Shindy
Matapos ang Racing, as expected panalo si Isaac at second naman si Lelantos. Nandito kami sa labas ni Acien at aangkas na sana sa motor nang lumapit si Lelantos at Isaac kasama si Stacey na hindi makatingin sa akin.
"Shindy, uuwi na kayo? Celebrate muna tayo" Binuhat ni Lelantos si Acien kaya tinignan ko si Isaac kung papalag ba siya na sumama kami, pero parang wala lang naman sa kanya at nakatingin lang sa akin.
"Tara na kasi, huwag mo na alalahanin si Isaac" Huminga ako ng malalim at umupo ako ng maayos sa motor ko,
"Saan ba tayo? huwag naman sana sa Bar kasi kasama natin si Acien" Nag tinginan naman sila Isaac at Lelantos kaya tumaas ang kilay ko,
"Sa Tigers Bar tayo. Kaibigan namin ang may-ari nun. Pwede tayo kumuha ng VIP room para sa atin lang para hindi rin makalanghap ng usok itong si Acien" Sabi ni Lelantos at ginulo ang buhok ng anak ko at gumanti naman si Acien
"Sige, call ako" Tumango tango pa ako pero natigilan kami dahil biglang pumagitna si Stacey
"Uh baby, may importante pa pala akong lakad. Kayo nalang bye" Tapos umalis na si Stacey na hindi man lang pinigilan ni Isaac, anong klasing boyfriend siya?
"Hindi siya makakaapak sa Bar ng kaibigan namin. Ayaw sa kanya" Bulong ni Lelantos sa akin.
Bakit naman kaya? Ayaw ng kaibigan nila kay Stacey? Tapos hindi man lang ipagtatanggol ni Isaac? Walang kwentang boyfriend.
"Mag motor nalang ako. Isakay mo si Acien sayo Lelantos, sunod ako sa inyo" Tumango si Lelantos at kumaway naman ako kay Acien na buhat buhat ni Lelantos.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Isaac ng makapasok na sila Lelantos at Acien sa kotse,
"Hindi ko alam na pati common sense ay wala ka Isaac. Malamang andito ako kasi pareho kami
ng anak ko na mahilig sa
ganitong palaro" Hindi na siya nag salita pa at pumasok na sa kotse niya kaya napailing nalang ako.
Bobo na wala pang common sense, walang pinagbago.
Sinuot ko ang helmet ko at hinayaan na mauna ang kotse nila Lelantos at Isaac, nang makauna na sila ay binuhay ko na ang makina ng motor ko at ng maneho na.
Mga ilang minuto ang binyahe namin bago kami maarating sa Tigers Bar na sinasabi ni Lelantos.
"Tara na Shindy" Tumango ako kay Lelantos na kinarga si Acien, nagulat naman agad ako dahil lumapit si Isaac at pinulupot agad ang braso niya sa bewang ko
"Baka mawala ka. Problema pa yun" Gusto ko siyang irapan. Gago talaga to, kung ano ano pinag iisip.
Hinayaan ko nalang at sabay na kaming pumasok sa Tigers Bar, nakita ko si Lelantos na may kinausap kaya doon kami lumapit.
"Woah Isaac, teka girlfriend mo?" Sabi nung lalaki sabay turo sakin kaya napaturo rin ako sa sarili ko,
"Ako? Ah hindi, hindi niya ako girlfriend" Nakita kong nag katinginan yung lalaki at si Lelantos at tumawa ng mahina sabay tapik sa balikat ko.
"Mag iingat ka. May the force be with you" Kumunot ang noo ko at mag tatanong pa sana kaso hinila na ako ni Isaac papasok sa isang kwarto.
"Hoy ano ba Isaac, si Acien at Lelantos nasa labas pa" Bigla akong natigil ng maaninag ko agad ang loob ng pinagdalhan ni Isaac sa akin.
Puro red ang nakikita ko, mula sahig, kama, curtain, kisame at mga ibang kagamitan tulad nalang ng sofa at coffee table. Ang creepy.
"Hmmm. Ano kaya ang pweding gawin" Nilingon ko si Isaac na ngayon ay tinatanggal ang pang-itaas niya kaya nag iwas agad ako ng tingin at akmang mag lalakad na para makalabas pero hinawakan ako ni Isaac sa braso ko
"Isaac, lumabas na tayo dito. This room is creeping me out" Hinila niya ako kaya napahawak ako sa dibdib niya at tinitigan niya naman ako kaya hindi ako naging komportable.
"Alam mo bang matagal ko ng gustong gawin to sayo pero pinipigilan ko lang dahil sa mga pangarap mo-natin" Napatitig ako sa mga mata niyang kulay asul at bigla akong nakaramdam ng lungkot,
"Pinigilan ko dahil alam kong pag nasimulan ko na ay hindi na ako titigil hanggat hindi nag bubunga. Pinigilan ko dahil alam kong maikukulong kita ng pang habang-buhay pag nasimulan ko na" Hinaplos niya ang pisnge ko habang sinasabi iyon kaya hindi ko mapigilang pumikit at damhin ang haplos niya
"Alam kong matagal na akong gago, pero ngayon gusto kong madagdagan ang pagkagago ko" Matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko agad ang labi niya sa labi ko.
Katulad ng dati, masarap at malambot ang halik niya. Pero ngayon ay may halong kakaiba. Sensual and need, halos hindi ko siya masabayan dahil sa bilis at lalim ng halik niya.
Nag lalaro ang dila niya sa bibig ko habang ang isang kamay nasa batok ko at ang isa naman ay bumaba sa braso ko hanggang sa siko at umakyat na naman papunta sa leeg na nag bigay ng kakaibang kiliti sa akin.
Halos mawalan ako ng wisyo ng bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko at bahagya iyong hinawakan tsaka niya ako tinulak sa kama.
"Mahilig ako sa babaeng virgin, pero bakit ba ikaw lagi ang pumapasok sa isip ko?" Gumapang siya papalapit sa akin at ako naman ay umaatras din hanggang sa tumama na ang likod ko sa headboard ng kama,
"Nababaliw ka na Isaac" Kahit medyo madilim sa kwartong ito at puro kulay pula ang nakikita ko at naaninag ko pa rin ang nakakaloko niyang ngisi na nag pakaba sakin,
"Yes. Nababaliw na ako baby, baliw na baliw" Sisigaw na sana ako dahil sa pag hila niya sa paa ko pero agad niya akong hinalikan ng mariin at dumagan sa akin para hindi na ako makawala.
Nang humiwalay siya sa halik niya pinagapang niya ang mga daliri niya sa leeg ko, pababa sa collar ng damit ko. Nahihirapan akong huminga habang magkalapit ang mukha naming dalawa, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kasing bilis noong mga panahong mahal ko pa siya,
"Naaalala mo pa ba ang mga pangarap nating dalawa Shindy?" Iniwas ko ang mukha ko dahil sinubukan niyang ilapit ang mukha niya,
"wala akong naaalala kahit isa" Pag sisinungaling ko, pero ang totoo naaalala ko lahat. Lahat lahat. Pati kagagohan niya,
"Ipapaalala ko sayo" Bigla niyang hinawakan ang panga ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya, mabilis niya akong hinalikan at sa oras na to, alam kong bibigay na ako sa kanya.
Lahat ng matibay na pader na hinarang ko sa pagitan naming dalawa ay nagiba na, nagpadala ako sa halik niya at hindi ko na naisip ang kahahantungan nito.
Lumalim ang halik niya, so passionate and deep. Sinabayan ko ang pag labas-pasok ng dila niya sa loob ng bibig ko. Tinanggap ko lahat ng haplos niya sa katawan ko.
"Wala ka ng kawala pa"
BINABASA MO ANG
Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Isaac Felton really loves a girl with a coca cola body, proud breast and big butty. He's well gentleman with a hidden beast inside him, he's not a posses...