals.. kaso wala eh. :( Talaga bang joketime lang ang lahat? O baka talagang nagising na ako mula sa panaginip ko? Haay..

So ‘yon, ‘yung saya ko kanina ‘nung pag-gising ko ay nawala na ngayon, pumasok na ako sa school. Haysh. Nakaka-disappoint talaga. >__<

Maya-maya rin lang ay nakarating na rin ako sa school.

Ang daming estudyante sa may entrance ng school, bakit kaya? Ano kayang meron? O__o

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa marating ko na ‘yung entrance, tapos nakita ko na merong stage doon. O__O Dafads?

Tapos ‘yung likod ng stage puting pader, tapos maya-maya bigla na lang may mga nalalaglag na heart-shaped papers mula sa langit.

O__O

Tinignan ko ‘yung ibang malapit sa’kin na papel, “Karapatan ng bawat isang tao na hanapin ang taong makapagpapasaya sa kanya.. at para sa akin, nahanap ko na ‘yung taong ‘yon.. ikaw”

Handwriting ‘to ni M&N ah?! Don’t tell me lahat ng nalalaglag na heart na ‘yan eh siya lahat may sulat? O__o

“Alam mo? Minu-minuto nasa isip ko’y ikaw.. pero ang galing lang kasi feeling ko, kahit hanggang panaginip ko nakikita kita, hindi ako magsasawang titigan ka”

Waah. > / / / < Nakakakilig naman ito! >___< Pero malay ko ba kung talagang para sa’kin ‘to. =__=

Tapos biglang may video na nagplay nanaman, syempre may projector.

Alam mo bang hindi ako nahirapan sa pagsulat ng mga nalalaglag na heart na ‘yan? Kasi sinulat ko lang naman lahat ng nararamdaman ko para sa’yo, alam kong hindi mo mababasa ang lahat ng ‘yan.. pero gusto kong malaman mo na hindi pa ‘yan sapat para masabi ko sa’yo kung gaano kita kamahal” sabi ni M&N ‘dun sa video.

Oo, ako nagsulat nyang lahat, masakit sa kamay pero effort kung effort! Gusto kong iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal hime” and then he smiled ever so brightly.

Naramdaman ko na lang na namamasa na ‘yung mga pisngi ko..

Alam mo ba? Pinabantayan kita kaninang umaga, gusto ko lang namang makita kung anong magiging reaksyon mo kapag nakita mong wala ‘dun ‘yung lamborghini na dalawang araw nang hatid sundo sa’yo” sabi niya.

Grabe siya! O__O Talagang pinabantayan ako ha? Tss.

Hehe. Wala lang, ang cute mo kasi kahit anong maging emosyon diyan sa mukha mo, kahit siguro magkaron ka ng higanteng peklat sa mukha mo wala akong pakealam eh, hindi naman kasi ‘yung labas nakikita ko.. ang nakikita ko ay kung sino ka talaga, at ikaw ang babaeng mahal ko” nakangiting sabi niya.

Sa totoo lang, hindi ikaw ang tipo ko ng babae, gusto ko ‘yung sexy, ‘yung pang-model ang itsura, gusto ko ‘yung mahinhin, ‘yung malumanay magsalita, gusto ko ‘yung hindi masungit.. at alam mo ‘yung nakakatawa? Kabaliktaran ka ‘nung ideal kong ‘yon, hindi ka sexy, katamtaman lang ang katawan mo, hindi ka ubod ng ganda, hindi ka mahinhin, amazona ka eh, hindi ka rin malumanay magsalita, kulang na nga lang lapain mo ako eh, at higit sa lahat, simula’t simula pa lang, masungit ka na.. kaya nga napapaisip ako eh.. bakit nga ba ikaw?” sabi niya at tumawa sa huli.

Because Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon