Isaac
Nakakunot ang noo ko habang pababa ako ng hagdan, tinanggal ko ang suot kong reading glass at tinignan si Acien na sobrang busy kakalaro sa Xbox niya,
"Acien, may nag dodoor bell ah. Wala kang naririnig?" Tanong ko sa kanya, nilapag naman agad ni Acien ang hawak niyang control at nakangusong nag lakad papunta sa pinto ng bahay,
"Dads! Hindi ka pa nakabihis? Diba ngayon tayo mag sisimula sa part time job natin kela Ninong Noe?" Nag lakad ako papunta sa pinto at nakita ko ang dalawang anak ni Fiennes na sila Finel at Fienel,
"Part time job?" Nabaling ang tingin ng mga bata sa akin at tumango naman si Fienel,
"Yes po Ninong Is" Ginulo ko agad ang buhok ni Acien,
"Mag bihis ka na doon, ikaw nalang ang inaantay ng mga kaibigan mo" Natatawang utos ko,
"Dad, you don't have to mess my hair! I have a hard time fixing this" Napailing ako, binata na talaga ang anak ko,
Parang kailan lang laging nagkukulong sa kwarto yan kasi namimiss ang mommy niya pero ngayon ang lakas na ng loob na sumigaw sa akin pag ginugulo ang buhok niya.
Pinapasok ko ang mga anak ni Fiennes pero tumanggo sila, sa labas nalang daw sila mag hihintay kay Acien.
Umupo ako sa sofa at tinignan ang malaking frame sa sala, picture namin tatlo ni Shindy at Acien noong kasal namin.
"Dad, aalis na kami" Tumayo ako at hinalikan si Acien sa noo niya at agad naman siyang sumimangot.
"Seriously dad, nandiyan ang crush ko sa labas. Huwag mo muna akong i'baby ngayon" Nag tawanan kaming dalawa kaya nagulo ko na naman tuloy ang buhok niya,
Umamin siya sa akin na crush niya si Finel kaya ayaw niyang bini-baby ko siya pag nandito si Finel. Mga bata nga naman.
Proud ako sa sarili ko dahil kahit mag isa ko lang na pinalaki si Acien ay naging maayos siya, naging mahirap noong una dahil lagi niyang hinahanap ang mommy niya pero kalaonan ay naintindihan din niya na hindi na namin makakasama ang mommy niya.
Kung nasaan ka man ngayon baby ko, sana masaya ka kasi ako masaya, masaya dahil mahal kita.
End
Hi Shindy Domosmog, sorry kasi kailangan mamatay ng character mo dito sa story.
Sana, makahanap ka ng mala-Isaac Felton sa totoong buhay at mag iingat ka lagi. Salamat sa pag bahagi ng pangalan mo sa Tiger Series.
Next : Nyle Davis
BINABASA MO ANG
Tiger 10: Isaac Felton (COMPLETED)
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Isaac Felton really loves a girl with a coca cola body, proud breast and big butty. He's well gentleman with a hidden beast inside him, he's not a posses...